Kabuwanan mo na ba ngayon at iniisip mong manganak sa natural na paraan o ‘yung tinatawag na water birth? Isang transgender man ang dumaan sa water birth para sa kanyang 3rd baby!
Transgender man ibinahagi ang water birth experience
Bukod sa panganganak sa ospital ng normal at caesarean section, may iba pa ring pinipili ang natural na pamamaraan ng panganganak. Ito ay mas kilala bilang ‘water birth’ na kadalasang ginagawa sa ospital, birthing center o mismong sa bahay ninyo.
Lakas loob na ibinahagi ng isang transgender man na si Yuval Topper-Erez ang kanyang naging karanasan sa water birth. Sa kanyang Facebook account, pang-apat na pagbubuntis niya ito ngunit aminado pa rin siyang mahirap ang kanyang naging journey sa water birth.
Ang purpose ng kanyang pagbabahagi ay mag bigay ng inspirasyon sa mga ‘future seahorse dads’ o mga gestational fathers.
Yuval Topper-Erez ang kanyang pagbubuntis. Healthy namang ipinanganak nito ang kanyang baby ng may timbang na 8lb3oz / 3.720 kilos.
Transgender man ibinahagi ang water birth experience | Image from Tara Leach
Ibinahagi rin niya ang pagkahilig niya sa birth photography kaya naisipan niyang gawin ito sa kanyang labor day. Iba ang naging epekto sa kanya ng makita niya ang mga pictures ng kanyang water birth journey.
“At that point I thought it would just be a lovely memoir for me and perhaps my child, but when I saw the photos I suddenly got the sense that they need to be out there, as they represent so well two causes very close to my heart: normalisation of home birth and normalisation of trans and non binary people giving birth.”
Sa tulong ng dalawang Yuval Topper-Erez ang kanyang water birth sa kanilang bahay sa oras na 5:55 ng umaga.
Ano ang Water Birth?
Ang water birth ay isang uri ng panganganak na kinakailangan na ikaw ay nasa loob ng isang birth pool na may lamang maligamgam na tubig. Kadalasang ginagawa ito sa ospital o bahay niyo mismo habang tinutulungan ng iyong doctor, midwife o nurse.
Mahalaga ang maligamgam na tubig na gagamitin sa water birth dahil magagawa ka nitong marelax at matulungan sa pagkontrol ng sarili. May ibang pag-aaral rin na ang tubig ay nakakapagpababa ng tyansa na mapunit ang ari ng babae sa panganganak. Maganda rin ito sa daloy ng dugo sa uterus. Ngunit wala pang matibay na basehan para rito.
Ang water birth ay may benepisyo at risk factor para sa ating mga mommy. Narito ang ilan sa kanila:
Benepisyo ng Water birth
Hindi pinapayo ng mga doctor ang water birth para sa unang stage ng panganganak ng isang buntis. Ayon sa ACOG, ang water birth ay napag-alaman na nakakapagdulot ng maikling oras ng panganganak ng isang nanay. Napapababa rin nito ang tyansa na sa sakit ng likod.
Transgender man ibinahagi ang water birth experience | Image from Tara Leach
Sa isang maliit na pag-aaral, napagalaman na ang panganganak sa tubig ay less stress kumpara sa iba 42 days pagkatapos ng kanilang delivery. Dagdag pa rito, napapababa ang tyansa na sumailalim sa cesarean section ang isang nanay sa susunod nitong pregnancy. Ngunit ito ay primary study pa lamang at hindi pa matibay ang pag-aaral.
May ibang nanay na nagsasabing may kakaibang satisfaction silang nararamdaman kapag nanganak sa tubig. Kaya naman mas pinipili nila ito.
Risk ng Water birth
Bago mapagkasunduan na sumailalim sa water birth, tanungin muna ang iyong doctor kung safe ba para sa’yo at kay baby kung sakaling ito ang paraan mo ng panganganak. Hindi kasi maaaring dumaan sa water birth ang mga babaeng sumailalim na dati sa cesarean section kasama na ang mga nagkaroon ng preterm labor.
Narito pa ang ibang komplikasyon para masabing hindi ka pwede sa water birth:
- Matinding pagdurugo ng ari
- May history ng shoulder dystocia
- Hirap sa pag detect ng heartbeat ng fetus
- Pagkakaroon ng lagnat mula 38°C pataas
- Skin infection
- Sedation
Rekomendasyon rin ng mga eksperto, maaaring manganak thru water birth ang isang babae sa kanilang 37 weeks hanggang 41 weeks.
BASAHIN:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.