11 signs na maaaring may trauma dahil sa panganganak

Maaaring maranasan ng ating mga moms ang iba't-ibang mental health condition katulad ng pregnancy trauma. Alamin kung anu-ano ang mga ito. | Lead image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bayani nang maituturing ang ating mga nanay. Hindi biro ang pagdadala nila ng sanggol sa kanilang sinapupunan ng 9 months. Bukod pa rito, hindi pa natatapos ang kanilang challenge pagkatapos nilang manganak. Maaaring maranasan pa nila ang iba’t ibang mental health condition katulad ng trauma sa panganganak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 11 senyales ng trauma sa panganganak na maaaring pinagdadaanan mo na
  • Paano nakukuha ang trauma?
  • Isang pag-aaral patungkol sa trauma sa panganganak

Bilang isang bangong kapapanganak na nanay, ating alamin kung ano ang mga maaaring senyales na ikaw ay may trauma na pala dahil sa iyong pagbubuntis.

Narito ang 11 signs na dapat mong bantayan.

11 senyales ng trauma sa panganganak na maaaring pinagdadaanan mo na

Ang pregnancy trauma ay may pagkakahawig sa Post-traumatic Stress Disorder o PTSD. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga nanay na kakapanganak pa lamang.

Pangunahing sintomas ng birth trauma

  1. Mabilis na pagbabago ng mood
  2. Depression
  3. Anxiety
  4. Matinding galit
  5. Hirap matandaan ang nasabing pangyayari. Kadalasang nakakalimutan ang ibang bahagi nito.
  6. Ayaw balikan ang taumatic experience.
  7. Nagkakaroon ng masamang panaginip tungkol dito.
  8. Pag-iwas sa tao, bagay, lugar o iba pang nakakapagpaalala sa kaniya tungkol sa traumatic experience.
  9. Matinding pagsisi sa sarili o iba tungkol sa traumatic experiene.
  10. Negatibong pag-iisip.
  11. Pinagpapawisan, nahihirapan sa paghinga, sumisikip ang puso o iba pang response sa kapag naaalala ang traumatic experience.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Trauma sa panganganak.

Paano nakukuha ang trauma?

Kadalasang nakukuha ang trauma kapag ang nanay ay may matinding pagkatakot na ‘baka’ mamatay ang kanyang anak.

Dito pumapasok ang takot na mamaya ang kanilang anak sa stillbirth, maagang panganganak o matinding pananakit ng tiyan. Kasama na rito ang:

  1. Pagkawala ng madaming dugo ng ina habang nanganganak.
  2. Kapag pinanganak ang kanilang anak na may medical condition.
  3. Pag-confine sa kanilang baby sa isang special care baby unit.

Isang pag-aaral patungkol sa trauma sa panganganak

Ayon naman sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga researcher na inilathala ng Journal of Reproductive and Infant Psychology, na maaaring maiugnay ang nararanasan ng mga nanay o mga magulang sa trauma sa panganganak sa postpartum depression.

Hindi kasi maiiwasan na mahirapan sa panganganak ang isang babae, sapagkat mahirap talagang magluwal ng sanggol sa sinapupunan. Kaya naman maaaring magresulta ang trauma sa panganganak ng isang traumatic stress symptoms.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa mga magulang na nakaka-relate dito ay ang kwento ng mga sumusunod:

Trauma sa panganganak

Halimbawa na lamang si Olivia, isang babaeng malapit nang manganak ang nakaranas ng matinding pananakit ng likod dahil sa kaniyang lumang sport injury.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang isang buwan ang pananakit na ito ay hindi na talaga kayang i-manage. Subalit natatakot siya na makaranas ng matinding pananakit habang nanganganak dahil sa karanasan na ito. Iniisip din ni Olivia kung isa lamang ba ang kaniyang magiging anak.

BASAHIN:

Paano nakaapekto ang magandang environment at support system upang malampasan ang depresyon dala ng stillbirth?

6 na hindi dapat sinasabi sa mga ina na nakakaranas ng postpartum depression

Anu-ano ang sintomas ng postpartum depression at paano ito malalampasan?

Para naman kay Alisha, isang linggo bago ang kaniyang panganganak ay nagnanais siya ng uncomplicated na labor at natural na panganganak. Subalit nirekomenda ng kaniyang doktor na sa kaniyang labor ang medically induced labor. Ito’y pagbibigay ng gamot sa isang manganganak na babae upang mapabilis ang kaniyang panganganak.

Nagdadalawang-isip dito si Alisha, subalit nais niya ang pinakamainam na paraan para manganak siya kaya naman nagbigay siya ng consent para rito.

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit hindi nagtagumpay ang induction na ginawa at nakaranas siya ng 48 na oras ng matinding sakit sa pagle-labor. Kaya naman kinailangan niyang i-emergency c-section. Sapagkat pati ang kaniyang baby ay nagpapakita na ng distress. Ang baby ni Alisha ngayon ay isang toddler na. Pero patuloy pa rin na naalala ni Alisha ang naranasan niya at nakakaranas ng anxiety patungkol sa well-being ng kaniyang anak.

Matapos ang kanilang naranasan

Patuloy pa rin na nakakaranas ng stress dahil trauma sa trauma sa panganganak ang dalawang nanay na ito.

Ayon kay Dr. Deborah L. Davis, isang developmental psychologist, kahit umano na mayroon silang malulusog na baby na pinapapalaki ay tila naroroon pa rin ang development ng post-traumatic stress.

Hindi umano mahalaga ang outcome, subalit nakadepende ito sa isang subjective experience ng isang babaeng nanganak.

Ibig sabihin nito kapag sinabihan ang isang nanay patungkol sa isang test results o health status ng kanilang anak, ay maaari silang makaranas ng trauma.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami umano kasing factors ang trauma, kasama na rito ang multiple stressful events. Halimabwa, naranasan ni Olivia at Alisha.

Childbearing Risks at Trauma sa panganganak

Ayon pa rin kay Dr. Deborah, sa U.S umano positibo ang pagtingin sa pagbubuntis ang panganganak. Kaya naman marami umano sa mga magulang doon na mayroong mataas na expectation sa pagkakaroon ng maginhawang pagbubuntis at panganganak.

Kahit na karamihan sa mga pagbubuntis at panganganak ay hindi kumplikado may bilang pa rin ng mga babaeng maaaring makaranas ng paghihirap sa pagbubuntis at panganganak.

Narito ang ilang mga dahilan at risks factor na maaaring magkaroon ng trauma ang isang babae o mag-asawa:

Larawan mula sa iStock

  • 9% na mga couple na nahihirapan na makabuo o nakakaranas ng infertility
  • 15-20% na mga babae o mag-asawang nakaranas ng miscarriage o pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan.
  • Mayroong 8% na pagbubuntis ang nagkakaroon ng kumplikasyon na maaaring makasama sa baby at sa ina nito.
  • Nasa 10% naman ang nakakaranas ng preterm births, o pagkakaroon ng premature baby
  • 27% naman sa mga pagbubuntis ang maaaring makaranas ng medically induced na pagle-labor kaysa sa spontaneous.
  • 20% sa mga medically induced na ito ay nagpe-fail at naiuuwi sa hindi planadong c-section.
  • Nasa 18% naman ng panganganak ay nangyayari sa pamamagitan ng isang c-section.
  • 1 baby sa bawat 100 ang stillborn (namatay matapos ang 20 weeks ng gestation, bago o habang nanganganak)
  • 4 sa bawat 1,000 baby ang namamatay ilang sandali matapos nilang isilang.
  • Nasa 14 sa bawat 1,000 naman ang makaranas ng life-threaning birth para sa mga babaeng buntis.
  • 17 sa bwat 100,000 na pagbubuntis ang nagreresulta naman sa pagkamatay ng nagbubuntis na babae.

Sinasabi ni Dr. Deborah na ang mga hindi planadong pangyayari na ito ay maaaring magdulot ng distress para sa mga magulang lalo na sa mga babaeng nagbubuntis o matapos nilang manganak. Maaaring magdulot din ito ng sintomas ng post-traumatic stress.

Sintomas ng ng post-traumatic stress matapos manganak

  • Nakakaranas ng matinding takot
  • Helplessness
  • Emosyunal
  • Nakakaranas ulit ng traumatic event at pakiramdam niya ay haunted pa rin siya ng mga alaalang iyon.
  • Umiiwas sa mga lugar o tao na maaaring makapagpaalala ng traumatic event na naranasan niya.
  • Pagkakaroon ng negatibong pananaw o pakiramdam. Katulad ng iniisip nila na hindi sila mabuting nanay o hindi nila kayang maging mabuting nanay sa anak nila.

Kaya naman inimumungkahi ng mga researcher sa Journal of Reproductive and Infant Psychology na magkaroon ng screening para sa mga babaeng kakatapos lamang manganganak para sa pagkakaroon ng trauma sa panganganak o traumatic stress.

Bukod pa ito sa pagkakaroon ng screening sa pagkakaroon ng postpartum depression. Sa gayon, magabayan sila at matulungan sila sa kanilang kalagayan.

Kaya naman kung nakakaranas ng mga ganitong sintomas matapos manganak ay mas mainama na humingi ng tulong sa mga eksperto.

Kung ikaw naman mommy ay malapit nang manganak ay kausapin din ang inyong doktor patungkol sa iyong panganganak upang makaiwas sa pagkakaroon nito.

 

Source:

Psychology Today, Childbearing Post-Traumatic Stress: A Potential Subtype of PTSD (Psychology Today)

Sinulat ni

Mach Marciano