Going bulilit child star noon na si Trina “Hopia” Legaspi buntis na sa kaniyang first baby

From her nanay roles sa Going Bulilit noon, si Hopia nalalapit na talagang maging isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Trina Legaspi aka “Hopia” buntis na sa first baby nila ng mister niyang si Ryan Jarina.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Trina Legaspi aka “Hopia” buntis na sa kaniyang first baby.
  • Pagsasama nina Trina Legaspi at mister na si Ryan Jarina.

Trina Legaspi aka “Hopia” buntis na sa kaniyang first baby

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Legaspi

Talagang kay bilis ng panahon kasi ang cute na bata noon na napapanood lang natin sa programang Going Bulilit ng ABS-CBN ay nalalapit na rin magkaroon ng mini-me niya.

Sapagkat si Trina Legaspi o mas kilala sa tawag na Hopia ay buntis na sa kaniyang first baby. Ito ang magandang balitang ibinahagi ni Trina sa kaniyang Instagram kahapon.

“From all the nanay roles to becoming a real life mother! Can’t wait to see you our little “Hopia Jarina”. 👶🏻
Boy or Girl? What do you think? 💙💗 Naiiyak me while typing this!  @ryan_jarina

Ito ang caption ng IG post ni Trina kung saan makikitang nagpa-pregnancy photoshoot na sila ng mister na si Ryan Jarina.

Sa isa pang IG post ay sinabi pa ni Trina na talagang totohanan na ang pagiging mommy niya. Hindi na ito prank tulad ng ginawa niya noon at hindi na lang basta TV role na lagi niyang ginagampanan noon sa Going Bulilit.

Ang mister niyang si Ryan ay masaya ring ibinahagi ang pagkakaroon ng bagong blessing sa pagsasama nila ni Trina. Ito nga raw ay dumating isang taon matapos silang maikasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The newest member to our Vlog Family! Haha! Almost a year after our wedding, God gave us another blessing! Can’t wait to see you next year anak!”

Ang mga celebrity friends ni Trina sobrang saya sa magandang balitang ibinahagi ng mag-asawa. Sila ay agad na nagpaabot ng kanilang pagbati sa dalawa.

rodjuncruz Wohooo! Congratulations sa inyo @trinalegaspi 

janeoineza Omgggg hopiaaa! Congratulations!!! From gb nanay roles huhu

chiefilomeno OMG HOPIEEEE!! Congratulations!

Ito ang ilan sa pagbati kay Trina ng mga kasamahan niyang artista.

Si Trina hindi pa nag-share ng detalye ng kaniyang pagbubuntis. Pero mapapansin na bumubukol na ang kaniyang baby bump at very blooming siya sa kaniyang first pregnancy.

Pagsasama nina Trina Legaspi at mister na si Ryan Jarina

Nobyembre nitong nakaraang taon ng maikasal si Trina “Hopia” Legaspi sa long-time business man boyfriend niyang si Ryan Jarina. “Fairy tale wedding” ganito kung isalarawan ni Trina ang naging kasal nila ng mister. Si Trina ay 27-anyos ng maikasal.

Sa isa sa mga IG post ni Trina ay nagpasalamat siya sa mister na si Ryan sa pag-iintindi nito sa ugali niya. Sabi pa nga dating child actress pinag-aaralan niya parin sa ngayon ang maging submissive na misis sa mister niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank you for always understanding me. I’m still learning to be a submissive wife ‘cause we’re both headstrong. Lol! I promise darating din tayo diyan. Haha! Ang drama ko! I love you always! 💕”

Ito ang mensahe ni Trina sa mister niyang si Ryan.

Love story ni Trina at Ryan

Base sa kuwento ni Trina, 6 years silang magkasintahan ng mister na si Ryan bago sila maikasal. Sa isa sa kanilang mga vlog episodes ay ibinahagi ni Trina at Ryan kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila.

Kuwento ni Ryan na CEO ng isang kumpanya na nagbebenta ng mga sasakyan sa Quezon City, nagsimula ang kanilang love story ng bumili ng sasakyan ang Papa ni Hopia sa kanila. Sunod ay imbitahan nito ang buong pamilya ni Hopia para dumalo sa kaniyang kaarawan.

“We met 6 years ago at Chevrolet Commonwealth on my birthday.  It’s an interesting story. Because before my birthday I had this wish na I was hoping to meet someone special this year. And that person was someone which I want to spend the rest of my life with.”

Ito ang pahayag ni Ryan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang wish nga umano na ito ni Ryan ay alam niyang natupad na nang una niya pa lang makita si Hopia. Isang sorpresa sa kaniyang birthday na labis niyang ikinatuwa.

“I was actually surprised that she came with her family. And the moment I met her, it was love at first sight.”

Ito ang pahayag pa ni Ryan.

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Legaspi

Pero, ayon naman kay Hopia, kabaligtaran naman daw ang naramdaman niya noong una niyang makita si Ryan.

“The first time I saw Ryan, hindi ko talaga siya type. Ang itim niya tapos ang oily. Mukha kang haggard, hindi ka blooming that time.”

Ito ang honest at medyo pabirong sabi ni Hopia sa nobyo niyang si Ryan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero sa hindi inaasahan, sa pagdaan ng panahon ay nagkahulugan sila ng loob at naging magkasintahan at ngayon malapit ng magkaroon ng kanilang sariling pamilya. 

Congratulations Trina at Ryan!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement