Shinare ng mag-asawa na sina Troy at Aubrey Miles kung gaano kahalaga ang date nights.
Date Nights ang secret ni Troy at Aubrey Miles sa strong relationship
Isa sa mga sikreto ng solid foundation ng isang relationship ay ang “we” time ayon sa celebrity couple. Ang we time daw ay ang time kung saan nakakapag-bonding silang mag-asawa.
Ayon pa kay Troy, hindi lang sa kanilang mag-asawa ito may benefit, pati na rin sa kanilang mga anak. Nagshare rin ito ng photos kung saan nag bobonding ang kanilang buong pamilya.
Long time partners, Troy and Aubrey Miles date nght ang secret sa relationship. | Larawan mula sa Facebook page ni Troy Montero
Ayon pa sa caption nito ay ang mga couple na may date nights ay mas nakakapag communicate sa isa’t isa. Magkakaroon rin ng strong commitment and intimate love sa partner.
“Plus, it’s good for the kids, too!” dagdag pa niya sa kanyang post.
May tatlong anak ang couple, ito ay sina Rocket Miller, Hunter Cody Miller at Maurice.
Hindi naman daw kailangan na bongga ang date, pwede na simpleng coffee o grocery lang ito. Ang mahalaga ay magkaroon ng quality time sa isa’t isa.
Naniniwala nga sina Troy at Aubrey Miles sa Parent’s Date Night.
“@milesaubrey and I firmly believe in Parent’s Date Night.” paliwanag ng aktor
Nagcomment rin si Aubrey na ang mahalaga ay magkaroon sila good talk at magplan for the future.
Tinuturing na ideal couple ang dalawa dahil sa tagal niyang live-in partners hanggang magpakasal ito ng legal. Hindi daw ineexpect ng aktres ang feeling ng proposal.
Akala nito ay okay lang kahit walang kasal dahil happily living together ang dalawa. Noong nagpropose si Troy ay iba daw pala ang feeling pag nagpropose ang partner.
Ayon sa kwento ni Aubrey,sa Boracay habang nasa kayak, nagpropose ang long-time partner nito. Noong una pa nga daw ang thank you ito, natatawang kwento ng aktres. Kilig na kilig si Aubrey sa proposal dahil unexpected daw ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!