Para sa mga first time father, narito ang tungkulin ng ama na kailangan mong tandaan para maging malapit sa iyong anak.
Ang pagiging ama
Sa paglaki ng isang bata, mahalagang factor ang presensya ng isang ama. Bilang isang super dad, siya ang aalalay at susuporta kay mommy sa pagpapalaki sa kanilang little angel. Iba ang hatid na pakiramdam kapag narinig nila ang salitang “papa”.
Ngunit paano nga ba maging parte sa paglaki ng iyong anak? Ano ang tungkulin ng isang ama?
7 steps para maging mas involved sa buhay ni baby
Tungkulin ng ama | Image from Unsplash
1. Maging healthy dad
Isa sa katangian ng superdad ang pagiging healthy nito mentally man o physically. Kung si misis ay buntis pa lamang o bagong panganak, iwasan muna ang iyong mga nakasayang bisyo. Katulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Alam niyo bang ang paglanghap ng buntis ng sigarilyo ay nakakapagpataas ng risk ng pagkakaroon ng congenital heart defects ni baby paglabas nito?
Isa rin sa pangunahing nagiging epekto ng second hand smoke sa buntis ay premature birth at low birth weight. Ito’y dahil ang nalalanghap na kemikal mula sa usok ng sigarilyo ay pinipigilan ang maayos na paglaki ng sanggol sa loob ng tiyan ng kaniyang ina. Kung hindi maagapan, madalas ang mga sanggol na isinilang na premature at may low birth weight ay nagkakaroon ng iba pang sakit at komplikasyon.
Kailangan mo rin na magkaroon ng magandang eating habits. Makaktulong ang mga pagkain na mayaman sa fiber at nakakapagpataas ng iyong immune system.
2. Research, research, RESEARCH!
Makakatulong ang research sa mga first time dad. Lalo na kung wala ka talagang ideya kung paano tulungan si misis sa kaniyang pagbubuntis, pagkatapos manganak at paglaki ng iyong baby. Hindi ka man ang magdadala ng baby sa loob ng 9 months, hindi ibig sabihin nito na hindi kana kasama sa journey ng paglaki ng iyong anak. Mahalagang support system ka ni mommy!
Kung nakakaranas ng pregnancy norm ang iyong asawa katulad ng pagsakit ng ulo, morning sickness, o pagsusuka, magandang mag-research agad para matulungan si misis.
Marami ang mabibili na libro sa mga bookstore tungkol sa pagiging isang tatay. Makikita mo rito ang iba’t ibang advice kung paano ang proper parenting pati na rin ang mga real-life experiences ng ibang dads.
Tungkulin ng ama | Image from Freepik
3. Kausapin ang ibang dads
Bukod sa libro, makakatulong pa ang ibang advice ng ibang tatay sa ‘yo. Maaaring humingi ng tulong sa kaibigan o ibang kamag-anak na pamilyado na.
Malaking tulong din ang pagsali sa mga online group para na rin may interaction ka sa ibang tatay. Puwedeng-puwede ka rin na sumali sa theAsianparent Community para sa lahat ng tips, interaction sa ibang parents, give-aways at iba pa! I-download lang ang aming app at gumawa ng account.
4. Tungkulin ng ama ang maging financially ready
Ang pagbuo ng pamilya ay magastos din. Mula sa araw-araw na pangangailangan ni misis sa kaniyang pagbubuntis, sa monthly check-up nito, sa panganganak, sa gamit ni baby hanggang sa ito ay lumaki. Hindi biro ang magkaroon ng pamilya.
Isa ring malaking tungkulin ng haligi ng tahanan ay ang pagbibigay ng suporta at pangangailangan ng kaniyang pamilya. Malaking responsibilidad ito na kailangang panghawakan ng isang ama. Mula sa salitang ‘haligi’ kailangan mong maging matatag at malakas dahil hawak hawak mo ang iyong minamahal na pamilya.
5. Pagbabago ng sex life
Ang pagiging soon-to-be daddy ay may kaugnayan din sa sex life mo. Habang lumalaki ang tiyan ni mommy, maraming magulang ang tumitigil rin ang kanilang sex life. Bukod dito, pagkatapos manganak ng nanay, hindi pa rin maipapagpatuloy ang sex life ng mag-asawa. Kailangan pang maghintay ng 6-week recovery bago tuluyang maging magaling si mommy.
Ang pagbubuntis ay isang sensitibong journey ng isang nanay. Kailangan mong matuto at alamin ang lahat ng bawal o ikabubuti ng pregnancy.
Tungkulin ng ama | Image from Freepik
6. Tulungan si mommy
Alam naman nating hindi biro ang magdala ng sanggol ng halos 9 months. Kaya hindi kakayahin ni mommy itaguyod ito ng mag-isa lang. Kailangan mong maging suporta sa kaniya sa bawat check-up, pagluto ng pagkain at lalo na pagkatapos manganak.
Narito ang ilang paraan para makatulong kay mommy pagkatapos manganak:
- Pag-aralan kung paano magpalit at maglagay ng diaper ni baby.
- ‘Wag kakalimutan na bigyan ng sariwang prutas ang iyong asawa kapag ito ay napansin mong pagod na.
- Laging kausapin ang iyong baby kahit na hindi ka nito naiintindihan.
- Basahan ng libro ang iyong anak.
- Magkusa sa mga gawaing bahay habang nagpapahinga o nag-aalaga ang iyong asawa sa inyong anak.
- Alamin kung paano paliguan ang iyong anak.
- Kantahan ang iyong anak.
7. Komportableng pag-tulog
Asahan mong mahihirapan makatulog ang iyong asawa habang at pagkatapos nitong magbuntis. Habang buntis ang isang babae, normal na sa kanila ang mahihirapan makatulog dahil sa body pain nanararanasan nito. Pagkatapos manganak, nandyan naman ang oras-oras na pag-iyak ni baby sa gabi dahilan para magising sa pagkakatulog si mommy.
Malaking tulong na sa iyong asawa kung sa gabi ay ikaw naman ang incharged sa pagbabantay sa iyong baby para makatulong ng dire-diretso ang iyong asawa.
BASAHIN:
5 na hindi dapat sinasabi ng tatay sa kanyang anak
Sleeping position ng mag-asawa, pahiwatig ng matatag na pagsasama
STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!