X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Netizen: "Huwag tanggalan ng pangarap ang mga panganay na anak"

5 min read

Pananaw ng isang netizen, ang tungkulin ng panganay na anak sa pamilya’y ‘di upang sumalo ng responsibilidad ng mga magulang niya. Sila’y hindi dapat tanggalan ng karapatan na mangarap at tuparin ang mga ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Panawagan ng isang netizen sa ibang mga magulang
  • Tungkulin ng panganay na anak sa pamilya

Tungkulin ng panganay na anak

File photo/Family photo created by pressfoto – www.freepik.com

Tungkulin ng panganay na anak sa pamilya

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng 21-anyos na si Joshua Gulapa ang kaniyang pananaw sa usaping ito. Pahayag ni Joshua, hindi dapat maging tungkulin ng panganay na anak sa pamilya ang responsibilidad na dapat ay para sa mga magulang nila. Bilang anak, hindi sila ang dapat sumuporta sa kanilang kapatid. Dahil sila ay may kaniya-kaniya ring pangarap na ninanais na abutin.

“The eldest should not held responsible to support the youngsters. Kasi if that happens, tinanggalan mo na ng pangarap ‘yung panganay mo. You’re taking away the life that the kid has never dreamed of yet kasi nakapako na sila sa responsibility na in the first place they didn’t make. Anak niyo rin ang mga panganay. They deserve to have ambitions and become what they want to be without delays made not by them.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Joshua sa kaniyang Facebook post.

Dagdag pa ni Joshua, maliban sa responsibilidad ay napakalaki rin ng expectations sa mga panganay na anak. Sa oras na pumalpak sila, ang responsibilidad na ipinatong sa kanilang balikat ay naipapasa naman sa anak na sumunod sa kanila.

Ang reyalisyason ng bunso ng pamilya

Ayon kay Joshua, ang tagpong ito’y ‘di naman tulad ng sa kanilang pamilya. Ngunit bilang bunso sa 9 na magkakapatid, siya ay nabigyan ng pinakamagandang oportunidad sa buhay sa tulong ng mga nakakatandang kapatid niya. Kapalit nito ang pagsasakripisyo ng sarili nilang buhay at pangarap. Ang reyalisasyon na ito’y kaniyang napagtanto habang unti-unti niyang inaabot ang mga pangarap niya.

“As years go by, I became more mature to understand life. When I began to think about my future and what I wanted to become, I kept pondering if do my brothers and sisters have ever dream of becoming their dream profession. Like nangarap din ba sila like nang ginagawa ko ngayon?”

Ang tanong na ito ni Joshua ay tinangka niyang sagutin. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa pangarap ng isa sa mga ate niya. Ngunit sa hindi niya inaasahan, iba ang sagot na nakuha niya.

“Dream ko lang talaga n’on mapagsama-sama tayong lahat sa pasko. Gustong gusto ko n’on mag-aral pero kailangan talagang may magtrabaho eh, dami natin.”

Ito ang nagpatibay sa reyalisasyon ni Joshua na nakapaswerte niya. Dahil bilang bunsong anak hindi niya kailangang gawin ang napakalaking sakrispisyo na ginawa ng mga nakakatanda sa kaniya.

BASAHIN:

STUDY: Ugali ng bata, nakakaapekto sa kanilang romantikong relasyon paglaki

Paano nagkakaiba ang ugali ng mga panganay, gitna, at bunso?

Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral

Sila’y biktima lamang ng kahirapan na mas pinatatag ang kanilang samahan at pagmamahalan.

Tungkulin ng panganay na anak

File photo/Food photo created by tirachardz – www.freepik.com

Kuwento ni Joshua, ang kaniyang ina ay isang mabuting may-bahay. Habang ang kaniyang ama ay dating construction worker. Ito ang bumubuhay sa kanila. Hanggang sa ito’y maaksidente at malaglag sa building na pinagtratrabahuan niya. Ito ang nag-udyok upang ang panganay na kapatid niya noon ay mag-trabaho upang maibigay ang pangangailangan nila.

Magkaganoon man, ayon kay Joshua ay laging binabanggit sa kanila ito ng tatay niya.

“Hindi ninyo kami responsibilidad, responsibilidad namin kayo dahil anak naming kayo.”

Isang bagay na nakapagsabi sa kaniya na ang kanilang pamilya ay biktima lang ng kahirapan. Hindi ito tulad ng ilang pamilyang Pilipino na nakapako sa kultura kung saan ipinapasa ng mga magulang ang dapat ay tungkulin nila sa kanilang mga nakakatandang anak.

Pero dahil likas na nagkakaisa may pagmamahal sa magulang at pamilya ang mga kapatid niya, kahit na ang mga ito’y may pamilya na, patuloy pa rin silang tumutulong at nagbibigay ng suporta sa kanilang ama’t ina. Ayon pa nga rin kay Joshua, kung hindi dahil sa mga ate at kuya niya’y hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral. Sa katunayan, sa kanilang magkakapatid siya lamang ang napagbigyan ng pagkakataon na maka-graduate na may bachelors degree sa kolehiyo. Kaya naman sa kanilang siyam ay siya lang ang napagbigyan ng kalayaan na tuparin ang pangarap at inaasam ng puso niya. Kung matupad niya umano ito’y kasiyahan at labis na ipagmamalaki na ng mga ate at kuya niya.

“I am really thankful for their sacrifices. So now to pay back, I’m continuously striving to become a writer-fashion photographer-film maker. And sabi nila, I will make them proud if I will be able to fulfill that goal.”

Panawagan sa iba pang Pilipinong pamilya

May panawagan din si Joshua sa mga pamilya na biktima ng Pilipinong kultura na kapag panganay ka, ikaw na agad ang magsasalba sa inyong pamilya. Imbis na magpasahan ng responsibilidad, mainam umano na makinig at magtulungan. Paniniwala niya, ito ang pangunahing sikreto sa pag-abot ng sama-sama nilang tagumpay.

“To those family who is currently in that situation, open communication is always a key. Always offer an ear to listen, a mind to understand, and a hand to help. You need to consider everyone mapa insight ng magulang, bunso or panganay kasi every thoughts matter because you are playing as a team. Always, always try to help one another. “Kapag marami ang bumuhat sa malaking bato, mas gagaan ito.”

Hiling niya pa sa mga magulang sana ay maging responsable. Dahil ang pagkakaroon ng anak ay isang habang-buhay na responsibilidad.

Sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong ng kaniyang mga kapatid, si Joshua ay nakapagtapos sa kursong Mass Communication sa Unibersidad ng Maynila. Ngayon ay sinisimulan niyang tuparin ang mga pangarap niya bilang isang photographer.

Tungkulin ng panganay na anak

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Image from Joshua Gulapa’s Facebook account

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Netizen: "Huwag tanggalan ng pangarap ang mga panganay na anak"
Share:
  • Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral

    Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral

  • Panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, ikinasal na!

    Panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, ikinasal na!

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral

    Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral

  • Panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, ikinasal na!

    Panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, ikinasal na!

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.