Labis ang pinsalang iniwan ng typhoon Ulysses sa mga Marikina, Rizal, at iba pang bahagi ng Luzon. Marami ang na-trap sa kani-kanilang kabilang na ang mga bagong silang na sanggol at kanilang mga nanay, sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.
Hindi na nakalikas ang marami dahil sa biglaang pagtaas ng tubig. Umaabot ang taas ng tubig hanggang sa 2nd floor ng mga bahay sa Marikina at Rizal. Maraming mga pamilya ang nasa itaas na lamang ng kanilang mga bubong habang naghihintay ng mga rescuer.
Epekto ng Tyhpoon Ulysses
Larawan mula sa GMA News
Wala pang kumpleto at tiyak na datos sa ngayon kung gaano kalawak ang iniwang pansalang ng typhoon Ulysses sa buong bansa. Sa Marikina umabot sa halos 22 meters ang taas ng tubig, ayon ito sa ulat ng kanilang lokal na pamahalaan. Mas mataas pa umano ito sa water level noong nanalanta ang bagyong Ondoy noong 2009.
Ang mga baby at bata kasama ang kanilang mga nanay ay agad na dinala sa barangay hall ng mga rescuers.
Isang nanay nga ang nagsabi na hindi niya inaasahan ang mabilis na pagtaas ng tubig.
“Akala po namin katapusan na namin e,” ani ng isang nanay na na-rescue sa Marikina.
Dagdag pa rito, hindi madali ang pagre-rescue sa mga na-trap na residente sa kanilang bahay sa Marikina. Ang taas ng tubig ay abot na kasi sa kawad ng kuryente. Malakas din umano ang current ng tubig ayon sa isang rescuer.
Kaya naman ang ibang residente ay tumulong na rin sa pag-rescue lalo na sa mga sanggol. Sa Tweet ni Chino Gaston. Makikita na ang mga residente ay tinulungan ang isang 10-buwan na sanggol upang malagay sa ligtas na lugar. Gumamit ang mga residente ng batsa at lumang gulong sa Barangay Concepcion sa Marikina.
BASAHIN:
Jericho Rosales at Kim Jones, tumulog sa rescue gamit ang surf boards
Mga malls sa Metro Manila na bukas para sa mga naapektuhan ng Typhoon Ulysses
10 bagay na dapat gawin at ihanda bago dumating ang bagyo
Bayanihan sa gitna ng typhoon Ulysses
Sa gitna ng paghagupit ng typhoon Ulysses sa bansa, nagpamalas na naman ang mga kapwa nating Pilipino ng bayanihan. Maraming nagsagawa ng iba’t ibang relief operation. Mapa-indibidwal o mga organisasyon.
Bumuhos ang tulong sa nasalanta ng bagyo, marami nagbigay ng libreng pagkain at nag-donate ng mga damit ang blanket. Kaisa na rin sa mga nagpaabot ng tulong ay ang mga personalidad na sina Michelle Gumabao, Macoy Dubs, at tumulong din ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones sa pag-rescue sa kanilang mga kapitbahay sa Marikina gamit ang kanilang surfboard. Gayundin si Donnalyn Bartolome na isang YouTube vlogger at celebrity.
Sa ngayon, marami pa rin ang nangangailangan ng tulong sa mga naapektuhan ng typhoon Ulysses. Maaari tayo tumulong at makipag-ugnayan sa mga non-government at government organization para makapagpaabot ng tulong. Patuloy pa rin ang isinasagawang pagre-rescue at relief operation ng mga lokal na pamahalaan na nasalanta ng typhoon Ulysses kaisa na ang national government kasama ang iba’t ibang mga pribadong sektor. Patuloy na rin ang pagbibigay ng relief good sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Mga paghahanda na dapat tandaan kapag may parating na bagyo
- Subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
- Huwag nang lumabas kapag hindi kailangan
- Alamin kung saan puwede lumikas
- Itaas ang mga gamit na maaabot ng tubig
- Maging alerto
- Mag-imbak ng mga pagkain
- I-charge ang inyong mga cellphone at power bank
- Ihanda ang first aid kit
- Ilagay sa ang mga importanteng dokumento sa plastic upang hindi mabasa kung kayo’y bahain
- Ihanda ang personal na kagamitan
- Maghanda rin ng inyong hygiene kit
Basahin ang mas detalyadong paghahanda na dapat mong tandaan kapag may sakuna, sa ulat na ginawa ni Jan Alywn Batara, basahin dito.
Mga emergency hotline na puwede niyong tawagan:
Mga mommy at daddy narito ang listahan ng emergency hotlines na maaaring tawagan sa oras ng sakuna.
911- National Emergency Hotline
National Disaster Risk Reduction and Managements Council (NDRRMC)
Trunk lines:
(02) 8911-5061 to 65 local 100
(02) 8911-1406
(02) 8912-2665
*(02) 8912-5668
(02) 8911-1873
Office of Civil Defense – National Capital Region:
(02) 8421-1918
(02) 8913-2786
Office of Civil Defense – Region I:
Office of Civil Defense – Region IV-A:
NDRRMC Region IV-B:
NDRRMC – Cordillera Administrative Region:
(074) 304-2256
(074) 619-0986
*(074) 444-5298
(074) 619-0986
Red Cross
Hotline: 143
National Blood Center: (02) 8527-0000
Trunk line: (02) 8790-2300
Disaster Management Office: 134 (Staff), 132 (Manager), 133 (Radio Room)
Emergency Response Unit: (02) 8790-2300 local 604
Philippine Coast Guard
(02) 8527-8481 to 89
*(02) 8527-3877
(02) 8527-3880 to 85
0917-PCG-DOTC (0917-724-3682)
0918-967-4697
PHIVOLCS
Trunk line: (02) 8426-1468 to 79
PAGASA
Trunk line: (02) 8284-0800
INGAT PO!
Source:
GMANews
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!