TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

UNDAS 2023: Gabay sa paparating na All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Pilipinas

23 Oct, 2023
UNDAS 2023: Gabay sa paparating na All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Pilipinas

Narito ang ilang mga dapat tandaan tungkol sa paparating na Undas 2023. Ano nga ba ang mga ipinagbabawal?

Ilang araw na lamang ay UNDAS 2023 na. Ang ilan sa atin ay naghahanda na nga para sa nalalapit na pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Mga panahong inilalaan natin ang ating oras sa paggunita sa mga yumaong mahal natin sa buhay.

At dahil UNDAS tiyak na dadagsa ang mga tao sa mga sementeryo. Kaya naman, narito ang ilang dapat malaman at tandaan tungkol sa UNDAS 2023.

PNP alerto mula BSKE hanggang UNDAS 2023

Ipinagbigay alam ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na naka-full alert ang mga kapulisan at least tatlong araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30 hanggang sa Undas 2023.

undas 2023

Larawan mula sa Pixabay mula sa Pexels

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, “Itataas na rin natin ang recommendation. Three or four days prior sa election ay itataas na natin sa full alert status ang alert status ng PNP at lalagpas na ‘yan hanggang Undas. Tuloy tuloy ang ating pagbabantay.” “Ang ating mga regional directors naman ay may discretion to adjust their alert status depending on the political and crime environment sa kani-kanilang lugar,” dagdag pa nito.

Gabay sa Undas 2023: Mga Dapat tandaan

Manila City guidelines

Nagbigay paalala na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga bibisita sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery sa darating na Undas 2023.

Ayon sa local government, mula October 29 hanggang November 2, 2023, ipinagbabawal na ang pagtitinda sa loob ng mga sementeryo.

Dagdag pa rito, ang lahat ng uri ng sasakyan ay papayagan lamang makapasok sa Manila North Cemetery hanggang October 25 habang sa Manila South Cemetery naman ay hanggang October 28 lamang,

Tandaan din na ipinagbabawal ang pagdadala ng baraha, bingo, at alak. Ipinapaalala rin sa publiko na huwag magdala ng flammable materials tulad ng lighters. Bawal din ang pagdadala ng kutsilyo, cutter, at baril. Pati na rin ang videoke o ano mang sound system.

Samantala, ang paglilinis at pagpipintura ng mga nitso ay pinapayagan lamang hanggang sa October 25, 2023.

Bukas ang main gate ng nabanggit na sementeryo mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula October 30 hanggang November 3.

Quezon City guidelines

Naglabas na rin ang pamahalaang lungsod ng Quezon City ng gabay para sa darating na Undas 2023.

Ayon sa local government, suspendido ang interment operations sa mga pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa QC simula October 31 hanggang November 2.

Pinapayagan naman ang paglilinis ng mga puntod at libingan hanggang alas-5 ng hapon ng Oktubre 30.

Samantala, hindi pinapayagan ang private parking sa loob ng sementeryo at kolumbaryo hanggang November 2. Bukas sa publiko ang Bagbag Cemetery at Novaliches Cemetery mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.

Puwede namang magtinda ang mga vendor sa labas ng mga sementeryo sa mga araw ng Undas.

undas 2023

Larawan kuha ni Daian Gan mula sa Pexels

Air travel tips mula sa DOTr

Para naman sa mga bibiyahe sa himpapawid sa darating na Undas, may paalala ang Department of Transportation (DOTr).

Asahan umano ang pagdagsa ng mga tao sa mga paliparan dahil sa long weekend o sa magkasunod na BSKE at Undas 2023.

Ikinasa ng DOTr ang kanilang OPLAN Biyaheng Ayos: SK Elections & Undas 2023 upang matulungan ang mga pasahero na magkaroon ng smooth travel experience.

Narito ang mga dapat tandaan:

  • Ang mga liquids, aerosols, and gels (LAGS) sa carry-on baggage ay dapat na nakalagay sa containers na may capacity na hindi tataas sa 100 ml. At dapat na nakalagay ito sa resealable plastic bag.
  • Ano mang LAGS na tinuturing na flammable ay hindi allowed sa cabin.
  • Ilagay ang lahat ng valuable items sa loob ng bag upang maiwasan na maiwan ito sa security screening checkpoints.
  • Ang mga duty-free items ay ilagay sa security tamper-evident bags upang payagan itong makalampas sa transit checkpoints at airports.
  • Ilagay ang gamit na may talim at matutulis sa checked baggage at ibalot ito nang maayos upang maiwasang makasugat.
  • Ipinagbabawal ang pagdadala ng lighters sa carry-on man o sa checked baggage.
undas 2023

Larawan kuha ni Brett Sayles mula sa Pexels

Mga ipinagbabawal sa mga sementeryo

Saan mang sementeryo ang bibisitahin mo ngayong Undas 2023 narito ang mga ipinagbabawal:

Partner Stories
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
Motherhood away from home
Motherhood away from home
Bathing is bonding with Cetaphil Baby
Bathing is bonding with Cetaphil Baby
  • Matutulis at matatalim na bagay
  • Alak o ano mang inuming nakalalasing
  • Malakas na pagpapatunog ng radyo o ano mang sound system
  • Pagtitinda na walang pahintulot sa kinauukulan
  • Pagsusugal at pagdadala ng baraha o bingo
  • Pagdadala ng baril

GMA, ABS-CBN News, Philstar, CNN Philippines

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • UNDAS 2023: Gabay sa paparating na All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Pilipinas
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

    Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

    Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko