Baby pictures ni Mayor Vico, ni-reveal ng kanyang mommy Coney!

Baby pictures ni Mayor Vico, ni-reveal ng kanyang mommy Coney!

Mommy ni Mayor Vico Sotto na si Coney Reyes, nag-share ng baby pics ni Vico para sa kanyang birthday!

Coney Reyes, nag-share ng adorable baby pics for Vico Sotto birthday! Tignan din ang kanyang mensahe para sa anak.

Vico Sotto birthday

Kahapon lang ay nag-celebrate ng 31st birthday si Pasig City Mayor Vico Sotto at bilang pagbati sa kanya, nag-post ng baby pictures ang kanyang mommy na si Coney Reyes!

Cute na cute naman ang mga netizens kay baby Vico at binati pa nga siya sa kanyang birthday at sa pagiging magaling din na mayor.

Sa kanyang greeting, sinabi niya na palagi siyang nasa tabi ng anak para tulungan siya at ipagdasal ito. Kitang-kita talaga ang pagmamahal niya para sa anak dahil sinabi nito na nagpapasalamat daw siya sa Panginoon para sa buhay ni Vico.

Mayor Vico Sotto birthday celebration

Sa post naman sa kanyang Facebook at Twitter, sinabi ni Mayor Vico na ayaw niya muna ng mga surprise dahil bawal pa ito. Kung may mga magreregalo naman daw sa kanya, magbigay na lang ng grocery packs sa mga may kailangan.

Baby Tali binati si Vico Sotto ng happy birthday

Image from Vico Sotto’s Facebook account

Bukod pa rito, ni-regularize niya ang 100 employees ng Pasig City government kung saan ang iba ay mahigit 20 years nang contractual.

Kabilang sa mga ito ang mga street sweeper, engineering aide at iba pa. Isa sa mga proyekto niya ang pag-regularize ng mga employees at ito ay nasimulan na noong January pa.

vico sotto birthday

Image from Vico Sotto’s Facebook account

Another birthday surprise

Isa pa sa birthday surprise ni Mayor Vico ay ang distance learning gadgets for Pasig teachers and students. Sa kanyang Facebook live video, sinabi niya na magbibigay ang Pasig government ng 1.2 billion pesos para sa gadgets ng teachers at students para sa upcoming school year.

Ayon kay Vico, “Sa larangan ng edukasyon, nakahanap po tayo ng P1.2 billion para sa ating pampumblikong paaralan para sa mag-aaral mula sa elementarya hanggang sa senior high school — mga tablets, iba sa kanila, laptops.”

vico sotto birthday

Image from Vico Sotto’s Facebook account

Nang tanungin tungkol sa distance learning, ito ang kanyang naging pahayag:

“Ano man ang mangyari, hindi natin puwede hayaan na mahuli ang mga mag-aaral natin sa pampublikong paaralan. In case of virtual classes, we are preparing better Internet connections at the barangay level where students can download the modules.”

Kita naman na talagang may puso ng pagiging public servant si Mayor Vico. Ito rin ang dahilan kung bakit proud na proud sa kanya ang kanyang mommy Coney!

 

Source:

ABS CBN News, Inquirer, PhilStar

Basahin:

WATCH: Baby Tali binati ang kaniyang kuya Vico Sotto ng happy birthday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

app info
get app banner