Victor Consunji at Rachel Carrasco may baby na? Maggie Wilson may reaksyon sa latest post sa Instagram ng estranged husband niyang si Victor.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Victor Consunji at baby nila ni Rachel Carrasco.
- Relasyon ni Victor Consunji at Maggie Wilson.
Victor Consunji at baby nila ni Rachel Carrasco
Kinumpirma na ng real estate businessman na si Victor Consunji ang relasyon nila ng entrepreneur na si Rachel Carrasco. Ito ay ginawa ni Victor sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan makikitang hinahalikan si Victor ni Rachel sa noo.
Ang mas nakakabigla pa sa post ni Victor ay may hawak itong baby na nakahiga sa kaniyang tiyan. Bagamat hindi niya dineretsong ibinahagi sa publiko, ang mga komento sa post ni Victor ay naghahatid ng kanilang congratulatory message sa bagong yugto ng buhay ng businessman.
‘This beauty had a long day. #NotMe #TheLittleGirlOnMyTummy #IGuessIAmTheCrib #SomeoneAskedIfIShouldHaveABabyAfter45 #ISaidNo #4To5BabiesAreMoreThanEnough”
Ito ang caption ng post ni Victor na nagpapahiwatig na tila gusto pa niya ng apat hanggang limang anak. Si Victor ay 44 years old na ngayon.
Samantala, bago pa man mag-post si Victor ng larawan nilang magkasama sa Instagram ay unang nagseshare si Rachel ng mga pictures nila. Isa na nga rito ang larawan ni Rachel na may kargang sanggol na may caption na “Together forever.” Minsang ring nag-share si Rachel ng larawan nila ni Victor kasama ang naturang baby sa kaniyang IG story.
Base naman sa mga komento sa post ni Rachel na may hawak na baby, ang mga friends ni Rachel ay tinatawag na Vivi at Sprinkles ang karga niyang baby.
Relasyon ni Victor Consunji at Maggie Wilson
Hindi naman napigilan ng estranged wife ni Victor Consunji na si Maggie Wilson na mag-react sa latest IG post ni Victor. Lalo pa’t may mga netizen na nagsabi na sana dahil sa mukhang masaya na si Victor sa bago niyang buhay ay tigilan niya na ang mga isyu at kasong pinupukol niya kay Maggie. Ito ang naging reaksyon lang ng dating beauty queen.
Matatandaang Setyembre ng taong 2021 ng i-reveal ni Maggie na sila ay hiwalay na ng mister na si Victor Consunji. Ito ay matapos ang halos 11 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Sa naging rebelasyon ni Maggie ay hindi niya idinetalye ang rason ng kanilang paghihiwalay. Pero sinabi niya noon na mutual bagamat mahirap ang naging desisyon nila. At sila ay nanatiling magkaibigan at walang sama ng loob sa isa’t-isa. Hanggang sa maglabasan na ng tunay na dahilan ng hiwalayan na diumano ay third party. Si Maggie sinampahan ng kasong adultery ng kaniyang mister.
Si Maggie at Victor ay may isang anak na nagngangalang Connor na 11 years old na ngayon.