Muling naglabas ng pahayag ang dating beauty queen na si Maggie Wilson tungkol sa kaniyang estranged husband na si Victor Consunji.
Mababasa sa artikulong ito:
- Maggie Wilson inalok ng malaking halaga kapalit ng interview
- May pasaring sa partner ni Victor Consunji
Maggie Wilson inalok ng malaking halaga kapalit ng interview
Hindi pa rin natatapos ang issue ng dating mag-asawang sina Maggie Wilson at Victor Consunji. Naglabas nga sa social media ng pahayag si Maggie Wilson hinggil sa umano’y pagbabayad ng estranged husband sa ilang media outlet.
Ayon kay Maggie Wilson, naglabas ng 1 million dollars o halos 50 million pesos si Victor Consunji para ibayad sa press upang magsulat ng magagandang bagay tungkol sa businessman at sa mga business nito.
Sa nasabing social media post ni Maggie Wilson, ibinahagi rin nito na ilang beses na siyang inalok ng mga media company para mainterview. Ilang ulit na umano siyang inalok ng pera kapalit ng interview upang mai-ere niya ang side ng kaniyang story tungkol sa problema nila ni Victor Consunji. Pero tinanggihan niya ang mga ito.
Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson
“In the last year, I got offered to do so many interviews to give my side of the story, (many of them were willing to pay me) I never agreed. In fact, I ignored the requests,” saad ng beauty queen.
“He can pay the press to write beautiful things about him and his business to cover up the mess he is. It’s shocking to see that he allocated a budget of nearly 1M dollars (almost 50M pesos) for press releases, some of which was used to block news and write negative things,” dagdag pa nito.
Nagpasaring din si Maggie sa mga media na nabayaran umano ni Consunji para pabanguhin ang pangalan nito.
“To all the publications that accepted those payments and condoned his behaviour because it’s just “business”, you are part of the problem. As many of the published articles are untrue.”
Sinabi rin ni Maggie na mayroong bagong kaso na isinampa ang ibang tao laban kay Victor Consunji. At ang kasong ito ang maglalabas ng kung ano ang totoo at kasinungalingan sa mga sinasabi ng dating asawa.
“You know who you are and a recent case filed (not by me) may expose everything.”
Paalala pa ni Maggie, huwag maniniwala basta-basta sa mga balitang nababasa maliban na lamang kung direkta itong nagmula sa source.
“To anyone who has purchased, done business or in bed with him, you will get screwed. It’s only a matter of time.”
May pasaring sa partner ni Victor Consunji
Noong January 4 ay naging usap-usapan din ang tila pasaring ni Maggie Wilson. Tungkol sa ‘di umano’y pagbubuntis ng partner ni Victor Consunji.
Walang binanggit na pangalan ang beauty queen sa kaniyang Instagram post. Pero agad na naisip ng mga netizen na ang pinariringgan ni Maggie ay ang partner ni Consunji na si Rachel Carrasco.
Ayon sa post, “Her testing positive, (not for covid) is the summary of my 2022.”
“And it’s not me. I’m on trial for alleged adultery. Lol,” dagdag pa nito.
Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson
Matatandaang noong nakaraang taon ay sinampahan ng kasong adultery o pangangaliwa ni Victor Consunji si Maggie at ang Thai-British businessman na si Tim Connor. Naging kabit daw ni Maggie si Tim Connor habang nasa relasyon pa sina Maggie at Victor.
Mababalikan ding naglabas ang Taguig Regional Trial Court ng court order noong July 2022. Ang court order ay bilang pag-grant kay Maggie ng 72-hour temporary restraining order laban kay Victor. Ito ay matapos na i-padlock umano ng representative ni Victor ang rented property ni Maggie at ng anak nila na si Connor.
Ayon sa korte, ang pag-padlock sa property ay hindi naging successful. Dahil ipinaalala ng petitioner na si Maggie Wilson na mayroong existing lease contract ang nasabing property.
August 2022 naman nang akusahan ni Maggie si Victor ng pangangaliwa. Kung saan si Rachel nga ang tinutukoy nitong nakarelasyon ni Victor habang nasa relasyon pa kay Maggie.
Ngayon ay tila open naman sa kanilang relasyon sina Victor at Rachel. Dahil nagbabahagi na ng mga larawan sa social media si Rachel kung saan ay kasama niya si Victor.
Larawan mula sa Instagram ni Rachel Carrasco
Adultery case ni Maggie
Setyembre 2021 nang isinapubliko ni Maggie Wilson na hiwalay na sila ni Victor Consunji matapos ang 10 taong pagsasama.
July 18, 2022 ay lumabas ang balita na nagsampa ng tatlong kaso ng pakikiapid si Consunji. Laban ito kay Maggie at sa British-Thai entrepreneur na si Tim Connor. Ayon sa adultery case ay nagtaksil sina Maggie Wilson at Tim Connor sa asawa ng beauty queen.
Pinabulaanan naman ito ni Maggie sa pamamagitan ng pagpo-post ng Instagram stories hinggil sa issue.
Saad ng beauty queen, ayon umano sa kaso laban sa kaniya na pumunta sila ni Tim Connor sa Barcelona nang hindi raw kasama si Consunji. Ginawa umano ito ng dalawa habang mag-asawa pa ang sina Maggie at Victor.
Dahil dito, ipinost ulit ni Maggie ang umano’y IG story niya noong panahon na iyon. Kung saan makikita sa video na kasama nila si Consunji sa Barcelona. At iyon lang umano ang pagkakataon na nakasama ni Maggie si Tim Connor sa Barcelona.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!