Simula noong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong March 16, 521 cases na ng crimes against children ang naitala. Bukod dito, mayroon ding 763 cases na kasong naitala sa crimes against women. Ano nga ba ang dapat gawin sa sitwasyon na ito at ano ang violence against women hotline?
Image from Freepik
Violence against women and children
Bakit nga ba laganap ang violence against women and children sa panahong ito?
Simula pa noong ipinatupad ang ECQ, iminungkahi na ng Commission on Human Rights na gumawa ang gobyerno ng mga hakbang para maiwasan ito. Ayon sa kanila, kailangang magkaroon ng access sa legal aid ang sinumang makararanas ng karahasan sa kanilang tahanan.
Kailangan umano ng mga biktima ng safe shelter at financial aid sakaling gustuhin ng mga ito na umalis sa kanilang bahay. Bukod dito, kailangan din nila ng medical at at psychological care na maari nilang ma-access sa pamamagitan ng tawag, chat o text.
Violence against women hotline
Image from Freepik
Kung sakaling makaranas ng karahasan sa iyong tahanan, narito ang violence against women hotline na maari mong tawagan. Ang Philippine Commission on Women ay handang umagapay sa mga inaabuso sa kanilang tahanan.
MEDICAL ASSISTANCE
Women and Children Protection Units
Directory: https://www.childprotectionnetwork.org/wcpu-directory/
National Center for Mental Health (NCMH)
Crisis hotline: (02) 8989-8727 / 09178998727
LEGAL ASSISTANCE
Public Attorney’s Office (PAO)
02) 8929-9436 local 106, 107 or 159 (Local “0” for operator
Mobile: (+63) 939-3233665
email: [email protected]
POLICE/INVESTIGATION ASSISTANCE
PNP Hotline: 177
Aleng Pulis Hotline: (+63) 919 777 7377
PNP-Women and Children Protection Center (WCPC)
24/7 AVAWCD Office: 8532-6690
Email: [email protected] / [email protected] / [email protected]
NBI-Violence Against Women and Children Desk (VAWCD)
Hotline: (02) 8525-6028
Email: [email protected]
PSYCHOSOCIAL ASSISTANCE
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Text Hotline: 0918-912-2813
Trunk line: (02) 8931-8101 to 07
DSWD –NCR Ugnayan Pag-asa Crisis Intervention Center
Hotlines: (02) 8734-8639 / (02) 8734-8654 / (02) 8734-8626 to 27
DSWD Community-Based Services Section (CBSS)
Hotline: (02) 8733-0010 to 18 loc. 116
REFERRAL SERVICES
Inter-Agency Council on Violence Against Women and Their Children
Landline: (02) 8735-1654 loc. 122 / (02) 8733-6611
Mobile numbers: 09178671907 / 09178748961
Email address: [email protected]
DIRECTORY OF BARANGAY OFFICIALS
Link: https://www.dilg.gov.ph/barangay-officials-directory/search
Mga puwedeng gawin sakaling maranasan ito
Bukod sa pagtawag sa violence against women hotline na hinihikayat talaga na iyong gawin, narito ang ilan pang puwedeng gawin sakaling makaranas ng karahasan sa tahanan.
Kung hindi kaagad na makatawag sa mga hotline, agad na magsabi sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan. Maaring siya na rin ang mag-report nito kung natatakot kang mahuli ng abuser.
Kung hindi agad maka-responde ang mga kinauukulan, tanungin ang iyong mga kaibigan o kaanak kung maari ka na munang makitira sa kanila. Kung mayroon namang mga anak at inaalala mo sila, maaring isama na rin ang mga ito saka maghintay sa intervention ng gobyerno.
Image from Freepik
Mahalagang i-acknowledge mo kung ang iyong karelasyon ay abusive. Hindi mo kasalanan ang nangyayari kaya huwag mo rin itong i-justify. Maaaring ikaw din ay nama-manipulate ng kanyang mga salita kaya hindi mo magawang lumaban.
Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, tumaas lalo ang bilang ng mga kaso ng domestic abuse. Ito raw kasi ay kadalasang nangyayari sa tuwing mayroong mahabang panahon na nasa bahay lamang ang mga kaanak. Ang mga abusers kasi ay nagkakaroon lamang ng oportunidad na takutin ang biktima dahil maari nitong iparamdam na nakakulong sila at walang makatutulong sa kanila.
Kaya naman sa oras na mangyari ito, kaagad na gawin ang mga nabanggit na hakbangin upang maiwasan na maulit ito. Maaring hindi magiging madali dahil sa sitwasyon at iyong pag-iisip, pero huwag i-tolerate lamang ang ganitong pangyayari.
Source:
Tribune
Basahin:
Matagal na lockdown makakasama sa kalusugan, ayon sa public health expert
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!