TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Viral Sampaguita Girl: Ano ang tugon ng PNP at DSWD sa isyu at paano tayo makakatulong sa mga ganitong usapin?

4 min read
Viral Sampaguita Girl: Ano ang tugon ng PNP at DSWD sa isyu at paano tayo makakatulong sa mga ganitong usapin?

Hindi lahat ng kwento sa lansangan ay simple. Alamin ang totoong nangyari sa viral 'Sampaguita Girl,' ang tugon ng DSWD at PNP, at paano tayo makakatulong sa mga batang lansangan.

Isang video ng insidente sa harap ng SM Megamall sa Mandaluyong City ang naging viral sa social media kamakailan. Sa nasabing video, makikita ang tinaguriang “viral sampaguita girl”, isang babae na nagtitinda ng sampaguita habang suot ang high school uniform at nagkaroon ng komosyon nang sawayin ito ng grawdiya ng mall.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Viral sampaguita girl hindi pala high school student
  • Paano tayo makakatulong sa mga batang lansangan na nais mag-aral?

Viral sampaguita girl hindi pala high school student

viral sampaguita girl

Screenshot mula sa viral video na kumakalat sa social media

Isang batang babae na nakasuot ng high school uniform ang nagtitinda ng sampaguita ang pinagsabihan ng isang security guard na umalis sa lugar. Ang video ng pangyayari ay mabilis na kumalat at nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko. Makikita kasi na nagkasakitan ang babae at ang gwardiya.

Matapos ang masusing imbestigasyon, natukoy na ang tinaguriang “Sampaguita Girl” ay si Marie, isang 22-taong gulang na first-year medical technology student. Ayon sa kanyang mga magulang, nagtitinda si Marie ng sampaguita upang makatulong sa kanyang pag-aaral at magkaroon ng karagdagang kita. Nilapitan umano siya ng security guard at pinaalis na humantong sa hindi magandang komosyon.

Paano tumugon ang DSWD at PNP?

Agad na kumilos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang alamin ang kalagayan ni Marie. Sa kanilang panayam, kinumpirma nilang si Marie ay isang college freshman na kumukuha ng kursong medical technology at nagtitinda ng sampaguita upang matustusan ang kanyang pag-aaral. Nag-alok ang DSWD ng tulong pinansyal at psychosocial support kay Marie at sa kanyang pamilya.

Samantala, ang Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa rin ng imbestigasyon at nakipag-ugnayan kay Marie. Kinumpirma nila na si Marie ay isang lehitimong estudyante at walang kaugnayan sa anumang sindikato. Inimbitahan din ng PNP ang security guard na sangkot sa insidente upang magbigay ng kanyang panig at masigurong maayos ang pagresolba sa usapin.

viral sampaguita girl

Screenshot mula sa viral video na kumakalat sa social media

Paano natin masusuportahan ang mga batang lansangan?

Ang insidenteng ito ay nagbigay-diin sa kalagayan ng mga batang lansangan sa Pilipinas. Narito ang ilang praktikal na paraan upang makatulong:

  1. Suportahan ang mga non-governmental organizations (NGOs): Maraming NGOs ang nagbibigay ng edukasyon, pagkain, at tirahan sa mga batang lansangan. Sa pamamagitan ng donasyon o pagboboluntaryo, maaari tayong makatulong sa kanilang mga programa.
  2. Magboluntaryo sa mga programa: Ang pakikilahok sa mga outreach programs ay nagbibigay ng direktang suporta sa mga bata. Ang pagbibigay ng oras at kaalaman ay malaking tulong sa kanilang pag-unlad.
  3. Magbigay ng trabaho o pagkakakitaan: Ang pagbibigay ng oportunidad sa mga magulang ng mga batang lansangan na magkaroon ng hanapbuhay ay makakatulong upang hindi na kailanganin ng mga bata na magtrabaho sa lansangan. Ang DSWD ay may mga programa tulad ng Sustainable Livelihood Program (SLP) na maaaring makatulong dito.
  4. Maging mulat at responsable sa social media: Ang pagbabahagi ng mga kwento ng mga batang lansangan sa social media ay maaaring magdulot ng positibong epekto kung ito ay gagawin nang responsable. Mahalaga ang pag-verify ng impormasyon bago magbahagi upang maiwasan ang maling akusasyon o stigma.
  5. Patuloy na makiisa sa mga panawagan: Maging boses ng masa na nanawagan sa mas pamahalaan na magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga mahihirap na makapagtrabaho at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Pati na rin ang libreng edukasyon para sa lahat.

Ang kwento ni Marie ay isang paalala ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga batang lansangan sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at suporta mula sa pamahalaan, NGOs, at mga indibidwal, maaari tayong makapagbigay ng mas magandang kinabukasan para sa kanila. Ang bawat maliit na tulong ay may malaking epekto sa buhay ng isang bata.

Philstar, ABS-CBN, GMA

Partner Stories
Apir! Shake Shack Philippines Turns Five
Apir! Shake Shack Philippines Turns Five
Over 1,000 marked down items up for grabs at The Metro Stores’ Crazy Sale
Over 1,000 marked down items up for grabs at The Metro Stores’ Crazy Sale
ABS-CBN partners with Viu to bring Philippine adaptation of  Flower of Evil across 16 markets
ABS-CBN partners with Viu to bring Philippine adaptation of Flower of Evil across 16 markets
AVON Philippines partners with She Talks Asia to address domestic violence cases driven by the lockdown
AVON Philippines partners with She Talks Asia to address domestic violence cases driven by the lockdown

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Viral Sampaguita Girl: Ano ang tugon ng PNP at DSWD sa isyu at paano tayo makakatulong sa mga ganitong usapin?
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko