Itinigil muna ng immigration ang pag-issue ng visa sa mga Chinese

Pansamantalang itinigil ang pag-issue ng visa on arrival for chinese nationals ngayon sa Philippines. Alamin ang buong detalye.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

MANILA, Philippines – Pansamantalang itinigil muna ang pag-issue ng visa on arrival Philippines for Chinese ngayong araw.

Photo from Unsplash

Visa on arrival sa mga Chinese visitors sa Pilipinas

Itinaas ang utos ngayong araw ng Philippine Bureau of Immigration na pansamantalang itigil ang pag-iissue ng mga visa on arrival (VOA) sa mga Chinese visitor. Ito ay dahil sa banta ng nakamamatay na coronavirus sa bansa.

Ang visit on arrival ay ipinapatupad ng Department of Tourism. Kadalasan itong ibinibigay sa mga accredited groups katulad ng mga atleta, national delegates o mga businessman na nais bumisita sa bansa.

“We are now temporarily suspending the issuance of VUA for Chinese nationals to slow down the influx of group tours,”

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, maliit na porsyento lang ng mga Chinese ang kasama rito. Samantalang ang ibang Chinese tourists na may valid visa ay maaari pa ring makapasok ng bansa. Ito ay para maiwasan ang malaking posibilidad ng tuluyang pagpasok ng naturang virus sa bansa.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo from Unsplash

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We have not received any directive imposing policy changes on Chinese nationals. But we are taking this proactive measure to slow down travel, and possibly help prevent the entry of the 2019-nCov,”

  Ngunit ang flight naman mula sa Wuhan, China patungong Pilipinas ay tuluyan nang kinansela.

Sa ngayon, naitala na may 106 na nasawi at 4,500 naman ang infected dahil sa new coronavirus sa China at mabilis pa rin itong kumakalat. Nabalitaang kumpirmado na ang coronavirus sa Taiwan, Thailand, Nepal, Singapore, Japan, South Korea at United States.

Giniit naman ni Senator Risa Hontiveros na kailangang magtaas na ng utos sa pansamantalang pag-ban ng mga pasahero na papasok sa bansa galing sa Wuhan China, kung saan ang pinagmulan ng naturang virus.

Samantala, dalawang Chinese vessel ang nabalitaang dumaong sa Pier 15 South Harbor sa Manila. Ang isang vessel ay ang “World Dream Cruise Ship” na may 778 na pasahero at galing Hongkong. At ang isang vessel naman ay may pangalang “MV Ligulao” na galing sa Lianyungang in Jiangsu, China.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo from Unsplash

 

Marami ang nabahala dito at natakot na baka kumalat na ng tuluyan ang virus dito sa bansa. Ngunit ayon sa Bureau of Quarantine ay walang dapat ikabahala dahil ‘clear and safe’ ang mga naturang barko.

Ngunit naka-schedule pa rin na pabalikin ang barkong World Dream’s Cruise Ship sa Hong Kong at ang MV Ligulao naman na galing Jiangsu, China ay nakatakda ring umalis ngayong Tuesday ng hapon dahil ang 20 crew members dito ay walang shore passes. Ayon din kay Mayor Jonathan Khonghun ng Subic, Zambales ay ‘wag na munang tumanggap ng mga cruise ship dahil na rin sa banta ng coronavirus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Coronavirus Update

  • Samantala, kumirmado na ang bagong anim na infected ng coronavirus sa bansang Thailand, ang ilan sa mga ito ay galing China. Mas hinigpitan na din nila ang pagpapapasok sa mga pasahero.

 

  • Naitala rin ang unang kaso ng coronavirus sa Bavaria, Germany. Bukod dito ay hindi na naglabas ng ibang impormasyon tungkol sa balita ang Germany.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: CNN Philippines , Straitstimes

BASAHIN: Coronavirus: Kumpirmadong maaaring mahawa sa taong may sakit na itoCoronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan , Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH

Sinulat ni

Mach Marciano