X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Vitamins na pampagana kumain: Solusyon sa batang mapili

4 min read
Vitamins na pampagana kumain: Solusyon sa batang mapili

Natanong mo na kung ano ang vitamins na pampagana kumain sa mga bata? Narito ang maipapayo at rekomendasyon ni Doc Richard Mata sa iyo!

Natanong mo na kung ano ang vitamins na pampagana kumain sa mga bata? Kung problema mo kung paano patabain ang iyong anak, narito ang maipapayo ni Doc Richard Mata!

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Dahilan kungbakit nagiging mapili sa pagkain ang bata
  • Vitamins na pampagana kumain
  • Paraan para hindi maging mapili ang bata

Bakit mapili sa pagkain ang mga bata?

Parte na ng pagpapalaki sa anak ang magkaroon ng problema sa pagkain. Kaya naman, ‘wag susuko moms! Maraming ways ang pwede mong gawin para lumusog at gumanang kumain ang iyong anak.

Sa tulong ni Dr. Willie Ong at Dr. Richard Mata, nagbigay sila ng payo sa mga namomroblemang mommies sa pagpapakain ng kanilang anak.

Ayon kay Dr. Richard Mata, marami ang nagiging dahilan kung bakit mapili sa pagkain ang isang bata. Isa narito’y maaaring namana ng bata ang pagiging mapili ng pagkain sa nanay noong bata pa lang ito. Katulad na lang kapag madaling maanghangan ang bata sa pagkain, maaaring ito ay namana niya sa’yo. “Sometimes, we judge our children eh ganun naman tayo noong bata pa tayo.”

vitamins na pampagana kumain

Vitamins na pampagana kumain | Image from Unsplash

 

Dagdag pa niya na,

“Sometimes, we need to understand.”

Sumunod pang dahilan ay ang pagkakaroon ng matinding pressure sa mga bata. Lalo na kung mahilig silang uminom ng gatas ngunit nagkakaroon ng problema sa mga solid foods. At ang tanging solusyon mo para kumain si baby, ay kurutin ito o paluin.

BASAHIN:

STUDY: Pagkain ng chocolate ng bata, nakabubuti sa kanilang brain!

Vitamins para sa bata: Ano ang mga kailangan ng iyong anak?

#AskDok: Kailangan bang painumin ng vitamins ang mga newborn?

Paliwanag ni Doc Mata,

“‘Wag niyong pilitin. ‘Wag niyong kurutin at paluin. Akala ng bata kapag solid foods ay may palaman na palo at kurot. Kaya ang mindset ng bata “Uy tanghali na. Ay kukurutin ako. Ayokong magpakita.” Kaya ang ending, hindi niya ma-develop ang normal na adaptation to solid foods.”

Importanteng tandaan sa pagpapakain ng bata ay ‘wag silang i-pressure. Para hindi sila matakot o mangamba kapag meal time at maiwasang isipin na “walang kurot” na matatanggap.

vitamins na pampagana kumain

Vitamins na pampagana kumain | Image from Unsplash

Vitamins na pampagana kumain: Solusyon sa batang mapayat

Kung nais mo namang subukang painumin ng vitamins na pampagana kumain ang iyong anak, rekomendasyon ni Doc Mata na piliin ang mga vitamins na may buclizine.

‘Wag din mangamba kung hindi pa rin kinakain ng bata ang pagkain ngunit dumami naman ang pag-inom ng gatas.

“‘Yung likes and dislikes ng pasyente, hindi nababago by vitamins. Likes and dislikes will just go through the months, through the years na “..dati ako hindi kumakain ng gulay, ngayon kumakain na ako ng gulay.””

Paliwanag ni Doc Mata na iba-iba ang mga taong nag a-adapt o gumagana ang pagkain nila.

Paraan para hindi maging mapili ang bata

vitamins na pampagana kumain

Vitamins na pampagana kumain | Image from Unsplash

1. Liitan ang pagkakahati sa pagkain

Kung nais mong kumain ng gulay ang iyong anak, gaya ng payo ni Doc Mata, iwasan ang pagkurot o pag-pressure sa bata. Ang gagawin mo lang ay liitan ang bawat pagkakahati sa pagkain na gusto mong ibigay sa iyong anak. “Gawin nating medyo maliliit ‘yung gulay. Hindi masyadong napapansin—parang china-chop mo para mahalo na siya sa kanina. So hindi niya masyadong nalalasahan.”

2. Maging creative

Mahilig ang mga batang lumalaki sa makukulay na bagay. Mapalaruan man ito o damit. Kaya naman isang trick para kumain ng gulay o prutas ang iyong anak ay maging creative sa pagbibigay ng pagkain. Gawing makulay ang kaniyang plato at maglagay ng iba’t-ibang hugis ng pagkain. Animal shape o colored shapes!

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Vitamins na pampagana kumain: Solusyon sa batang mapili
Share:
  • Vitamins na nakakataba: Mga rekomendasyon ng eksperto

    Vitamins na nakakataba: Mga rekomendasyon ng eksperto

  • #AskDok: Anu-ano ang mga vitamins na dapat inumin ng buntis?

    #AskDok: Anu-ano ang mga vitamins na dapat inumin ng buntis?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Vitamins na nakakataba: Mga rekomendasyon ng eksperto

    Vitamins na nakakataba: Mga rekomendasyon ng eksperto

  • #AskDok: Anu-ano ang mga vitamins na dapat inumin ng buntis?

    #AskDok: Anu-ano ang mga vitamins na dapat inumin ng buntis?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.