Viy Cortez ibinahagi ang pagkakunan sa baby nila ni CongTV

Malungkot na ibinalita ng vlogger na si Viy Cortez ang pagkalaglag ng kanilang baby ng boyfriend na si CongTV (Lincoln Velasquez).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinimulan ng vlogger na si Viy Cortez ang kaniyang Youtube vlog na nagkukuwento ng kaniyang mga ‘pinagpapasalamat. Inisa-isa nito ang kaniyang mga blessings na natanggap ngayong 2020.

“Sobrang blessing na ibinigay sa akin ng Diyos,” aniya. “Nagkaroon ako ng mga bagong business, endorsement, bahay, sasakyan, at akala ko ‘yon na ‘yon. Iyon na ang mga biyayang makukuha ko nitong 2020. Pero last December 12, mayroon pa siyang ‘binigay ulit na blessing.”

Mababasa sa artikulo na ito ang
  • Kuwento ni Viy Cortez tungkol sa “blessing” na natanggap nila ni Lincoln Velazquez o kilala bilang sikat na vlogger na si CongTV
  • Ibinahagi ni Viy ang kaniyang miscarriage

Photo: Viy’s Facebook (https://www.facebook.com/viy.cortez.17)

Viy Cortez pregnant

Matapos sabihin ni Viy na mayroon silang natanggap na “blessing” ng kaniyang boyfriend na si Cong, nagsimula na itong maging emosyonal. 

“Noong December 12, nalaman namin ni Cong na buntis ako,” paglalahad ni Viy. “Pinakita ko kay Cong. Sobrang saya niya noong nalaman niyang buntis ako. Nagpa-check-up kami at nalaman kong 6 weeks pregnant na ako.”

Lubos ang ligaya na naramdaman ng magkasintahan sa pregnancy news at ibinahagi nila ito sa kanilang mga mahal sa buhay. Nagsimula na silang magplano at mangarap para sa kanilang baby. Pumunta rin si Cong sa pamilya ni Viy upang kausapin ang mga ito.

“Humingi kami ng paumanhin na nabuntis ako bago pa man kami ikasal,” pagkukuwento ni Viy. “Okay na. Natanggap.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Also read:

Paano kakausapin ang iyong asawa pagkatapos makaranas ng stillbirth o miscarriage?

Anong dapat kong gawin pagkatapos ng miscarriage?

Iba’t ibang uri ng miscarriage at paano maiiwasan ito

 

Screenshot of Viy Cortez’s emotional vlog (2020, https://www.youtube.com/watch?v=-ATb8gg381c&t=218s)

Viy Cortez at CongTV’s painful loss

Noong December 18, ipinagdiwang ni Viy Cortez at Cong ang kanilang monthsary. Ngunit ang dapat na masayang araw ay napalitan ng pag-aalala.

“Dinugo ako,” ani Viy. “May lumabas na parang blood clot.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pumunta ang vlogger sa emergency room ng ospital para magpatingin ngunit ‘pinauwi rin siya dahil hindi malakas ang pagdurugo. Kinabukasan, nagpa-check-up siya at doon na nalaman na nawala na ang baby.

Malungkot na paglalahad ni Viy, “Kinonfirm kung talagang wala na siya. So, na-confirm na ‘yon nga, nalaglagan ako.”

Aniya, hindi niya alam kung bakit siya nakunan.

“Siguro dahil stressed ako… Ang dami ko kasing tinatayong business atsaka nagpapagawa ako ng bahay.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo: Viy’s Facebook (https://www.facebook.com/viy.cortez.17)

Viy Cortez shares loss in vlog

Matapos nilang ma-confirm na nawala ang kanilang baby, nag-desisyon muna si Viy na umuwi sa bahay ng kaniyang pamilya. Masyado raw kasing nag-aalala ang kaniyang boyfriend na si Cong sa kaniya at hindi ito makapagtrabaho. 

Dagdag nito na ibinahagi niya ang pagkawala ng kanilang baby dahil gusto nitong alalahin na “dumating siya at blessing siya ni Lord.”

“Gusto ko lang talagang magkuwento para kahit papaano, mayro’n siyang memory sa akin na kahit saglit lang. Gano’n pala ‘yong pakiramdam na kahit saglit lang kasi December 12 ko nalaman tapos December 18 ako nakunan. Pero ‘yong saglit na ‘yon, ang dami naming naging plano ni Cong. Lalo na ako. Hindi ko ma-explain. Gusto kong makilala niyo siya kahit saglit lang.”

Ani rin ni Viy na bagaman masakit ang nangyari, nais niyang tanggapin na “baka hindi pa ito ang tamang oras.” 

“Darating din ang tamang oras.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mensahe rin siya sa kaniyang mga followers na nakaranas rin ng miscarriage.

“May dahilan ang lahat. Ayokong kuwestiyunin ang Diyos. Gusto kong magtiwala sa kaniya kung bakit. Siguro hindi pa ito ‘yong tamang panahon. Siguro kailangan ko rin magpahinga, alagaan ‘yong health ko.”

Ano ang dapat gawin pagkatapos mawalan ng anak?

Una sa lahat, hindi madali ang iyong pinagdadaanan. Sa kabila pa nito, mas hihirap ang mga araw na dadaan at iba-iba ang paraan ng pag-cope ng iba’t ibang tao.

Ito ang pahayag ni Dr. Ronald Del Castillo, PsyD, MPH na isang associate professor at clinical psychologist ng Diwa Mental Health. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coping with grief is hard work, in part, because we judge our experience—that it “should” be a particular way. We should feel this way, not that. We should be crying, we should be talking it out, and many other “should” statements.

These can come from us just as easily as they can come from loved ones, friends and colleagues. These “shoulds” add to the hard work of grief because at times they are not authentic or consistent with what we are going through.

For example, a loved one says that crying is normal—and it is. However, perhaps you do not feel like crying. Another might suggest sadness is common—and it is. However, for you the experience of loss is closer to an emptiness or numbness. Sadness just does not quite capture it, but you are told that you “should” feel it anyway. This gap between how it “should” be and how it actually is complicates our grief.

Kaya naman upang hindi mas maging mahirap ang iyong proseso, huwag madaliin ang iyong sarili na makaramdam ng mga bagay bagay. Maging totoo sa kung ano talaga ang iyong pakiramdam at tandaan na wala namang timeline ang pagluluksa.

Kung sa loob ng ilang linggo ay nararamdaman mong okay ka na, hindi ito masama. Hindi ito dahil sa hindi mo mahal ang anak mo. Kung mas matagal naman ang iyong kailangan, hindi rin ito unfair o nakakahiya.

Mayroong Healing Mode ang theAsianparent app kung saan may mga information kung paano ang recovery mula sa miscarriage at stillbirth. Available ito sa App Store at Google PlayStore.

Sources: GMA, Youtube