Mayroon bang tamang pag upo ng bata na kailangang matutunan nating mga magulang para sa kanila? Ayon sa ilan, ang w-position ay nakakasama sa kanila. Bakit nga ba?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang w position ng bata
- Paano matigil sa w-position ang iyong anak
- Maaaring idulot ng w position
Tamang pag upo ng bata ba ang w-position?
Ang pag-upo ng W-position ng mga bata ay isang common na position nila. At kadalasan itong nakikita kapag naglalaro sila. Ngunit kung makita mo ang anak mong nakaupo ng ganito, agad silang sawayin at ayusin ang pag-upo. ‘Wag itong sanayin na umupo sa W-position.
Karamihan sa mga magulang na akala ayos lang para sa kanilang mga anak na umupo sa ganitong posisyon. Ngunit ito ang insidente na kailangang maagapan at kailangang matigil agad.
Ayon sa paediatrician na si Jean McNamara, isang common na habit ng isang bata ang pag-upo ng w-position habang naglalaro. Nakakatulong kasi ito para sa pagbalance ng kanilang mga katawan habang naglalaro.
Ngunit ang pag-upo ng w-position sa mga bata ay maaaring makapagdulot ng:
BASAHIN:
“Walker is not advisable.” warning ng ina matapos maaksidente ang anak
#AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?
1. Orthopedic problems.
Maaaring makaapekto sa hips ng bata ang pag-upo sa ganitong posisyon. Ito ay pwedeng ma-dislocate kung gagawing hobby ang pag-upo ng w-position.
2. Muscle tightness.
Ang w-position ay makakaapekto sa hamstrings, hip adductors, internal rotator at heel cords ng isang bata.
3. Neurologic concerns/developmental delays.
Kung ang muscle tone ng anak mo ay tumaas (hypertonia o spasticity), ito ay magiging dahilan ng abnormal patters ng paggalaw ng iyong anak. Ang pag saway o pag-iwas sa W-position ng iyong anak ay makakatulong upang masolusyonan ang pagiging sanay nya sa W-position.
Ang posisyon na W-position ay kayang makapagpahina ng muscles sa binti ng isang bata. Makakaapekto ito at magkakaroon ng problema sa balance, coordination at pagdevelop ng kanyang motor skills.
Tamang pag upo ng bata: Paano matigil sa w-position ang iyong anak
Bilang isang magulang, mahalagang malaman ang mga ito upang maiwasan ang mga posibleng maging epekto ng W-position s iyong baby na madadala niya hanggang paglaki.
Kung nakita mo ang iyong anak na nakaupo ng W-position, ‘wag siyang sigawan o pagalitan. Bagkus, itama ito ng marahan o ituro ang ibang sitting position katulad ng:
- Side sitting
- Squatting
- Tailor-sitting
- Kneeling
1. Alamin ang tamang pag-upo
Sanayin ang iyong anak na ang tamang pag upo ay nasa harap ang legs. Maaaring idemo ang tamang pag-upo. Nang sagayon, makita niya ng aktwal at gayahin niya ang tamang pag-upo. Ipakita mo, gagayahin niya!
2. Sanayin sa tamang pag-upo
Kailangang masanay ang iyong anak na maupo na ang legs ay dapat nasa harap ng iyong katawan. Sa ganitong pagkakataon, masasanay sila at matitigil ang kanyang nakasanayang maling posisyon ng pag upo.
Hindi rin niya ito madadala hanggang sa paglaki at bababa ang risk factor na magkaroon ng problema sa buto at muscles.
Kung makikita mo ang iyong anak na nakaupo ng ganito, marahan lang na i-ayos ng kanyang mga binti sa tamang position at ipaalala na ang tamang pag-upo ay dapat nasa harap ang mga paa.
Kung sakali namang hindi mo na mapigilan ang pag upo ng iyong anak sa ganitong posisyon o mapapansin mo ang mga kakaibang resulta nito, ‘wag mag atubiling kumunsulta sa iyong doktor. Humingi ng payo at kung paano maiiwasan ang naturang problema sa pag-upo ni baby.
If you want to read the english version of this, click here.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.