White mens at iba't ibang kulay ng discharge sa ari ng babae: Ano ang ibig sabihin?

Alamin kung ano ang white mens, mga dahilan ng pagkakaroon nito, at ang iba't ibang senyales na sinasabi sa pagkakaroon ng discharge.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karamihan sa mga kababaihan ay nagkakaroon ng iba’t ibang discharge sa isang menstrual cycle. Ang mga iba’t ibang kulay at katangian ay nakaayon sa hormones at kung anong nangyayari sa katawan ng isang babae. Alamin kung ano ang white mens at iba pang discharge na nakukuha bago magka-period.

Ano ang white mens?

Ang white mens bago ang period ay kilala bilang leukorrhea, gawa sa likido at cells mula sa ari ng babae. Sa luteal phase ng menstrual cycle, kung saan tumataas ang progesterone, maaaring maging kulay dilaw ito at parang malabo.

Puwedeng gamitin ito bilang isang natural family planning strategy. Kapag manipis at stretchy na discharge ang ibig sabihin nito ay fertile ang isang babae. Samantala, kapag makapal naman ang texture nito, ibig sabihin nito ay infertile cervical mucus.

Pero tandaang hindi 100% safe ang natural family planning dahil ang sperm ay matagal mabuhay sa katawan ng babae.

Anong ibig sabihin ng pagkakaroon ng white mens?

Ayon kay Dr. Gergen ng Makati Medical Center sa isang eksklusibong panayam namin sa kaniya, normal lamang ang pagkakaroon ng white mens ng isang babae.

Maaari rin itong gamitin upang malaman kung fertile ka. May isang pamamaraan kung saan titignan kung gaano ka slimy ang white mens ng isang babae upang malaman kung fertile siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakatulong ito sa mga babae na gusto nang magbuntis at magkaanak.

“Titingnan mo ‘yon eh. Kapag naging slimy, kapag nagiging parang watery ‘yon very fertile ‘yon.  ‘Yong iba nag-aano nagbebase sa basal body temperature.  Pagkagising ng umaga kukunin mo yung basal body temperature mo.” “Titingnan mo at ipa-plot mo ‘yon sa graphing paper. Kapag nagkaroon ng rise sabihin mo point 3 ibig sabihin nun mag-oovulate na.”

Mga maaaring sanhi ng white mens

Ang mga iba’t ibang sanhi ng pagkakaroon ng white mens ay:

1. Natural na parte ng menstrual cycle ang white mens bago magkaroon

Ang indikasyon ng white mens bago magkaroon ng period ay normal na bahagi ng menstrual cycle. Ang discharge na ito ay tinatawag din na “egg white mucus” dahil sa pagkakahawig nito sa hindi pa nalulutong puti ng itlog. Walang amoy ang discharge na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Kapag may white mens ba magkakaregla na?

Dahil parehong bahagi ng mesntrual cycle ang pagkakaroon ng white mens, maaaring indikasyon ito ng nalalapit na pagkakaroon. Ang white mens ay makikita bago at pagkatapos ng iyong mesntrual bleeding.

3. Ilang araw ang tinatagal ng white mens?

Maaaring ilang araw ang tinatagal ng white mens discharge ng babae, lalo na kung nasa normal siyang mesntrual cycle na 28 araw. Kung ganito ang kanyang kondisyon, maaaring tumagal ang white mens sa loob ng 4 na araw, o batay sa kalendaryo, mula ika-10 hanggang ika-14 na araw ng cycle (pagkatapos ng ovulation).

4. White mens pagkatapos ng menstruation?

Bahagi rin ng natural na daloy ng menstrual cycle ang white mens pagkatapos ng menstruation. Ang vaginal discharge na ito na nilikha ng glands sa cervix at vagina ay naapektuhan ng pagbabago ng hormones.

Ang white mens ay maaaring lumitaw pagkatapos ng mesntrual bleeding ng babae. Sa phase na ito, nagsisimula nang tumaas ang estrogen levels para sa paghahanda ng iyong katawan sa ovulation.

5. Pag-inom ng birth control pills

Ang pag-inom ng birth control pills ay nakakapagpabago sa hormonal levels ng isang tao. Dahil sa mga pagbabagong ito, nagiging side-effect ang pagkakaroon ng white mens.

6. Pagkabuntis

Senyales ng buntis ang white mens na nailalabas bago ang period. Kahit nasasabing mas malapot ang white discharge sa buntis, mahirap suriin ang pagkakaiba ng white discharge sa buntis at discharge na natural na bahagi ng menstrual period.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Pagkakaroon ng sexually transmitted infection/disease (STI o STD)

Ang mga STI na gonorrhea at chlamydia ay kilala bilang hindi nagbibigay ng sintomas ngunit maaaring maging sanhi ng madilaw na discharge.

Ang trichomonas naman ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng maberde o madilaw na discharge na may malansang amoy at kaakibat na pangangati.

8. Pagkakaroon ng yeast infection (candidiasis)

Ang pagkakaroon ng yeast infection ay maaaring mangyari nang biglaan nang walang kinikilalang sanhi. Malapot na puting discharge na nailalabas kapag mayroong yeast infection ang isang babae. Nagdadala rin ito ng pangangati at mainit na pakiramdam sa vulva.

9. Bacterial vaginosis

Ito ay isang impeksiyon na nakukuha kapag nagbago ang natural na balanse ng bacteria sa ari ng babae. Hindi pa malinaw ang sanhi ngunit naiuugnay sa paninigarilyo, douching, at pakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki. May malansang amoy at grayish white ang kulay ang discharge kapag may bacterial vaginosis.

Iba’t ibang uri ng vaginal discharge

Ang bawat kulay ng vaginal discharge ay maaaring senyales ng iba’t ibang health issues.

1. Puti/White

Ang is white discharge na lumalabas minsan na thick ay isang common na discharge. Ibig sabihin nito nasa simula o patapos ka na sa iyong menstrual cycle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaang normal lamang ito kapag wala itong kasamang pangangati. Sapagkat kung mayroon white discharge na makapal ay maaaring indikasyon ito ng yeast infection.

Karaniwan ang pagkakaroon ng yeast infection sa mga buntis pero maaari ding magkaroon nito ang sino mang babae. Kaya naman mahalagang magpakonsulta sa doktor kung tila cottage cheese ang white mens at may kasamang sintomas ng pangangating, paghapdi, at pananakit sa ari tuwing umiihi o nakikipagtalik.

2. Clear at stretchy discharge

Ibig sabihin lamang ng discharge na ito ay maaaring nag-o-ovulate ka. Ito ay tinatawag na fertile mucous. Normal at healthy ang clear white na discharge lalo na kung mild lang ang amoy nito.

3. Clear at watery na discharge

Maaaring magkaroon ka ng discharge na ito sa iba’t ibang panahon ng iyong menstrual cycle, at maaari mo rin itong maranasan kapag ikaw ay kakatapos lamang mag exercise o gumawa ng mga mabibigat na bagay.

4. Dilaw,Yellow/Berde,Green na discharge

Kapag mayroon kang discharge na ganito ang kulay, ay maaaring indikasyon na ito na mayroon kang impeksyon. Lalo na kung ang discharge na ito ay thick at clumpy katulad ng cottage cheese o kaya naman may mabahong amoy ito.

Agad na kumonsulta sa doktor kapag napansin na ganito ang kulay ng iyong discharge. Maaari kasing sintomas ito ng sexually transmitted infections (STI) tulad ng chlamydia. Lalo na kung may kasama itong sintomas ng pamumula at iritasyon sa ari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Brown na discharge

Ang pagkakaroon ng brown na discharge ay maaaring mangyari kapag malapit nang matapos ang iyong regla. Ibig sabihin nito, nililinis na ng iyong katawan ang iyong vagina mula sa pagkakaroon ng regla.

Kung magkaroon ng brown na discharge habang ikaw ay buntis, agad na kumonsulta sa iyong doktor para makatiyak kung ano ang sanhi nito.

6. Gray

Ang kulay abo o gray na vaginal discharge ay maaaring sintomas ng bacterial vaginosis. Vaginal infection ito na mayroong malansang amoy.

Mas matapang ang amoy nito tuwing pagkatapos makipagtalik. Ang vaginosis ay dulot ng imbalance ng good at bad bacteria sa ari ng babae. Mahalagang magpatingin sa doktor kung nakararanas nito.

7. Spotting na dugo o pink na discharge

Ang pagkakaroon ng tila spotting na discharge sa babae ay maaaring mangyari sa mid-cycle ng kaniyang menstruation. Pwede rin itong mangyari kapag siya’y nag-o-ovulate.

Maaari rin itong mangyari kapag nasa unang stage ang babae nang pagbubuntis.

8. Red

Kung ikaw ay buntis at nagkaroon ng pulang vaginal discharge, agad na pumunta sa doktor para sa immediate medical attention. Lalo na kung matindi ang bleeding at mayroong clots at nakakaramdam ng cramping at abdominal pain. Pwedeng miscarriage o ectopic pregnancy ang sanhi ng bleeding. Subalit maaari din namang less serious ang dahilan.

Bakit may amoy ang white mens?

Maaaring ikagulat ng ibang tao kung bakit may amoy ang white mens. Dahil sa mga TV ads at di sapat na edukasyon tungkol dito, hindi natin nalalaman na maaaring normal ang pagkakaroon ng amoy ng white mens.

Tahanan para sa milyon-milyong bacteria ang ari ng babae. At ang bacteria make-up na ito ay maaaring magpabago-bago sa loob lamang ng ilang oras, kada araw.

Dagdag pa, ang groin ay puno ng sweat glands. Hindi nakakapagtakang may amoy ang ari ng babae, ganun din ang nailalabas na white mens.

Ang pagkakaroon ng white mens, bilang natural na bahagi ng menstrual cycle, ang naglilinis ng mga bacteria na nanahahan sa loob ng ari. Kaya imposibleng walang amoy ito.

May mga iba pang dahilan ang pagkakaroon ng amoy nito depende sa amoy ng white mens. Kumonsulta sa doktor kung napansing hindi na normal ang amoy ng white mens.

Ang discharge sa menstrual cycle

Ang pagkatuyo ay natural na nararamdaman 3 hanggang 4 na araw matapos ang period. Susundan ito ng 3 hanggang 5 araw na pagkakaroon ng puti, malabo, o malagkit na discharge. Ito ang tinatawag na follicular phase.

Sa ovulation, malinaw na discharge ang karaniwan maging malapot man o malabnaw. Maaaring makakita ng hanggang 30 na beses na dami ng discharge kumpara sa normal na dami na nailalabas sa araw-araw.

Ang white mens ay babalik matapos ang ovulation. Maaaring mas marami ang discharge na unti-unting kokonti hanggang sa maging malapot at madikit. Kadalasan itong tumatagal nang 11 hanggang 14 na araw.

Ang discharge bago ang period ay maaaring magkulay dilaw habang brown naman matapos ang period. Ang pagkakaroon ng spotting o brown na discharge sa panahon ng inaasahang mens ay maaaring senyales ng pagbubuntis ang white mens.

Kulay at lapot ng white mens senyales ng buntis

Normal ang white mens sa mga kababaihan at maaari ding makita ang senyales ng pagiging buntis sa kulay ng vaginal discharge ng babae.

Nagbabago ang tipikal na manipis, clear, at mild smelling na white mens kapag buntis ang babae. Maaaring mas marami ang vaginal discharge at magbago ang consistency, thickness, at dalas ng paglabas nito sa ari ng babae kapag buntis.

Kung 1-week o 2-weeks nang delayed ang regla dahil sa conception, magsisimulang mapansin ang senyales na ikaw ay buntis sa iyong white mens. Sa umpisa ay tila normal o tipikal na white mens lang ito.

Habang lumilipas ang mga linggo ng iyong pagbubuntis ay mas magiging kapansinpansin ang pagbabago sa lapot, kulay at amoy ng white mens.

Sa huling trimester ng pregnancy ay mas marami ang ilalabas na vaginal discharge ng iyong ari. Pwede ring mapansin ang pagkakaroon ng mucus na may kaunting dugo. Normal naman ito kapag malapit nang manganak at hindi dapat na ikabahala.

Dagdag pa rito, kapag napansing tila kulay brown ang iyong vaginal discharge mahalagang kumonsulta sa iyong doktor. Bagama’t karaniwang hindi naman ito dapat ikabahala, pero mahalaga ang dobleng pag-iingat kapag ikaw ay buntis.

Bakit nagbabago ang kulay ng vaginal discharge ng buntis?

Nagkakaroon ng changes sa kulay, lapot at dami ng vaginal discharge ng babae kapag buntis dahil sa pagbabago sa level ng hormones.

Nakaaapekto rin ang pagbabago sa cervix ng babae during pregnancy sa vaginal discharge. Kapag lumambot na ang cervix at vaginal wall, nagproproduce ang katawan ng babae ng excess na discharge bilang proteksyon mula sa infections.

Pwede rin namang ang dagdag na dami ng white mens sa buntis ay dulot ng pag-press ng ulo ng baby sa cervix kapag malapit nang manganak ang babae.

Kailan kailangan magpasuri?

Image from Freepik

Ano pa man ang kulay o katangian ng discharge ng isang babae, ito ay nailalabas upang panatilihin ang kalusugan ng ari. Hanggang walang nararamdaman na sakit, pangangati, o pamumula, ang discharge ay masasabing normal.

Magpasuri sa doktor kapag nakakaramdam ng:

  • Sakit o pagkabalisa sa bandang ari
  • Pagpapantal o pagsusugat na walang kasamang discharge
  • Makapal at tila may buo-buo na discharge
  • Malakas o hindi maganang amoy sa ari
  • Pamumula
  • Pamamaga

Ang pagkakaroon ng pagbabago sa discharge habang sexually active ay maaaring sintomas ng sexually transmitted infection. Kapag hindi ito nagamot agad, maaaring maging sanhi ng iba pang problema sa kalusugan tulad ng pagka-baog.

Paano mapanatili ang malusog na ari habang ikaw ay buntis?

Maaaring mapanatili ang pagkakaroon ng malusog na vagina kahit na ikaw ay buntis sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Larawan mula sa Pexels kuha ni Charlotte May

  • Iwasan ang douching
  • Magsuot ng panty liners para maabsorb ang labis na discharge
  • Pagkatapos umihi, punasan ang genital region mula sa harap patungo sa likod.
  • Magsuot ng breathable at comfortable underwear
  • Huwag gumamit ng tampons
  • Unscented na personal care products at feminine hygiene items lang ang gamitin.
  • Tuyuin nang maayos ang ari matapos maligo o mag-swimming para maiwasan ang build up ng bacteria.
  • Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na jeans at nylon pantyhose dahil nakapagpapataas ito ng risk ng infection.
  • Kumain ng probiotic foods at mag-take ng supplements na safe during pregnancy. Makakatulong ito para mabalanse ang bacteria sa iyong vagina.
  • Iwasan ang pagkain ng matatamis dahil nakapagpapataas ito ng risk ng pagkakaroon ng yeast infections.
  • Kumain ng masusustansiyang pagkain para mapanatiling malakas ang immune system.

Kumonsulta sa doktor

Higit sa lahat, kumonsulta sa inyong doktor kung mayroon mang sintomas ng infections na nararanasan. Mahalaga ito kung ikaw ay buntis at nakakaranas ng unusual discharge. Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pag-inom ng antibiotic na ligtas para sa buntis.

Tandaan na kapag hindi nagamot ang impeksyon ay maaaring humantong ito sa komplikasyon na magdudulot ng negatibong epekto sa iyong kalusugan at sa sanggol sa sinapupunan.

 

 

Karagdagang impormasyon mula kay Marhiel Garrote, Jobelle Macayan, at Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.