X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

REAL STORIES: "Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin."

4 min read

Nagulat daw ang isang nanay na ito ng nang yakapin niya ang anak at may nakapang bukol sa bandang balakang nito. Iyon pala, isa na itong Wilms tumor.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • “Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin.”
  • What is a Wilms tumor?

“Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin.”

nanay kasama ang anak - wilms tumor

Nang dahil sa pagyakap sa kanyang anak, isang ina nalamang mayroong Wilms tumor ang kanyang bunso. | Larawan mula sa Pexels

Hindi mailalarawan ang sakit na dala para sa isang magulang ang malamang mayroong karamdaman ang anak. Nakakawasak ng buong pagkatao lalo na kung ang sakit na dinadala nito ay malubha tulad na lang ng cancer.

Para sa isang nanay na ito, aksidente niya raw na na nadiskubre na mayroong sakit ang kanyang anak. Isang gabi raw ay bigla na lang nagising ang kanyang bunsong babae habang iniinda nito ang labis na kirot sa kanyang katawan. Buong akala niya raw ay virus lamang ang mayroon ang kaniyang anak na si Chloe.

Pinagtanungan niya pa raw ng ina na si Rosie White ang mga kaibigan ng kanyang nanay kung ganito rin ba ang nararanasan ng kanilang anak. Sinagot naman siya ng mga ito na walang dapat ikabahala dahil ganoon din sila.  Sa hindi malamang dahilan ay hindi pa rin daw siya kampante sa impormasyon na ito. Alam niya raw sa loob-loob niya na may mali na sa kaniyang anak.

“Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin.”

Matapos niya raw i-comfort ang anak sa pamamagitan ng pagyakap, nakaramdam daw siya ng bukol sa may bandang balakang nito. Dahil daw dito ay dali-dali niyang dinala ang anak sa ospital at dito nalamang mayroon itong Wilms tumor, isang hindi pangkaraniwang cancer sa kidney.

Hindi niya raw lubos maisip na totoo ang nangyayari. Hindi nga rin daw niya nakita ang sarili na uupo sa pwesto na iyon at naririnig ang mga hindi niya gustong marinig na balita. Naalala niya pa raw kung gaanong literal na sumakit ang puso niya sa balita.

Magmula raw nun, naging sunod-sunod na ang pagbisita at pag-stay ng pamilya nila sa ospital.

nanay hawak ang kamay ng anak - wilms tumor

Isang rare na condition ang Wilms tumor na cancer sa kidney at kadalasang tinatamaan ay mga bata. | Larawan mula sa Pexels

“Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano sa tuwing naririnig ko ang salitang ‘cancer’

Sumailalim daw sa limang linggong chemotherapy ang bata upang mapaliit ang tumor at maoperahan na siya para matanggala ng bukol. Nakikita niya raw kung paanong hindi naiintindihan ng kanyang anak kung anong nangyayari dahil sa sobrang bata pa lamang nito. May mga panahon pa nga raw na nagagalit siya na nalalayo sa kanyang mga kapatid.

Matapos daw ang chemotheraphy, buong akala nila ay ayos na ang lahat. Kinailangan na naman daw ng bata na humarap sa panibagong 34 weeks na chemotherapy dahil hindi tagumpay ang mga naunang treatment.

Hirap na hirap daw sila ng mga panahong ito dahil kasagsagan ito ng pandemic kung saan limitado ang maaaring magbantay. Papalit-palit na lang daw sila ng kanyang asawa noon.

Matapos daw ang ilang pagsubok, nagpapasalamat sila ngayon na halos positive na ang mga nakikita nila sa test ng kanyang anak. Nanunumbalik na rin ang saya at energy ng kanyang anak. Mas maligaya na rin ang bata dahil natutupad ang kanyang hiling na magkaroon ng mas maraming time para sa kanyang mga kapatid.

What is a Wilms tumor?

wilms tumor

What is a Wilms tumor? | Larawan mula sa Pexels

Marami ang klase ng tumor, kabilang na diyan ang Wilms tumor o kilala rin sa tawag na nephroblastoma. Ayon sa Mayo Clinic, ito raw ay isang rare na kdiney cancer at halos madalas na tinatamaan ay ang mga bata. Nasa edad 3 at 4 ang mas karaniwang nagkakaroon nito at bumababa na ang tsansa paglagpas ng limang taong gulang.

Common daw na nasa isang kidney lamang ito natatagpuan, malubhang maituturing na kung sa parehong kidney ay present ang tumor.

Sa ngayon, wala pang malinaw na dahilan kung bakit nga ba nagkakaroon ng Wilms tumor. Sa maraming pagkakataon, malaki ang ginagampanan na role ng genes. Maaaring kung mayroong history sa pamilya na mayroong cancer ay malaki ang posibilidad na makuha rin ito ng mga bata.

Nakakabahala pa nga raw na kung minsan walang sintomas ang mga batang mayroong ganitong tumor. Sa iba narito ang ilang sa senyales na kanilang nakita:

  • Pagkaramdam ng hindi normal na abdominal mass
  • Pamamaga at pananakit ng abdomen
  • Pagkakaroon ng lagnat
  • Pagkakaroon ng dugo sa ihi
  • Pagkaranas ng hilo o pagsusuka
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Kahirapan sa paghinga
  • Pagtaas ng blood pressure

Kidspot, Mayo Clinic

Partner Stories
SELF CARE SAVES: Your Mental Health Matters
SELF CARE SAVES: Your Mental Health Matters
Vincenzo and sisyphus set to heat up February with thrills suspense
Vincenzo and sisyphus set to heat up February with thrills suspense
13,000 public schools taught proper nutrition and Healthy Habits under Nestle Wellness Campus program in SY 2018-2019
13,000 public schools taught proper nutrition and Healthy Habits under Nestle Wellness Campus program in SY 2018-2019
CDO foodsphere launches online home delivery for customers
CDO foodsphere launches online home delivery for customers

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • REAL STORIES: "Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin."
Share:
  • Gamot sa hadhad: Sintomas, sanhi, at paano maiiwasan ang jock itch

    Gamot sa hadhad: Sintomas, sanhi, at paano maiiwasan ang jock itch

  • STUDY: Paglalakad ng 6,000 to 8,000 steps kada araw nakakatulong para sa kalusugan

    STUDY: Paglalakad ng 6,000 to 8,000 steps kada araw nakakatulong para sa kalusugan

  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

  • Gamot sa hadhad: Sintomas, sanhi, at paano maiiwasan ang jock itch

    Gamot sa hadhad: Sintomas, sanhi, at paano maiiwasan ang jock itch

  • STUDY: Paglalakad ng 6,000 to 8,000 steps kada araw nakakatulong para sa kalusugan

    STUDY: Paglalakad ng 6,000 to 8,000 steps kada araw nakakatulong para sa kalusugan

  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.