Winwyn Marquez sa kaniyang pagbubuntis: "Me and my partner, we're both so happy!"

Alma Moreno at Joey Marquez napaluha ng malamang buntis ang anak na si Winwyn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Winwyn Marquez buntis sa kaniyang first baby!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Winwyn Marquez buntis sa kaniyang first baby, ang ilang detalye.
  • Reaksyon ni Alma Moreno at Joey Marquez sa pagbubuntis ni Winwyn

Winwyn Marquez buntis sa kaniyang first baby!

Ito ang balitang bumaha sa social media ng masayang ibinahagi ni WinWyn Marquez na siya ay buntis. Ito ay nagawa ng aktres at beauty queen sa press conference ng bago niyang pelikula na pinamagatang “Nelia” na kabilang sa Metro Manila Film Festival ngayong darating na araw ng Pasko. Nagbigay rin ng ilang detalye si WinWyn sa kaniyang pagbubuntis nitong Sabado sa kaniyang YouTube channel.

Pahayag ni Winwyn sa kaniyang vlog ay dumating na ang tamang pagkakataon para sa ipaalam niya sa kaniyang fans at subscriber na siya ay buntis.

Paliwanag pa niya, pinili niyang hindi muna agad ipaalam ang pagbubuntis hangga’t hindi pa ito sigurado. At nais niya rin sanang ma-enjoy muna ng pribado ang mga unang buwan ng pagbubuntis kasama ang kaniyang pamilya.

Pero sa kabuuan pahayag ni Winwyn ay napakasaya niya at kaniyang partner na sila ay magkakaanak na. Ito umano ay isang bagay na pinagdasal nila at sa wakas ay natupad na. Pati ang kanilang pamilya ay nagdiriwang sa napakagandang balitang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi ni Winwyn,

“There it is. I am so happy. Me and my partner were both so happy. My family, everyone super saya namin.”

“We are over the moon. And I am so excited for this part of our life and for this chapter to start.”

Winwyn nasa second trimester na ng kaniyang pagbubuntis

Image from Winwyn Marquez Instagram account

Sa naging presscon ng bago niyang pelikula ay sinabi ni Winwyn na siya ay nasa second trimester na ng kaniyang pagbubuntis. Habang sa kaniya namang vlog ay ibinahagi niya na nakakaranas pa rin siya ng ilang early symptoms ng pagbubuntis.

Pero ang mga ito ay nagiging madali sa tulong at suporta ng mga tao sa paligid niya. Bagama’t pagbabahagi niya, noong una ay kinailangan niyang magpahinga ng sandali para sa kaligtasan ng kaniyang pagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa niya,

“I am taking it day by day… Yes, there are still episodes of bad nausea, dizziness, and that I get tired easily but I always try to listen to my body (as my doctors have been telling me) – to avoid stress and make sure that I am in a safe environment and not push anything out of my limit.”

Sa vlog ni Winwyn ay makikita ang mga sandali kung saan ipinaalam ni Winwyn sa kaniyang partner na siya ay buntis sa pamamagitan ng video call.

Pero nanatili paring nakatago ang mukha nito. Bagamat makikita ang labis na kasiyahan nito na napataas pa ang kamay sa saya ng makita ang positive pregnancy test ni Winwyn.

BASAHIN:

Folic acid para sa buntis: Ano ang kadalasang iniinom ng TAP Moms?

Alma Moreno’s advice to daughter Winwyn: Don’t get married yet

Buntis muli matapos mawalan ng baby? 4 na dapat gawin para mabawasan ang iyong pag-aalala

Reaksyon nina Alma Moreno at Joey Marquez sa pagbubuntis ni Winwyn

Ipinakita rin ni Winwyn sa kaniyang vlog ang naging reaksyon ng mga magulang niyang sina Alma Moreno at Joey Marquez ng malamang siya ay buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan parin ng video call ay ipinaalam ni Winwyn na siya ay buntis sa inang si Alma Moreno. Makikita ang saya nito ng ipakita ni Winwyn ang sonogram ng kaniyang baby.

“Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan? At least natupad mo na, alam na ng Daddy mo?”

Ito ang nasabi ni Alma Moreno sa ipinakitang ultrasound result ni Winwyn. Hindi rin napigilang mapaluha ng aktres sa saya para sa katuparan ng pangarap ng anak.

“Lola ka na ulit!” Ito naman ang natatawang sabi ni Winwyn sa ina.

Ah hindi Mama Ness lang.” Ito naman ang nasagot ni Alma na napapunas na ng kaniyang luha.

Ipinaalam naman ni Winwyn sa kaniyang amang si Joey Marquez ang kaniyang pagbubuntis ng personal. Nang ipakita niya nga ang ultrasound dito ay makikitang napapunas ito ng luha at nayakap si Winwyn sa nalamang balita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa dulo ng kaniyang vlog ay umapela si Winwyn sa kaniyang mga follower na sana ay ipagdasal siya ng mga ito at ang maliit na pamilyang sinisimulan niyang buuhin.

Ngayon ay patuloy parin umano siyang nag-aadjust sa mga pagbabago sa kaniyang katawan. Pero excited siya na sa ilang buwan nalang ay makikita na niya ang magandang regalong ibinigay sa kaniya ng Diyos ngayong pasko.

“So please pray for us. Please pray for our small family. Please pray na everything would be fine. It’s such a good Christmas gift for me and for my partner, for my family, for my parents.”

Ito ang sabi pa ni Winwyn tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Bandera