Ang mga babae na nakaranas ng stillbirth ay matagumpay na nagbuntis ulit. Ngunit ang mga babae sa bawat sitwasyon ay magkakaiba, maaaring ang iba ay bukas sa pagbubuntis matapos makaranas ng stillbirth.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano nga ba ang stillbirth?
- Pagbubuntis matapos mawalan ng baby
- Mga maaaring gawin matapos makaranas ng stillbirth
- Paraan upang maiwasan ang stillbirth
Ang iba ay maaaring masaya ngunit nakakaranas ng takot at trauma dahil sa nagdaang karanasan sa pagbubuntis. Walang maling reaksiyon sa ganitong pangyayari. Natural lamang na matakot habang nagbubuntis, matapos makaranas ng stillbirth.
Pagbubuntis matapos mawalan ng baby.
Ano nga ba ang stillbirth?
Ang stillbirth ay ang pagkamatay ng fetus matapos ang 20th week ng pagbubuntis, habang ito ay nasa sinapupunan. Ang baby ay maaaring mamatay sa loob ng uterus ilang linggo o oras bago ang panganganak.
May mga pagkakataon, na ang baby ay maaaring mamatay habang nanganganak. Bagaman ang prenatal care mas napabuti na sa panahon ngayon ang stillbirth ay nangyayari pa rin at kadalasan ay hindi naipapaliwanag ang sanhi nito.
Mga klasipikasyon ng stillbirth:
- Early stillbirth: Ang fetus ay namamatay sa pagitan ng 20 at 27 weeks ng pagbubuntis.
- Late stillbirth: Ang fetus ay namamatay sa pagitan ng 28 at 36 weeks ng pagbubuntis.
- Term stillbirth: Ang fetus ay namamatay sa 37th week o pagkatapos.
Pagbubuntis matapos mawalan ng baby: Anong maaari mong gawin
Mayroong mga bagay ka na maaaring gawin upang mabawasan ang takot na iyong nararamdaman. Ang makaramdam ng takot sa pagbubuntis matapos ang stillbirth ay natural lamang, ngunit tandaan na huwag magpatalo sa nararamdamang ito.
Una sa lahat, maaari mong ihiwalay ang iyong anxieties mula sa nagdaang karanasan na may kasamang aktwal na medikal na takot.
Ito ay madaling sabihin ngunit siguradong mahirap gawin, paano mo masasabi ang pagkakaiba nila? Isang bagay na makakatulong ay magkaroon ng konbersasyon sa iyong doktor tungkol sa kung anong posibleng sanhi ng pagkawala ng iyong baby, paano maiiwasan ang mga bagay na ito sa pagbubuntis mong muli.
May mga pagbubuntis na hindi alam ang rason ng pagkawala ni baby, kung kaya naman mas mabuti kung alamin paano maiiwasan maulit ang ganitong karanasan.
1. Pagbabahagi ng iyong nararamdaman
Ang pag-iisip pa lamang sa bagay na ito ay maaari ng magdulot ng pagkabalisa sa iyo. Maraming hindi siguradong aspeto ng sitwasyong ito at maaari kang makaranas ng kawalan ng pag-asa.
Subukang ituon ang atensiyon sa mga masasayang parte ng sitwasyon upang labanan ang iyong anxiety. Humingi ng posibleng suporta mula sa iyong pamilya at kaibigan.
Makakatulong ang pagsali sa samahan ng mga nanay na nakaranas din ng parehong sitwasyon. Ipahayag ang iyong nararamdaman at iniisip sa isang safe space. Kabilang din dito ang pagbabahagi ng iyong takot.
Para sa iba ay maaaring nakakalula ito at ang 40 linggo ay mahabang panahon. Isang magandang ideya na unti-unting isipin ang iyong bagong pregnancy journey.
Huwag mag-isip ng mga bagay na malayong mangyari. Kung sa tingin mo ay hindi mo kaya, humingi ng propesyonal na tulong. Mayroong mga propesyonal na maaaring magturo sa iyo ng mga ehersisyo at paraan kung paano mo lalabanan ang iyong iniisip at damdamain.
2. I-consider ang pagpapalit ng doktor at ospital
Ang pagbubuntis matapos mawalan ng baby ay maaaring magdulot ng trauma. Maaaring makatulong ang pagpapalit ng doktor at ospital. Ang ilan sa mga kababaihan na nakaranas ng stillbirth ay nakakaramdam ng trauma sa tuwing bumabalik sa lugar kung saan sila nanganak. Sa pagkakataong ito maaaring makatulong ang pagpapalit ng doctor at ospital.
BASAHIN:
#AskDok: Ano ang mga sintomas ng miscarriage sa 2nd trimester ng pagbubuntis
Stillbirths, isa sa mga hindi napapansin na resulta ng pandemic
Stress and Stillbirth: Excessive stress can cause stillbirth
3. Ang pagpapahinga ay importante
Siguraduhin na mayroon kang sapat na pahinga. Muli, ito ay mas madaling sabihin kaysa gawin, ngunit kailangan mong magpahinga, lalo na at ikaw ay buntis ulit. Kinakailangan mong maihanda ang iyong katawan sa pagbubuntis at sa mga susunod pang mga buwan.
Ihanda ang iyong sarili sa mga konbersasyon na ayaw mong pag-usapan. May mga taong maaaring magtanong pa rin sa iyo tungkol sa iyong pregnancy loss.
Subukang humanap ng paraan kung paano mo gustong sagutin ang mga tanong na ito, ipaalam sa kanila na hindi ka interesadong sumagot.
Ang pagsasabi na nais mong ituon ang iyong atensyon sa kasalukuyang pagbubuntis ay makatutulong upang maputol ang usapan at pagtutuon ng atensyon sa positibo imbis na negatibo.
Tandaan na karamihan sa mga tao ay nagtatanong lamang dahil sa pag-aalala hindi upang mapasama ang iyong nararamdaman.
4. Gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama para sa iyo
Kung sa tingin mo ikaw ay kumportable ka na, subukang isipin ang iyong panganganak. Tandaan na may mga bagay kang maaaring maramdaman sa panganganak na ito.
Maaaring makaramdam ng guilt o discomfort matapos na ikaw ay manganak, ang ganitong pakiramdam ay normal, ngunit ang pag alam nitobago pa man mangyari ang lahat ay makakatulong upang mas ma-handle mo ng maayos ang sitwasyon. Ang pagbubuntis at panganganak na ito ay ibang-iba sa iyong nagdaang pagbubuntis.
Tandaan lamang na sa oras na ito, ang mga babae ay kinakaya sa iba’t ibang paraan. Ang takot na nararamdaman ng malaman na ikaw ay buntis muli matapos ang stillbirth ay maaaring malaki.
Huwag madaliin ang sarili, pag-aralan at paghandaan ang iyong nararamdaman at iniisip upang makayanan ang pagkawala ng iyong baby, at i-anticipate ang pagdating ng maghahatid sa iyo ng kasiyahan.
Hangga’t hindi ka nakakasama sa iyong sarili at sa iyong anak, gawin mo ang lahat upang ma-enjoy mo ang iyong pagbubuntis ngayon.
Subukang maging busy, at ituon ang atensyon sa mabuti imbis na masama. Maging produktibo, at maghanda sa pagdating ng iyong baby. I-enjoy ang iyong pagbubuntis hanggat iyong makakaya, dahil ito ay maaaring parte ng iyong paggaling.
Panibagong kabanata
Hangga’t gusto mong parangalan ang pagkawala ng iyong anak, ang pagbubuntis muli ay maaaring nakakatakot, ngunit subukang tumingin sa ibang perspektibo at tandaan na hindi ka nawawalan ng respeto sa pagkawala ng iyong anak sa pamamagitan ng pagdating bagong supling. Hangad namin na maging maayos ang iyong pregnancy journey sa pagkakataong ito.
Paano nga ba maiiwasan ang stillbirth?
Narito ang mga bagay na maaaring mong gawin upang mapataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng healthy baby.
- Iwasan ang pag-inom at paninigarilyo.
- Ipaalam sa iyong doktor kung nakaranas ng pagdurugo sa ikalawang bahagi ng iyong pagbubuntis.
- Gawin ang tinatawag na ‘kick count‘. Sa ika 26-28 weeks ng pagbubuntis, gawing pamilyar ang sarili sa paggalaw ng iyong baby. Alamin kung ano ang normal sa iyong anak, at kapag huminto sila sa paggalaw ng normal ay ipaalam agad sa doktor.
- Bago magbuntis muli, siguraduhin may malusog na timbang. Kung ikaw ay buntis na, makipag-ugnayan sa iyong doktor kung ano ang tamang diet at exercise na pwede mong gawin.
- Protektahan ang sarili mula sa mga impeksyon.
- Agad na ipaalam sa doktor kung nakakaranas ng pananakit ng tiyan o pagdurugo.
- Matulog ng nakatagilid huwag nakatihaya, dahil maaaring mapataas nito ang tiyansa ng stillbirth.
- Siguraduhin na magpa-test, tulad ng sa blood pressure at urine. Ito ay makakatulong upang makita ng doktor kung ikaw ay may sakit na maaaring makaapekto kay baby.
Additional information and translated by Joyce Vitug
Additional source:
Seleni, Cleveland Clinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!