LOOK: Winwyn Marquez very sexy sa kaniyang maternity photoshoot

Ayon kay Winwyn, napaka-magical ng pagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Soon-to-be mom at beauty queen na si Winwyn Marquez, ibinida ang kaniyang sexy baby bump sa kaniyang latest maternity photoshoot.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Winwyn Marquez maternity photoshoot.
  • Update sa pagbubuntis ni Winwyn Marquez.

Winwyn Marquez maternity photoshoot

Image from Winwyn Marquez Instagram account

Kitang-kita ang pagiging beauty queen ng soon-to-be mom na si Winwyn Marquez sa kaniyang maternity shoot. Sa kaniyang, latest Instagram post ay ibinida ni Winwyn ang kaniyang sexy baby bump.

Suot ang isang creamy sheer dress ay very classy paring tingnan si Winwyn kahit 8 months pregnant na. Mas na-glow rin ang kaniyang gandang Pilipina sa grayed colored background na mas nagpaangat sa kaniyang pagka-morena.

Sa caption ng kaniyang Instagram post ay sinabi ni Winwyn na tulad ng kaniyang maternity shoot ay napaka-magical sa kaniya ang pagbubuntis.

“Growing a little person in your belly is the most magical thing. ??”

Ito ang sabi ni Winwyn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami namang namangha sa magical at sexy photoshoot na ito Winwyn. Komento nila ay glowing ang beauty niya habang ipinagbubuntis ang kaniyang baby girl.

“Glowing!!!”

“Ang gandaaaaa”

“I've been waiting for this. Such a beautiful momma.”

“Now, this is a classy maternity shoot!”

Ito ang ilan sa komento ng mga netizen sa naging maternity photoshoot ni Winwyn.

Update sa pagbubuntis ni Winwyn Marquez

Image from Winwyn Marquez Instagram account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon ay nasa ika-8 buwan na ng kaniyang pagbubuntis si Winwyn at ilang linggo nalang ay takda na siyang makapanganak. Ayon nga kay Winwyn ay nagsisimula na silang ayusin ang kwarto ng magiging anak.

Ang kaniyang ipinagbubuntis ay isang girl na ayon kay Winwyn ay napakagandang bungad sa pagbubukas ng 2022. Nalaman ni Winwyn ang gender ng kaniyang ipinagbubuntis noong mismong unang araw ng January 2022.

Sa kaniyang naging gender reveal ay present ang mga magulang ni Winwyn na sina Joey Marquez at Alma Moreno. Si Joey Marquez masayang natupad ang hiling niya na maging girl ang una niyang apo kay Winwyn.

"I'm very happy, an addition to the family! I just wish it's a girl. Good luck and more power, anak!"

Ito ang sabi noon ni Joey sa anak na si Winwyn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang Instagram post parin ni Winwyn ay sinabi niyang tulad ng iba pang buntis ay nakaranas rin siya ng pananakit ng likod.

“A few weeks til' I enter my last trimester, I've started to experience some lower back pain already. I think every pregnant woman can attest to how uncomfortable it can be to lie down or sit up!”

Pero ang pananakit na ito ay bahagyang napapawi kapag nagsasayaw si Winwyn na namimiss niya na raw gawin ng tulad ng dati noong hindi pa siya nagdadalang-tao.

Kaya naman maliban sa excited na siyang makapanganak para makita si baby at nais niya na ring magawa ang mga hilig niya noong hindi pa siya buntis.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram

BASAHIN:

Winwyn Marquez on her 3rd trimester: “I love feeling her…she’s playing inside my belly.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Partner ni Winwyn Marquez sa pagtatago ng kaniyang identity: “Hindi naman ako showbiz”

Winwyn Marquez nagpositibo sa COVID habang buntis: “It was a scary experience and I never want to go through that again”

Winwyn nagbigay ng hint tungkol sa kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya

Image from Winwyn Marquez Instagram account

Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon ng inanunsyo ni Winwyn ang kaniyang pagbubuntis. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng kaniyang YouTube channel.

“There it is. I am so happy. Me and my partner were both so happy. My family, everyone super saya namin.”

“We are over the moon. And I am so excited for this part of our life and for this chapter to start.”

Nang inanunsyo ni Winwyn na siya ay buntis ay nasa second trimester na siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagamat nagpapakita siya sa kaniyang vlog na isang lalaki na ama umano ng dinadala niyang anak ay tinatago pa rin ni Winwyn ang mukha nito.

Hanggang sa ginawang gender reveal party ng baby niya ay tago pa rin ang mukha ng ama ng kaniyang magiging anak. Bagamat nagpahapyaw siya na ito ay matagal niya ng kilala sa loob ng 24 taon. At ang pagbubuntis sa kanilang baby ang isa sa best things na nangyari sa kaniya.

“2021 gave me the best things despite our situation now. God gave me a partner who gives me infinite love and support and I cannot stress enough how thankful I am for him.

We have a love story only a few can relate to and after 24 years of knowing each other, growing up together, achieving goals on our own - we finally meet in the middle (it's like destiny brought us together at the perfect time) now we're finally starting our little family. We just can't wait to meet our daughter next year!”

Ito ang nasabi ni Winwyn tungkol sa ama ng ipinagbubuntis niya at sa magiging anak nila.

Samantala, ayon naman sa partner ni Winwyn, mas gusto niyang manatiling pribado ang kaniyang pagkatao dahil hindi naman siya showbiz. Paglilinaw niya, wala siyang ibang asawa o anak sa ibang babae.