X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mommy blogger nag-viral matapos pahiyain ang mga working moms sa social media

3 min read

Hindi biro ang hirap ng mga working moms. Dahil bukod sa pag-aalaga sa kanilang mga anak, responsibilidad rin nilang magtrabaho upang masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Kaya ganun na lang ang naging galit ng mga netizen nang mag-viral ang post ng isang Christian blogger na si The Transformed Wife dahil sa kaniyang post sa Facebook kung saan sinabi niyang hindi dapat magtrabaho ang mga ina.

Ano ba ang sinabi niya tungkol sa working moms?

Ang Christian blogger na si The Transformed Wife ay isang konserbatibong ina na mayroon nang 4 na matatandang anak, at mga apo. Madalas siyang nagbabahagi ng kaniyang mga saloobin sa social media, sa pamamagitan ng mga mensahe na nakasulat sa isang notebook.

Karamihan ng kaniyang mga post ay tungkol sa kaniyang karanasan bilang ina, at kung paano maging isang mabuting asawa. Kasama rin dito ang mga quotes sa Bibliya, at ilang mga tips kung paano rin maging mabuting Kristiyano.

Ngunit naging kakaiba ang tono ng kaniyang pinost na mensahe sa Facebook. Ito ay dahil parang pinaparating niya na hindi maganda ang pagiging isang working mom. Bagkus, mas mabuti raw sa pamilya at sa mga anak ang pagiging isang full-time na stay-at-home mom.

Hindi natuwa ang mga netizen sa kaniyang mensahe

Umani ng batikos ang kaniyang post, at maraming ina ang naglabas ng kanilang saloobin tungkol dito. Ayon sa kanila, hindi naman sukatan ng pagiging ina kung siya ay stay-at-home, o nagtatrabaho.

Ito ay dahil hindi naman lahat ng ina ay may kakayanan upang mag-alaga lang ng bata sa bahay. Ang iba ay kinakailangan talagang magtrabaho upang masustentuhan ang kanilang pamilya. 

Dagdag pa nila, desisyon ng isang babae kung gusto niyang magkaroon ng career kahit na may anak at pamilya na siya. Hindi ito kabawasan sa kaniyang pagiging ina, at ang mahalaga ay naaalagaan nila ang kanilang mga pamilya.

Ayon pa sa ibang netizen, parang minamaliit daw ni The Transformed Wife ang ilang mga ina, lalo na ang mga single moms na palaging pagod dahil nagsisikap sila sa kanilang mga anak. Kung tutuusin, mas nakakabilib pa nga raw ang mga working moms dahil nababalense nila ang pagiging asawa, ina, at ang pagkakaroon ng career.

Heto ang kaniyang post:

 

Hindi dapat minamaliit ang mga ina

Hindi madali ang maging isang ina. Napakaraming responsibilidad ang kailangan nilang akuin, at madalas nga ay nakakalimutan na nilang maglaan ng oras para sa kanilang sarili. Lalo nang mahirap ang pagiging isang working mom, dahil bukod sa responsibilidad mo bilang isang ina, may responsibilidad ka rin sa iyong trabaho.

Kaya't hinding-hindi dapat minamaliit o kaya pinapahiya ang mga ina. Lahat ng ina ay nagsisikap na mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak, at bawat ina ay may sari-sariling mga hamon sa buhay. Mayroon mga pamilya na kinakailangang magtrabaho ang ama at ina upang magkaroon sila ng pagkain sa pang araw-araw. Ang mahalaga ay nagagampanan nila ang kanilang mga responsibilidad bilang ina, at naaalagaan nila ang kanilang pamilya.

Mas mabuti kung magtulungan na lang ang lahat ng mga ina kaysa maghatakan pababa. Dahil hindi naman nakakabuti sa kanila ang paninira, pang-aaway, o pangmamaliit ng kapwa.

Kaya't importante ang pagkakaroon ng respeto sa ibang mga ina, at ang pagiging sensitibo, at pagkakaroon ng pag-unawa sa bawat tao. 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Source: Yahoo

Basahin: Mariel Rodriguez on becoming a working mom: ‘Nahihirapan ako’

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mommy blogger nag-viral matapos pahiyain ang mga working moms sa social media
Share:
  • How one mom manages to work full-time—without a yaya

    How one mom manages to work full-time—without a yaya

  • Gabay kung paano madaling makapag-migrate sa Canada

    Gabay kung paano madaling makapag-migrate sa Canada

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • How one mom manages to work full-time—without a yaya

    How one mom manages to work full-time—without a yaya

  • Gabay kung paano madaling makapag-migrate sa Canada

    Gabay kung paano madaling makapag-migrate sa Canada

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.