Hindi sikreto na single si Judy Ann Santos nang kanyang niyakap ang pagiging ina sa edad na 26, sa kanyang una at panganay na anak na si Yohan.
Sa taong 2004 kung saan nasa peak si Juday ng kanyang karir, inadopt ni Juday si Yohan at ito rin ang taon na umusbong ang pagmamahalan nila ni Ryan Agoncillo sa set ng kanilang serye na Krystala sa ABS-CBN.
Ibinahagi nila sa kanilang mga fans ang kanilang relasyon noong taong 2005, na-engage noong taong 2008, at ikinasal ang isa’t-isa noong taong 2009. Sa mga panahong iyon, nasa buhay na ng aktres ang kanyang adopted child na si Yohan. At noon ngang naging Agoncillo na si Juday, siya ring pagiging Agoncillo ni Yohan.
Heart-to-heart talk ni Judy Ann Santos at anak na si Yohan
Pinlano ng mabuti at sa tamang panahon ni Judy Ann Santos ang pagisplika sa anak na si Yohan ang kanyang adoption. Ang kinakatakot ni Juday dati ay malaman ng anak na si Yohan sa iba ang tungkol sa kanyang adoption.
Inalala nga ni Juday, “There was a time that I saw in my iPad, nag-history ako. Nawala sa isip ko na nasa kanya iPad ko. Pagtingin ko sa history, she actually googled her name. So, lumabas dun siyempre lahat—Yohan Agoncillo adopted, Yohan Agoncillo singing, Yohan Agoncillo—like, everything about her.”
Doon na nga naging concern si Juday sa reaksyon ni Yohan. Pahayag ni Juday, “I was confident naman that she’s not gonna take anything about, na parang, adopted siya or something. Kasi we’re very vocal naman kami ni Ry in explaining to her that adoption isn’t a bad word. It’s not a bad thing at all. You have an inspiring story.”
Naalala nga ni Judy Ann Santos noong mas bata pa si Yohan at medyo naguguluhan pa kung ano ang ibig sabihin ng adoption, kwento ni Juday, “Dati kasi ano siya, e, sumasama loob niya, naba-bother siya. Nalulungkot siya kaya sinasabi ko sa kanya, ‘Sweetheart, it was my choice.'”
Sambit din ni Juday, “I know naman at some point, I could still have a child. It’s just that I so wanted to have a child, and I prayed. I prayed for years to have a baby girl. I’m very specific with my prayers. I want to have a baby girl at 26. And I got a call a week after I turned 26. And it was a baby girl, so that was you. ‘Even before I had a family, it was you and me only.’ ”
Dagdag pa niya, “Dun, ano na siya, ‘Ah, oo nga. Sa iyo ako kasi ginusto mo.’ You can see it in her glow, e, that she’s confident. She’s not ashamed of being an adopted daughter.”
Tamang panahon
Sa mga pelikula, ang adopted child ay madalas na may malungkot na repleksyon. “Before kasi, when you say the word ‘adopted,’ parang ‘eww.’ Hindi kaya? Parang mali yung mga taong ganun,” pahayag ni Juday.
Pinili niya ‘yong tamang panahon para sabihin kay Yohan ang tungkol sa kanyang adoption.
Kwento niya, “I just had to tell it to her when she was four, five years old, early on pa lang. Nung nakakuha ako ng chance na ma-introduce sa kanya yung word na ‘adoption,’ inunti-unti ko na. Kasi ang fear ko naman, kapag hindi ko sinabi sa kanya, imposibleng wala magsabi sa kanya… How can you pacify her? How can you control the emotions?”
Dagdag pa niya, “Nung simula pa lang, nung nakakaintindi na siya, inunti-unti ko na kasi mas gusto ko, ako yung mas mahirapan mag-explain kung anong relationship namin. Kaysa mahirapan ako mag-explain na may iba na nakapagsabi sa kanya. Isipin pa niya na tinago ko o wala akong planong sabihin. At sa daming tsismosa sa mundo natin, hello, maitatago mo talaga?”
Pinaniniwalaan ni Juday na, “If you share it with a positive attitude, then you will inspire people or other adopted children na being adopted is such a good thing. It’s the most beautiful word that you can encounter because it just means na a family adopted you. They wanted you, they chose you to be part of their family. It’s not as if they didn’t have a choice, so me, I wanted you even before I got married. Even before I met your dad, you’re with me already. So, it’s my choice to have you as my daughter. That alone, she’s empowered already na, ‘Ah, oo nga.’ So, hindi ako natatakot…”
Maliban nga kay Yohan, ngayon ay mayroon pang dalawang anak sina Juday at Ryan, sina Lucho na walong taong gulang at si Luna ang kanilang bunso na tatlong taong gulang.
Si Yohan bilang anak
Ngayon nga’y labing apat na taong gulang na si Yohan at tawag nila Juday at Ryan dito sa kanilang social media accounts ay dalaginding at buding. Tulad na nga lamang ni Juday, alam din ni Yohan ang kanyang galawan sa loob ng kusina. Ang mga-ina nga rin ay marami na ring nagawang commercials na magkasama.
Sa parte naman ni Ryan, inintroduce nito kay Yohan ang pagmamahal niya sa mga motorsiklo. Noon ngang taong 2017 ng Pebrero, sinamahan siya ni Yohan sa isang off-road training camp.
Isa ring competitive swimmer si Yohan at musically gifted din ito. Noong isang beses nga raw sumulat ito kay Ryan na naglalaman ng, “majorly struggling to learn the chords and lyrics of her favorite song.”
Pinost ito ni Ryan sa kanyang Instagram feed noong nakaraang taon ng Enero, “good job dad! Keep it up! Soon, I (once you’re done,) we can sing. I will teach you! Don’t worry! Family is always there for each other! Like I’m here for you.!”
Noon ding nakaraang taon, binigyan ni Yohan ang inang si Judy Ann Santos ng maagang birthday gift. May 11 ang birthday ng aktres pero sa kanyang post March 13, ang sulat na ibinigay ng anak na si Yohan.
Isang part ng sulat-kamay na letter na ginawa ng anak ay sinambit nito na, “I just want to tell you that I’m truly sorry for all things I did to you! I can’t believe you are so calm but when things get out of hand, and um, I’m truly grateful for what you’ve done to me! Teaching me new things in my life! Thank you for being there for me.”
At ang caption ni Juday ay ang reply nito sa kanyang anak na si Yohan sa kanyang sulat, “My mommy heart is smiling…(sabay may dalawang pusong emoji)”
Source: PEP.ph
Basahin: Anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, gumawa ng beauty vlog
[tap-poll id= 37200]