LOOK: Ziggy Dantes nagdiwang ng kaniyang 3rd birthday!

Marian at Dingdong may sweet na mensahe sa anak na si Ziggy sa kaarawan nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Three years old na ang bunso nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Jose Sixto 'Ziggy' Dantes IV nang sumapit ang birthday nito noong nakaraang linggo. Ganito kung paano ipinagdiwang ni Marian at Dong ang kaarawan ng only son nila.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jose Sixto 'Ziggy' Dantes IV birthday celebration
  • Mensahe nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa anak na si Ziggy Dantes sa birthday nito.

Jose Sixto 'Ziggy' Dantes IV birthday celebration

Image from Marian Rivera's Instagram account

Para sa mga bata, nagbibigay ng kakaibang saya ang birthday celebration nila. Kaya naman ang celebrity parents na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay siniguradong sa 3rd birthday ng kanilang anak na si Ziggy ay magiging very happy ito.

Naisakatuparan naman ito nina Marian at Dingdong. Dahil si Ziggy ay makikitang sobrang saya sa kaniyang PJ Masks themed birthday party kahapon.  Ito ay base sa mga post sa Instagram ni Marian Rivera.

Ayon kay Marian ay intimate celebration ang naging birthday party ni Ziggy at ito ay in-organize ng kaniyang good friend at kilalang events planner na si Teena Barretto. Sa birthday party ni Ziggy ay makikitang napuno ng PJ Masks na cartoon character ang venue.

Mayroon ring mascots nito at indoor playground na labis daw na na-enjoy ni Ziggy. Kaya hindi pinalampas ni Marian na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng masayang birthday party ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To my bff @teenabarretto @thisismeteena thank you so much for helping me with Sixtos birthday. You made my son super happy! His smile during his party is priceless. Thanks for always making our celebrations extra special! Teacher @teddymanuel thank you as always.”

Maliban sa colorful venue at iba pang activity na hinandan para sa mga bata, hindi rin nagpahuli ang mag-amang sina Zia Dantes at Dingdong na mag-alay ng song number sa birthday boy at mga guests nito.

Makikita rin na may bahagi na hawak ni Ziggy ang microphone na tila nagpapasalamat sa mga nagpunta sa kaniyang birthday party.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ziggy Dantes birthday and Easter celebration in Palawan

Samantala, maliban sa kid’s birthday party na hinanda nina Marian at Dingdong para sa anak na si Ziggy ay una na silang nagkaroon ng birthday celebration nito sa El Nido, Palawan. Doon ay parehong nag-share si Dingdong at Marian ng mga masayang larawan ng kanilang pamilya habang nagbabakasyon sa lugar.

Ganoon rin kung paano nila sinalubong ang Easter Sunday na magkakasama at buo ang kanilang pamilya.

Si Marian ay nag-post ng mga larawan habang kasama ang dalawang anak na sina Ziggy at Zia na tinawag niyang kaniyang "greatest blessings."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Marian Rivera's Instagram account

Habang si Dingdong naman ay nag-post ng larawan ng kaniyang mag-iina habang tinitingnan ang napaka-gandang view sa hotel room nila. May iniwan rin siyang mensahe sa nagdaang Easter Sunday tungkol sa pamilya.

“Easter reminds us of three important things: family, faith, and love. It’s a celebration of life and new beginnings.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Dingdong nitong nakaraang Easter Sunday celebration.

BASAHIN:

Dingdong Dantes sa pagpapalaki sa mga anak na sina Ziggy at Zia: “We want to make them live a normal life.”

Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: “Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.”

Marian Rivera biniro ni Urvashi Rautela sa pagkakaroon muli ng baby: “3rd one coming soon”

Birthday message ni Dingdong at Marian sa anak na si Ziggy

Image from Marian Rivera's Instagram account

Nito namang April 16, sa mismong araw ng kaarawan ni Ziggy ay nagbigay ng mensahe si Dingdong at Marian sa anak kalakip ang cute na larawan nito.
 
Si Marian nag-share ng mga cute na larawan ni Ziggy habang nakasuot ng straw hat at naglalakad sa beach. Mensahe niya sa tinawag niyang “sweetest boy” na si Ziggy ay sana huwag ito masyadong mabilis lumaki. Dahil ito ay labis na nagbibigay ng saya sa buhay ng kanilang pamilya.

“Happy happy birthday to my sweetest boy, Sixto! I’m so happy to see you grow and learn everyday. You bring so much joy into our lives. Please don’t grow up too fast! Love you anak!”

Si Dingdong, nag-share din ng picture ni Ziggy na ini-enjoy ang fresh at malamig na hangin sa beach habang siya ay hawak ng kaniyang inang si Marian Rivera.

Ang birthday message niya para sa anak ay may kasamang payo ukol sa katuparan ng mga pangarap nito pagdating ng araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Take it all in, my son. These will all help you turn your wonderful dreams into reality — dreams that will be more powerful than challenges that would lie ahead. Happy 3rd, Sixto!”

Reaksyon ng mga netizens

Syempre, hindi rin naman pinalampas ng mga friends at followers nina Marian at Dingdong ang bumati para sa birthday ng kanilang anak na si Sixto. Gaya nalang ng ilang celebrities na nagpaabot ng pagbati nila sa birthday boy.

Samantala, may ilang netizens naman ang napasana-all nalang sa mga post at larawan ni Marian kasama ang kaniyang masayang pamilya. Hirit nila, nasa aktres na ang lahat ng mahihiling ng isang tao kasunod ng pagbati nila kay Sixto o Ziggy.

“You have everything that anyone could ask for #blessed #pricelessmoments”

“Wow that genuine smile..One of the luckiest person,nasayo na ang lahat Queen. Godbless you Dantes Family.”

“Happy Birthday hansome little boy, Sixto”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement