Malapit nang matapos ang terrible twos, isang buwan na lang at ang iyong anak ay magdidiwang na ng kanyang ikatlong kaarawan. May plano ka na ba Mommy?
Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang maliit pa ang iyong anak ngunit ngayon ikaw ay nagpa-plano na para sa kanyang nalalapit na kaarawan. Dumaan ang mga araw kung saan tahimik lang siyang nakaupo sa stroller. Ngayon masaya siyang tumatakbo paroo’t parito sa karamihan na may ngiti, pagtataka at kagalakan.
Wala siyang kapaguran! Sa pagtatapos ng terrible twos, ano ang iyong inaasahan pagdating sa 35 buwan development milestone ng iyong anak.
May pagbabago kaya sa kanyang kakahayan? Ating alamin!
*Tandaan na ang development at paglaki ng bata ay magkakaiba. Kung may agam-agam tungkol sa paglaki ng iyong anak, huwag mag-atubiling komunsulta sa doktor.
35 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak?
Pisikal na Paglaki
Naaalala mo pa ba ang mga panahong nagsisimula pa lang maglakad ang iyong anak? Sa maikling panahon, ang paggapang sa hagdan hanggang matutunan niyang maglakad paakyat sa kanyang dalawang paa at makakababa ng mag-isa ay kamangha-mangha.
Makikitaan din ng malaking pagbabago sa kanyang kakayahang umakyat at pagtakbo lalo na sa panahong ito kung saan may kaluwasan na ang kanyang mga galaw.
Sa 35 buwan development ang paglalakad gamit ang isang balance beam ay hindi delikado mga Mommies, maaari ka niyang talunin sa larong ito gamit lamang ang isang paa! Pagsalo ng bola? Walang problema! Lalo na kung ito ay magaan at malaki.
Kapansin-pansin rin ang pagbaba ng bilang ng kanyang aksidente sa banyo, magandang senyales dahil unti-unti na siyang natututong magbanyo.
Kasabay ng paglaki ng iyong anak ang pagliban nito sa pagtulog sa hapon. Kakailanganin mo nang baguhin ang iyong iskedyul Mommy para hindi ka na mahirapan pa.
Sa pagtuntong ng iyong anak sa kanyang ika 35 buwan development, huwag kalimutang siya ay gabayan at paalalahanan sa paglalaro lalong-lalo na sa pag-akyat baba sa hagdanan.
Ang mga bata ay walang konsepto ng panganib kaya naman palagi silang paaalahanan sa kahalagahan ng kanilang siguridad at nangangailangan ito ng matiyagang pagpapaliwanag. Bantayan silang mabuti at tulungan sa kanilang mga bitbit na laruan upang tutok sila sa kanilang pagbaba sa hagdan.
Pagdating naman 35 buwan development ng kanyang motor skills, may kakayahan na siyang magbukas ng garapon at doorknobs. At ang paglalaro ng blocks ay madali na lang para sa kanya. Dahil lumalawak na ang kanyang kaalaman ang paglalaro ng structured games sa iba ay nakakabuti.
Maganda pa rin laruin ang puzzle ngunit ang mga laruang may panghikwat, pindutan at gumagalaw ay mas lalong pupukaw sa kanyang atensiyon.
Mga Gawaing Nakakatulong sa Pisikal na Paglaki ng Iyong Anak
- Ngayong marunong nang sumalo ng bola ang iyong anak panahon na upang lumabas at maglaro. Ang paggamit ng beach ball ay safe at madaling saluhin. Mas malaya makakapaglaro ang iyong anak kapag nasa labas, at hindi mo alalahanin ang mga mababasag niya kung meron man.
- Sa 35 buwan development, ang pagbabasa ay mahalaga. Hayaan ang iyong anak na kusang maglipat ng pahina kapag nagbabasa.
- Ang simpleng paggawa ng art ay hindi lamang magandang ideya, nakakatulong din ito para sila ay maging malikhain.
- Isang tip para mapakinabangan ang mga likha ng iyong anak ay gawin itong pambalot ng regalo. Bukod sa ikakatuwa niya ito nakakatulong pa sa kalikasan.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
- Kung ang iyong anak ay nahihirapang mag-balanse sa pag-akyat at pagbaba ng hagdanan.
- Hirap siyang maglaro kahit pa maliliit na bagay, ni hindi man lang siya makasalansan ng isang block.
- Kung ang iyong anak ay nasa 35 buwan development na ngunit hirap pa rin siyang balansehin ang katawan o hindi makatayo gamit ang isang paa kahit ilang minuto.
- Kung masyadong nang makulit ang iyong anak.
Pagsulong ng Kamalayan
Sa 35 buwan development, ang iyong anak ay nakakakilala na kulay, maaring meron na rin siyang paborito at kung nakakabilang na siya mula isa hanggang lima ito ay magandang senyales na sumusulong ng mabuti ang kanyang kaisipan.
Subukan mong huwag ikumpara ang kakayahan ng iyong anak sa iba. Tandaan na ang bawat bata ay magkakaiba at hindi masama kung nahuhuli siya sa ibang aspeto. Hayaan silang umunlad sa kanilang sariling sikap.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
- Kung ang simpleng pag-bibilog ay hindi niya kayang kopyahin.
- Sa edad nila, 35 buwan development, ay nakakaunawa na kahit isang simpleng tagubilin. Kung nahihirapan ang iyong anak sumunod kahit pa sa isang simpleng pangungusap, mabuting komunsulta sa doktor.
- Ang ibang bata sa panahong ito ay nag-eenjoy sa mga laruan kung ang iyong anak ay nagpapakita ng walang interes sa paglalaro nito, dapat mo na itong ikonsulta sa doktor.
Kakayahang Sosyal at Emosyonal
Sa pagpasok ng 35 buwan development, ang iyong anak ay nag-uumpisa ng magpakita ng pakikiramay at pag-aalaga sa iba, kagaya nang pag-aliw o pagbibigay ng tulong sa kapwa niya bata na malungkot. Dagdag dito ang pagiging palakaibigan mapa-bata o matanda man. Mas mapagbigay siya ngayon at nakikipag-halili kapag naglalaro.
Tandaan na sa kanyang edad nakokopya niya anumang gawin o sabihin nang mas nakakatanda sa kanya. Kaya Mommy bantayan ang iyong sinasabi.
Ang ika 35 buwan development, nakakaunawa na ang iyong anak kung ano ang konsepto ng ako, sayo at kanya. (mine, his at hers sa Ingles)
Sa lahat ng pagbabago at nakakapukaw na emosyon, maari mong matulungan ang iyong anak sa pamamagitan ng kung paano niya i-manage ang kanyang emosyon. Ang pagbibigay ng naaangkop, malinaw at madaling intindihin na rason ay makakatulong rin sa iyong anak.
Mga Gawaing Nakakatulong sa Kakayahang Sosyal at Emosyonal ng Iyong Anak
- Ipagpatuloy ang regular na ginagawa tulad ng paglalaro, ang pagbali sa nakasanayan ay makakagulo sa kanilang isip.
- Huwag matakot kung minsan gusto mong mag-isa ang iyong anak, ito ay makakatulong sa kanyang pagsasarili.
- Bigyan ng oras ang kanyang paglalaro katulad ng kunwa-kunwarian o pagtakbo-takbo sa paligid, ito ay nakakatulong upang siya ay matuto at lumaki.
- Sa pagbabasa naman, ipakita sa iyong anak kung paano mo maiuugnay ang karakter sa libro sa tunay na buhay.
- Kausapin at pakinggan ang iyong anak. Mainam na tanungin siya kung ano ang nangyari sa kanyang araw kasama ang mga kalaro at kung ano ang kanilang ginawa. Mabuti ito para ma-express niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na may kasamang emosyon.
- Para naman lumawak ang imahinasyon ng iyong anak, ang paglalaro ng kunwa-kunwarian at pag-aayos ay magandang bonding para sa’yo at ng iyong anak.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
- Ang batang nasa 35 buwan development ay kadalasang marunong ng makipagkapwa tao. Bagaman, ang ibang bata ay mas outgoing kaysa sa iba, at kung ang iyong anak ay mas gustong mapag-isa kaysa makipaglaro sa iba, senyales na ito na siya ay kakaiba.
- Kung ang iyong anak ay hindi makatingin ng mata sa mata – kahit pa sa kanyang kapamilya – komunsulta na sa iyong doktor.
Development sa Pananalita
Bagama’t hindi lahat ng batang nasa 35 buwan development ang may kakayahan sa kanilang pananalita, may ilang bata din naman ang nakakasunod. Ang iyong anak sa panahong ito ay may alam ng 900 salita at gumagamit na nang pangngalan, pang-uri, panghalip atbp.
Pero ang kanyang pinaka-paboritong salita ay “bakit”. Kaya asahan ang kanyang pagiging makulit at matanong na magtatagal ng ilang taon.
Sa kanyang 35 buwan development maririnig mo na silang kumakanta nang mga nursery rhymes ng paulit-ulit. Halos 75% ng pananalita ng iyong anak ang iyong maririnig. Ang mga batang may problema sa kanilang pandinig at pananalita ay nangangailangan ng agarang therapy.
Mga Gawaing Nakakatulong sa Development sa Pagsasalita ng Iyong Anak
- Suportahan ang iyong anak sa kanyang development sa pananalita sa pamamagitan ng matiyagang pagbabasa sa kanya araw-araw.
- Ang simpleng pagkanta at paglalaro ng rhyming games ay isang magandang ideya para mapaunlad ang kanyang pagsasalita at kung paano niya bigkasin ang isang salita.
- I-limit sa isang oras ang kanyang panonood ng telebisyon bagkus hikayatin siyang manood na lamang ng mga educational programme.
- Halos ang ibang batang nasa 35 buwan development ay nakakapagsalita na nang isang pangungusap, gayon pa man hindi lahat gumagamit ng tamang grammar.
- Palagi mong tatandaan Mommy, “patient is key”, kaya naman maging matiyaga sa pag sagot sa kanyang bawat tanong.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
- Kung ang iyong anak ay nahihirapang magpaliwanag
- Walang kakayahan o hindi makatingin nang mata sa mata.
- Nahihirapang magsalita kahit isang maikling pangungusap o hindi makakilala ng parte ng katawan ng tao, hugis at sukat.
Kalusugan at Nutrisyon
Sa 35 buwan development, apektado ng lahi ang tangkad at timbang nang iyong anak, kadalasan sa edad nilang ito sila ay may tangkad na 88.1 hanggang 102.7 sentimetro at may timbang na 11.2 hanggang 18.1 kilo.
Pagdating naman sa pag-abot ng kanyang potensyal sa pisikal, emosyonal at mental, maari mo siyang matulungan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya nang tamang nutrisyon.
Sa nutrisyon, ang iyong anak ay dapat nakakakuha ng 1000 kilo ng calories kada araw (maari mong dagdagan hanggang 400 kilo ng calorie kung ang iyong anak ay sobrang bibo).
Kailangan din nang iyong anak ang tatlo hanggang limang onsa ng grains kada araw. Ang 1 ounce ay katumbas ng 1 slice ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat-cereal, o kalahating tasa ng kanin, pasta o cereal.
Isa pang kailangan ng iyong anak ay ang pagkain ng gulay. Sa 35 buwan development, kailangan niya ang 1 hanggang 1 ½ tasa ng hilaw o lutong gulay kada araw.
Pagdating naman sa prutas, iwasan ang pagpapa-inom ng artificial juice (bukod sa sangkap nitong asukal, hindi rin sapat ang ibinibigay nitong fiber). Limitahan din sa kalahating baso (4-6 oz) ang pagpapa-inom ng fruit juice sa iyong anak. Tandaan, ang isang bata ay dapat nakakatanggap ng 1 hanggang 1 ½ tasa ng prutas kada araw.
Bilang siya ay nasa 35 buwan development, mahalaga ang pag-inom ng low-fat na gatas o pagkain ng fat-free na mantikilya. Siguraduhing nakaka-inom siya ng 2 hanggang 2 ½ tasa ng gatas para sa pagpapatibay nang kanyang buto.
Kailangan din niyang makakuha ng 2 hanggang 4 ounces ng protina para sa pagpapatibay ng kanyang mga kalamnan. Halimbawa ng mga pagkaing sagana sa protina ay itlog, karne, lamang dagat, soy, mani at mga beans.
Sipon ang madalas na sakit ang mararanasan nang iyong anak, imbes na umasa sa mga tabletas subukan ang mga alternatibong gamot katulad ng saline drops o spray upang maibsan ang pagbabara ng sipon at paggamit ng aspirator para matanggal ang extrang uhog. Sa loob ng 5-7 araw ay dapat magaling na ang iyong anak.
Ang gastroenteritis, hand- foot and mouth disease, fifth disease, bulate at lagnat ay ilan lamang sa mga sakit na maaring dumapo sa iyong anak — napakahalangang nabakunahan ang iyong anak laban sa mga sakit na ito.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
- Kung ang pagsusuka at pagtatae ay tumagal ng ilang oras, maaring ma-dehydrate ang iyong anak, agarang pumunta sa doktor
- Huwag mag-panic kung nililagnat ang iyong anak – hindi lahat ng lagnat ay masama sa bata, ibig sabihin lamang nito ay nilalabanan ng kanyang immunte sytem ang impeksyon. Pumunta sa doktor lalo na kung pumalo sa 40*C (104*F) ang temperatura ng iyong anak at may kasamang pamamantal, hirap sa paghinga, at pagsususka.
- Mas makabubuting pumunta sa doktor lalo na kung ang sipon ng iyong anak ay nahihirapang huminga, pananakit ng tenga at tumagal nang mahigit isang linggo.
- Komunsulta sa doktor kapag ang pamamantal ay may dalang hapdi o kirot at ang pantal ay sagad hanggang balat. At kung ang iyong anak ay nanghihina at hindi madala sa gamot.
- Normal sa isang 35 buwan development na bata ang mawalan nang gana sa pagkain kapag sila ay may sakit. Ngunit pagdating ng dalwang araw at wala pa rin siyang gana kumain, mainam ng pumunta sa doktor.
Pagkatapos ng 35 buwan development ng iyong anak, handa ka na ba Mommy sa kanyang pagpasok sa isang bagong kabanata? Huwag magtampo, dahil mananatili ang iyong pagmamahal at pagtitiyaga ang susi sa kanyang pag-unlad.
Huwag ikagulat kung isang araw, ang iyong anak ay may ilang kaalaman binabahagi niya sa’yo.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz
Source: WebMD
Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 34 buwan
Ang susunod na buwan ng iyong anak: 36 buwan (3 taon)