X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

9 na uri ng vaginal odor at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan

7 min read

Karaniwang ang pagkakaron ng vaginal odor, pero marami sa mga kababaihan ay umiiwas na mapag-usapan ito. Kabado din ang iba na sintomas ito ng isang seryosong kondisyong medikal.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 9 na uri ng vaginal odor at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan
  • Payo ng mga eksperto

Pero ayon sa mga doktor, walang dapat ikabahala, at hindi rin dapat ikahiya ang  vaginal odor — maliban na lang kung may makikitang red flag.

amoy ng vagina

Kapag ang vaginal odor mo ay amoy yeast, malamang mayroon kang yeast infection na kailangan ng medikasyon. | image courtesy: dreamstime

Ayon sa American College of Obstreticians and Gyneacologists (ACOG), mayrong amoy na normal lang. Kung malakas ang amoy at sumisingaw kahit nakadamit, maaaring impeksiyon ang sanhi.

Halimbawa, ang malansang amoy ay maaaring abnormal at hudyat ng sakit. Kung ito ay may kasamang pangangati at discharge, kailangang ikunsulta agad sa doktor.

Ano nga ba ang mga vaginal odors na dapat ikabahala? Pawis lang ba, o mayroon nang medical condition na dapat ikabahala?

9 na uri ng vaginal odor at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan

9 na uri ng vaginal odor at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan

Larawan mula sa iStock

1. Musky

Ang amoy ng ari ay depende sa pisikal na gawain ng isang babae. May mga aktibo sa sports at sa gym, kaya madaling mag-amoy pawis.

Bagama’t normal ito, hindi ito kaaya-aya kaya’t parang gusto mong takpan ng amoy ng pabango, halimbawa. Hindi makakatulong ang anumang spray, pabango, deodorant, cologne o douche, bagkus makakasama pa ito.

Ito ay sanhi ng labis na pagpapawis. Makakatulong ang paliligo pagkatapos ng anumang gawain na pinapawisan ka tulad ng ehersisyo. Magsuot ng mga komportableng damit, lalo na ang cotton underpants.

2. Malansang parang isda

amoy ng vagina

Larawan mula sa iStock

Kung malansa ang amoy, maaaring may impeksiyon ito. Palaging maghugas ng ari pagkatpos ng pakikipagtalik, kung napapansin na may masansang na amoy na ito. Dapat ding ikabahala kung may dumadaming discharge na. Ito ang sintomas ng bacterial vaginosis.

Ito ay isang mild infection ng vagina kung saan hindi balanse ang masama at mabuting bacteria. Nagagamot ito ng antibiotics, at kailangang iwasan ang ilang gawain tulad ng pagkakaron ng higit sa isang sexual partner at paninigarilyo.

Kung may napapansing berdeng vaginal discharge, maaaring ito ay trichomoniasis. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ito ay isang impeksiyon na may protozoan parasite na tinatawag na Trichomonas vaginalis.

Bagama’t ang mga sintomas ng sakit ay iba iba sa bawat tao, karamihan sa mga naapektuhan ng parasite na ito ay hindi alam na may impeksiyon sila.

If you notice any itching, burning or soreness of the genital or a burning sensation while urinating, it could be due to trichomoniasis.

May gamot para dito, kaya’t dapat ikunsulta sa doktor bago pa lumala. Maaaring magreseta ng antibiotic para dito.

3. Bleach o chlorine

9 na uri ng vaginal odor at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan

Amoy ng vagina. | Larawan mula sa White photo created by azerbaijan_stockers – www.freepik.com

Ang paggamit ng condoms o lubricant ay maaaring maging sanhi ng amoy sa ari ng babae—amoy na parang bleach o chlorine. Walang dapat ikabahala, ayon sa mga doktor. Siguraduhing bago ang mga condom at lubricant na gagamitin sa susunod.

Tandaan, huwag piliting linisin ng douche o anumang solution ang loob ng ari, nang hindi kinukunsulta sa doktor. Ang amoy ay hindi nanggagaling sa loob ng ari. Lalong hindi ito sintomas ng anumang medical condition.

Hugasan ng maligamgam na tubig at mild soap ang ari sa tuwing pagkatapos makipagtalik, lalo kung gumagamit ng condom o lubricant. Kung hindi maalis ang amoy, ikunsulta agad sa doktor.

4. Amoy yeast o amag

Tila ba amoy yeast o ng amag ang iyong vagina?

Partner Stories
Learn from the experts: Teachers share practical advice to  make online learning a success for you and your kids
Learn from the experts: Teachers share practical advice to make online learning a success for you and your kids
Get creative, have fun with your kids at home with Club Knots
Get creative, have fun with your kids at home with Club Knots
First Look: Celebrity Mom Nikki Gil-Albert Gives us a Glimpse of her Life at Home
First Look: Celebrity Mom Nikki Gil-Albert Gives us a Glimpse of her Life at Home
How can you #livebetter to see your kids grow up happy? Real parents weigh in
How can you #livebetter to see your kids grow up happy? Real parents weigh in

Tandaan na natural na may yeast o amag ang ari. Pero kung dumadami kaysa normal na bilang dahil sa artificial lubrication, spermicide o paggamit ng antibiotics, o minsan pa ay dahil sa pagbubuntis, maaaring maging sanhi ito ng yeast infection.

amoy ng vagina

Larawan mula sa Food photo created by jcomp – www.freepik.com

Ayon sa ACOG, ang yeast infection ay sanhi ng sobrang pagdami ng yeast sa ari ng babae dahil sa paggamit ng lubricants, spermicides, o antibiotics (nasisira ng mga ito ang “good” bacteria ng vagina), o pagbubuntis.

Kapag may ganitong kondisyon, may makapal na discharge o lumalabas sa ari na kulay puti at parang cottage cheese. Pangangati ng ari at mahapding vulva ang karaniwang nararamdaman kapag may yeast infection.

Ang pinakaepektibong solusyon ay isang anti-yeast na gamot na maaaring ireseta ng doktor. Inilalagay ang gamot sa loob ng ari, o kaya binibigay na parang tableta. Kapag napansin nang kakaiba ang lumalabas sa ari, ikunsulta agad sa doktor.

BASAHIN:

#AskDok: Ano ang sanhi ng mabahong vaginal discharge ko?

May kinalaman ba ang vaginal discharge sa pagkakaroon ng cervical cancer?

Vaginal odors: How to sniff out if something’s wrong down there

5. Metallic

Kung may amoy na parang metal o lata ang ari, maaaring hudyat ito na magkakaron na ng buwanang dalaw. Madalas kasi, ang menstrual blood ay humahalo sa natural na amoy ng healthy vagina, kaya’t nangangamoy na parang lata o metal.

Maaari ding dahil din ito sa semen ng lalaki na pumapasok sa ari kapag nagtatalik.

Alin man sa dalawa ang dahilan, nagiging sanhi ito ng pagbabago sa pH balance ng ari. Hugasan lang ang ari nang mabuti, at mawawala din ang amoy. Ang ganitong amoy ay hindi dapat ikabahala.

6. Matamis

Kakaiba o minsan bihara na ang amoy ng vagina ay matamis. Subalit sa lahat ng mga amoy ng ari, ito ang hindi ikinababahala ng marami.

Matamis nga naman, kaya walang masama hindi ba? Ang kinakain sa araw araw ang maaaring sanhi ng amoy na ito.

Kapag kumakain ng prutas na citrus tulad ng pinya, orange, at grapefruit, napapatamis ang amoy at lasa ng vaginal fluids. Kung hindi masaya sa amoy na ito, itigil lang ang labis na pagkain ng mga nabanggit.

7. Bawang o sibuyas

Katulad ng amoy na nakukuha sa citrus fruits, may amoy na nakukuha din sa gulay tulad ng sibuyas, bawang, asparagus, at curry, halimbawa.

amoy ng vagina

Larawan mula sa Vegetables photo created by jcomp – www.freepik.com

Hindi ito kasing kaaya-aya ng amoy ng prutas, kaya’t nakababahala. Ang magandang balita? Hindi ito sintomas ng anumang kondisyon.

Tulad ng sa prutas, kailangan lang bawasan ang pagkain ng mga nasabing gulay.

8. Kemikal o ammonia

Ang ihi natin ay may ammonia. Mas nagiging prominente ito kung hindi umiinom ng sapat na tubig sa buong maghapon o kung hindi hinuhugasan ang ar ng mabuti.

Dumadagdag ang konsentrasyon ng ammonia sa katawan, kaya naman may naiiwang amoy kapag umiihi. Ang isa pang maaaring sanhi ay bacterial vaginosis (BV).

Tulad ng nabanggit, ang BV ay sanhi ng hindi balansend masama at mabuting bacteria. Bukod sa malansang amoy, may amoy ammonia din.

Para matanggal ang amoy, uminom ng hindi bababa sa 10 baso ng tubig sa araw araw, at hugasan ng mabuti ang ari tuwing pagkatapos umihi.

9. Nabubulok na karne

Kapag naiiwan nang matagal ang mga feminine hygiene products sa ari, nangangamoy din ito. Ganoon din kapag  hindi napapalitan ang sanitary napkin o tampons ng higit sa dapat na oras kapag may regla, nag-iiwan ito ng masangsang na amoy.

Isa na rin sa dahilan ay kapag nababad ang tampon o napkin sa ari, may namumuong mga bad bacteria. Kapag hindi natanggal agad ang tampon, maaaring magkaron ng toxic shock syndrome.

Ganito din ang mangyayari kapag gumagamit ng mga sex toys na ipinapasok sa ari. Siguraduhing walang naiiwan sa loob ng ari pagkatapos gamitin ang mga ito.

May mga insidenteng nangyari kung saan nakaamoy ang isang babaing bagong panganak ng mabahong amoy, na parang nabubulok na karne sa loob ng ari. Pinatingin ito agad sa doktor, at nalamang may naiwan na gauze bandage sa loob, mula sa panganganak nito.

Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR orihinal na artikulo

Source:

Bustle, Cosmopolitan, Health Central

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Deepshikha Punj

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • 9 na uri ng vaginal odor at ang ibig sabihin nito tungkol sa iyong kalusugan
Share:
  • Vaginal odor: 9 different types you must know about

    Vaginal odor: 9 different types you must know about

  • 10 tips upang maalagaan ang kalusugan ng iyong vagina

    10 tips upang maalagaan ang kalusugan ng iyong vagina

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Vaginal odor: 9 different types you must know about

    Vaginal odor: 9 different types you must know about

  • 10 tips upang maalagaan ang kalusugan ng iyong vagina

    10 tips upang maalagaan ang kalusugan ng iyong vagina

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.