Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Ang tahimik nilang pagsasama biglang nayanig ng katotohanan ng ninais ng mister na mag-donate ng kidney para sa misis niyang may sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi kaila sa kaalaman ng isang lalaki na siya ay ampon sa pamilyang nakalakihan. Hindi tulad ng mga nakasanayang takbo ng istorya sa mga telenobela naging maayos ang pagpapalaki ng pamilyang kinalakihan ng naturang lalaki.

Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral at nagkaroon ng sarili niyang pamilya. Pero tila nag-fastforward ang lahat sa buhay ng lalaki nang malaman niyang ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak ay kapatid niya pala. Narito ang kaniyang kuwento.

Kuwento ng ampon na lalaki na walang kaalam-alam na ang misis niya ay kapatid niya pala

Isang Reddit user ang nagbahagi ng kaniyang kuwento na talaga nga namang nakakabigla at ni sa panaginip ay hindi inakala.

Sa ngayon ay burado ng post sa Reddit ay ibinahagi niya ang nakakagulantang na katotohanang nagpabaligtad ng mundo niya sa isang iglap.

Dahil ayon sa Reddit user nalaman niyang ang babaeng kaniyang pinakasalan at nanay ng dalawa niyang anak ay kapatid niya pala.

Kuwento ng Reddit user, nalaman niya ang katotohanan ng mangailangan ng kidney transplant ang misis niya. Ito ay matapos magkaroon ito ng malubhang sakit matapos maipanganak ang bunso nila na isang lalaki.

Dahil sa walang makuhang good match mula sa pamilya ng kaniyang misis ay nagdesisyon ang lalaki na sumailalim sa mga tests. Ito’y para matukoy kung puwede niyang i-donate ang isa niyang kidney sa kaniyang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 Larawan mula sa Freepik (Image by DCStudio on Freepik)

Nang lumabas na nga ang resulta ng mga test ay agad na tinawagan ng doktor ng kaniyang misis ang lalaki. Magandang balita nito, ang kidney nila ng kaniyang misis ay perfect match.

Pero kinakailangan pa raw sumailalim sa iba pang test ng lalaki. Dahil ayon sa doktor “abnormally high match percentage” daw ang naging resulta ng HLA (human leukocyte antigen) tissue test result nilang dalawa. Dito na naguluhan ang lalaki na kinailangan ng mas malalim pang paliwanag mula sa doktor.

Pagpapatuloy ng lalaki, paliwanag ng kaniyang doktor, ang DNA ay napapasa ng magulang sa anak. Ang magulang at anak ay may tendency na magkaroon ng hindi bababa sa 50% DNA match.

Habang ang mga magkapatid ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng DNA match na aabot sa 100%. Sa kaso ng lalaki at kaniyang misis ay ganito ang nangyari.

“I was shocked and confused. He explained that because of how DNA information is passed down through generations a parent to a child could have at least a 50 percent match and siblings could have a 0-100 percent match. It was rare to have a high match as husband and wife. I asked what does that mean.”

Ito ang pahayag ng lalaki sa Reddit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman mula sa resulta ng mga test na kaniyang ginawa, nagkaroon ng nakakabiglang konklusyon ang doktor. Ito ay ang malaking posibilidad na kapatid ng lalaki ang kaniyang misis.

Ang posibilidad na ito ay hindi naman kinuwestyon pa ng lalaki sapagkat hindi kaila sa kaniya na ampon siya sa kinalakihang pamilya.

Noong oras na ipinganak siya ay agad siyang pinaampon at wala siyang ideya tungkol sa tunay niyang pamilya. Hanggang sa ngayon ng malaman niya ang pinakanakakagulat na twist sa kuwento ng buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

(Image by wavebreakmedia_micro on Freepik)

Kuwento pa ng lalaki, six years niya ng asawa ang misis niyang kapatid pala niya. Sila ay mayroon ng dalawang anak. Nakilala niya umano ito walong taon na ang nakakaraan ng madestino siya sa trabaho sa hometown ng kaniyang misis.

Doon niya ito nakilala at sa kada pagbalik niya ay mas naging malapit siya dito. Hanggang sa mabigyan siya ng pagkakataon na magtrabaho sa naturang lugar for good.

Kapalit ng magandang posisyon na may magandang suweldo ay doon na nanirahan ang naturang lalaki. Sunod niyang pinakasalan ang babaeng kapatid pala niya na ina rin ng dalawa niyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming tanong sa isipin ngayon ng lalaking nag-post nito sa Reddit. Hindi niya rin alam kung itutuloy pa rin ba niya ang pagsasama at relasyon nila ng kaniyang misis, dahil sila pala ay magkapatid din. 

Bakit mahalagang makilala muna ng maigi ang iyong partner bago ang pag-aasawa?

Image by Freepik 

Ang nangyari sa lalaki at misis na kapatid niya pala ay isa sa pinakamagandang halimbawa kung bakit kailangang makilala muna ng maigi ng magkapareho ang isa’t isa bago ang pag-aasawa.

Napakahalaga na malaman ang mga pinakamahalagang impormasyon tungkol sa iyong asawa at kaniyang pamilya. Dapat din ay makilala ninyo ang bawat miyembro ng pamilya niyong kinabibilangan.

Ito ay upang hindi lang maiwasan ang mga pangyayari tulad ng nabanggit, kung hindi para narin sa takbo ng inyong pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang nabanggit na kuwento ay isang mahalagang halimbawa rin ng kahalagahan ng pag-uusap o open communication sa pagitan ng magkapareho.

Malaking bagay ang nagagawa ng pagsasalita at pakikinig. At higit sa lahat ang pagiging matapat o honest sa taong napili mong magong malaking bahagi ng iyong buhay sa katauhan ng pagiging isang asawa.