Andi Eigenmann sa 31st birthday ni Philmar: “Really glad to share this life with you”

Si Andi at Philmar kasama ang mga anak nilang sina Lilo at Koa ay kasalukuyang ngayong nasa India.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Andi Eigenmann may sweet na mensahe sa fiancé na si Philmar Alipayo sa 31st birthday nito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mensahe ni Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo sa 31st birthday celebration nito.
  • Bakasyon ng pamilya ni Andi at Philmar sa India.

Mensahe ni Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo sa 31st birthday celebration nito

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo ngayong Agosto 17. Si Andi may espesyal sa mensahe kay Philmar na kaniyang ibinahagi sa Instagram.

Ayon kay Andi, masaya siya na ma-celebrate nila ng magkasama ng birthday ni Philmar. Pero higit sa lahat masaya siya na ito ang kasama niya ngayon sa pagharap niya sa lahat ng ligaya at pagsubok sa buhay.

 

“Today, we celebrate you, papa! HAPPIEST BIRTHDAY! Really glad to share this life with you.? Through life's wins and losses, we'll be here cheering for you all the way!”

Ito ang bungad ni Andi sa mensahe niya kay Philmar.

Dagdag pa ng aktres, hinahangaan niya ang dedikasyon ni Philmar sa kaniyang mga ginagawa. Pati na ang kabaitan nito na nangugunang dahilan daw sa nag-uumapaw ng blessings na dumadating sa kaniyang buhay. Sa huli, si Andi ipinaabot ang pagmamahal niya  kay Philmar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Philmar Alipayo

“I will always admire the dedication and heart that you put into everything you believe in, and how generous you are with your blessings. You deserve all the good that comes your way, mahal. Love you!”

Ito ang mensahe pa ni Andi.

Bakasyon ng pamilya ni Andi at Philmar sa India

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kasalukuyan sina Andi at Philmar ay nasa India kasama ang mga anak nilang si Lilo at Koa. Sila ay nandoon para masaksihan ang international surfing competition na ginaganap sa bansa. Base sa mga post ni Andi ay makikita na labis na nag-eenjoy ang mga anak niyang sina Koa at Lilo sa kanilang bakasyon. Pati na syempre si Andi na makikitang enjoy din sa beach kasama ang mga anak at syempre ang fiancé niyang si Philmar.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement