Ano ba ang dapat gawin kapag pinipintasan ang anak?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- 10 panlalait sa baby na natanggap ng mga nanay
- Ilang paliwanag mula rito
Bilang mga nanay, likas na sa atin ang ipagtanggol o alalayan ang ating mga anak kung kailangan nila ng tulong ng isang magulang. Subalit paano kung nilait ng ibang tao ang iyong walang kamalay-malay na baby?
Sa paglipas ng panahon, kasabay nito ang pag-unlad ng teknolohiya pati na rin ang lipunan. Subalit nananatili at patuloy pa rin na dumadami ang mga insensitive na tao—na tila ba hindi nakakasakit sa binibitawan nilang mga salita.
Ipagtanggol ang anak mula sa pagpipintas ng ibang tao. Oo, marapat lang na gawin. Subalit mas maganda pa rin ‘di ba kung walang taong nagsasabi ng mga salitang ito?
10 panlalait sa baby na natanggap ng mga nanay
Mula sa theAsianparent community, lakas loob na ibinahagi ng ating TAP moms ang worst na salitang natanggap nila sa ibang tao bilang “panlalait” sa kanilang anak.
Moms, kung nababasa mo ito, may karamay ka. Hindi ka nag-iisa.
1. “Ang liit naman ng baby mo!”
Karamihan sa ating TAP moms, ito ang sinabi.
“Payat si baby.” “Kulang daw ‘yung nutrients na nakukuha ni baby sa breastmilk kaya payat siya.” “Ang payat mo! Wala bang makain sa bahay niyo?”
Totoo namang iba-iba ang laki at timbang ng mga sanggol kapag sila ay ipinanganak. Nakabase ito sa kalagayan o kondisyon ng ating mga moms. Paliwanag ng siyensya rito, maaaring maliit o hindi pasok sa average weight ang isang sanggol kapag lumabas dahil sa mga kadahilanang:
- Pagkakaroon ng problema sa placenta
- Pagkakaroon ng mahigit isang sanggol sa tiyan (twins, triplets at higit pa)
- Impeksyon sa matris
Ngunit tatandaan na hindi ibig sabihin na maliit ang isang sanggol ay naiiba na ito sa lahat. Hindi dapat bigyan ng diskriminasyon o ibang pakikitungo ang mga bata dahil hindi ito katulad ng iba.
Ang bawat sanggol ay may iba’t ibang paraan ng paglaki. Lahat ay may kaniya-kaniyang landas na dadaanan. Ang mahalaga ay lumaki sila ng malusog at tama.
BASAHIN:
REAL STORIES: “Pinipintasan na maitim ang baby ko dahil hindi mana sa kulay naming mag-asawa.“
REAL STORIES: “After I lost my first born to leukemia in 2004, I longed to become a mom again”
2. “Panget daw baby ko at saka maitim.”
“Pango, maitim, malaki mata at saka payat daw.” “Pango raw at hindi sa akin nakuha ang kulay.”
Kwento ng isang TAP mom, magdadalawang buwan pa lamang noon ang kaniyang anak nang nakakarinig na siya ng panlalait. “Turning two months palang baby ko. Dami ko na naririnig na pintas sa side ng Tatay niya. Negneg daw. Eh kami ni hubby maputi. ‘Yung pagkalabas pa lang niya sa akin kasi CS ako, sabi ba naman parang pusa daw.”
Bukod pa rito, nakarinig pa siya na malaki raw ang nguso ng kaniyang anak.
Sa likod ng kaniyang mga naririnig laban sa kaniyang baby, nanatili pa rin itong positibo at malakas. “Hindi nila alam pag hihirap ko. Minsan feeling ko PPD na ako pero nilalabanan ko iniisip ko na lang ‘yung baby ko.”
3. “Karma ko raw ang baby ko.”
Malungkot na ibinahagi ng isang TAP mom ang mga salitang masasakit na sinabi mismo sa kaniya ng kapatid nito. “Karma ko raw ang baby ko.”
Wala na siyang iba pang dinetalye ngunit alam niya sa kaniyang sarili na hindi totoo ang sinasabi sa kaniya ng iba. Para sa kaniya, isa itong blessing na ibinigay sa kaniya. “‘Yung baby ko ay blessing sa’min ni hubby kasi sinuwerte si hubby sa work niya simula nang malaman namin na buntis ako.”
4. “Ang laki ng bunganga.”
Ayon sa kuwento ng isang TAP mom, sa bibig mismo ng kaniyang nanay nanggagaling ang pamimintas na ito sa kaniyang baby. Kahit na mabigat sa pakiramdam ito, mas pinili na lang niyang ‘wag nang magsalita pa. Dagdag pa niya,
“Kinimkim ko lang wala akong sinabi. Nagka-PPD ako dahil sa nanay kong pintasera.”
Sa kabila ng kaniyang pinagdaanan, hindi niya nakalimutang magdasal at maging positibo. “Buti sobrang mahal ng inlaws ko si baby.” ayon pa sa kaniya.
5. “Ang pangit eh, kamukha mo.”
Mahirap tanggapin ang panlalait mula sa ibang tao. Ngunit paano na lang kung galing ito mula sa bibig mismo ng iyong asawa? Isang TAP mom ang nagbahagi ng kaniyang naging karanasan sa usaping ito.
Ayon sa kaniya, pangit at kamukha raw niya ang kaniyang anak. Mula ito mismo sa kaniyang asawa. “”Ang pangit eh kamukha mo” galing pa mismo sa tatay ng baby ko.”
6. “Everytime they asked me whats her milk, I tell them that it was formula, like they will be shocked.”
Mula sa isang TAP mom, ibinahagi rin nito ang kaniyang naging struggle sa breastfeeding.
“I want my baby to nourish on breastmilk, but mine was capable enough to have on my baby. I did my best latch fully for her, but i wasn’t. Kulang na kulang.”
We all know na breastfeeding is best for babies. Ngunit kailangan din nating tandaan na mayroong ibang moms na hindi kayang makapag-provide ng enough na gatas para sa kanilang baby kaya naman lumilipat sila sa formula milk.
Dahil sa pangyayaring ito, nagkakaroon din ng “judgement” sa mga formula milk moms. Tila ba hindi iniintindi ang rason sa likod nito. “Dapat breastmilk para iwas sakit.” parating naririnig nila.
May isang TAP mom naman ang nagbahagi ng kaniyang pang-unawa sa nararanansan ng kapwa TAP mom. “There are really moms out there who can’t produce enough breastmilk and that’s OKAY. Stop pressuring them to produce because that will add more to the stress. Saying formula-fed babies will not be healthy is arrogance. You’re too conceited.”