Viral baby sa palanggana ligtas mula sa naging pagbaha sa Cagayan at kasalukuyang nakikitira sa kaanak.
Nagpaunlak ng interview ang kaniyang nanay na si Romelyn Tabalno.
Image from Romelyn Talbana’s Facebook account
Safe na safe si baby sa palanggana!
Nitong Huwebes ay nag-viral sa social media ang larawan ng isang sanggol sa loob ng palanggana. Hindi ito dahil sa pinaliguan ang bata sa palanggana. Kung hindi upang masigurong ligtas siya habang itinatawid sa tumataas na tubig baha sa Lal-lo, Cagayan na epekto ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Ang sanggol ay tatlong buwan pa lamang at nagngangalang Ayla.
Kuwento ng ina ng sanggol na si Romelyn Tabalno, 25-anyos, naisipan nilang ilagay sa palanggana si Baby Ayla upang masigurong safe ito at hindi mababasa. Dahil noon ay mabilis ang pagtaas ng tubig baha at abot kili-kili na nila. Natatakot sila na maaring mabitawan pa ito kung kanilang kakargahin pa.
“Habang tumatawid po kami, natakot at nangamba po ako sa kaligtasan niya. Doble ingat po kami kasi maagos ang tubig baha at abot hanggang kilikili po at umuulan pa. Mabilis po ang paglaki ng tubig sa sandaling iyon.”
“Mga 30 minutes po bago kami nakarating sa mataas na lugar. Ang partner ko po ang naghawak kay baby sa palanggana. At ang panganay na anak ko po karga ko sa ulo or batok ko po ng panahon na yun.”
Ito ang pagkukuwento ni Romelyn.
Mga malls sa Metro Manila na bukas para sa mga naapektuhan ng Typhoon Ulysses
Couple ikinasal pa rin kahit sinira ng Typhoon Ompong ang venue
Jericho Rosales at Kim Jones, tumulog sa rescue gamit ang surf boards
Si baby sa palanggana bilang mukha ng pag-asa sa gitna ng bagyo.
Ang nakakalungkot at nakakaawang tagpo na ito sa buhay nila Romelyn ay kinuhanan niya ng larawan. Ito ay kaniyang nilagay ng caption na salitang “piman” o nakakaawa sa Tagalog.
Hindi niya akalaing mag-viviral ito at titingnan ng iba bilang larawan ng pag-asa sa gitna ng kalamidad tulad ng Typhoon Ulysses.
“Ang pangamba, awa at lungkot ko po ay napalitan ng tuwa po na naging viral ang photos ni baby. At madaming na-inspire, nag-malasakit at handang tumulong samin.”
Ito ang pahayag pa ni Romelyn.
Sa ngayon, ayon parin kay Romelyn, ang kaniyang anak na si Ayla na tinaguriang baby sa palanggana ay ligtas na. Sila ay matagumpay na nakalikas sa mataas na lugar.
“Safe na safe po ang aming baby na nasa palangganaMaraming Maraming salamat po sa mga dasal,malasakit at tulong nyo po…Godbless you poMag ingat po tayong lahat
#babysapalanggana2020”
Ito ang pahayag ni Romelyn sa kaniyang Facebook account.
Dahil sa naging karanasan ay may natutunan at paalala si Romelyn sa iba pang mga magulang.
“Bilang isang magulang mahalaga po na maging handa tayo sa ganitong sitwasyon. Payo ko po sa kapwa ko magulang na dapat tiyakin na ligtas ang mga anak. Sana hanggat maaga pa ay lumikas na.”
Ito ang paalala ni Romelyn sa mga magulang na tulad niya.
Sa ngayon sila Romelyn kasama si baby palanggana at kaniyang pamilya ay nakikituloy muna sa kaniyang biyenan. Sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong sa kanila ay maari siyang kontakin sa kaniyang numero na 0906-6610714.
Image from Romelyn Talbana
Paano masisigurong ligtas ang iyong pamilya sa panahon ng kalamidad?
Image from UNICEF
Para masigurong ligtas ang iyong pamilya sa panahon ng kalamidad. Narito ang ilang tips at paalala ng dapat mong gawin.
1. Manatiling informed o may kaalaman sa mga nangyayari sa inyong paligid.
Gawin ito sa pamamagitan ng pakikinig ng balita sa radyo o panonood ng TV. Makinig rin sa mga paalala at warning mula sa local authorities’ ng inyong lugar. Kung sakaling sila ay nag-anunsyo na kailangan ng lumikas, makinig at gawin ito agad para masiguradong ligtas ang inyong pamilya.
2. Kausapin ang iyong pamilya at bumuo ng evacuation plan.
Wala pa man, mainam na makipag-usap na sa iyong pamilya sa inyong gagawing evacuation plan sa oras na may tumamang kalamidad sa inyong lugar. Magkaroon ng plano sa kung ano ang inyong gagawin. At kung saan kayo magpupunta o magkikita-kita sa oras na kayo ay magkahiwa-hiwalay.
3. Maghanda ng emergency kits na madali ninyong magagamit o mabibitbit sa oras ng kalamidad.
Mabuting maghanda rin ng emergency kits na naglalaman ng flashlight, batteries, first aid supplies at iba pang mahahalagang gamit. Tulad ng ID’s, biscuit, tubig, pamalit na damit at pagkain. Ang mga ito ay makakatulong upang makahingi kayo ng tulong kung kinakailangan. O kung nawalan ng kuryente at hindi makabili ng pagkain dahil sa nararanasang kalamidad.
4. Magpunta sa pinakaligtas na bahagi ng inyong bahay sa oras ng kalamidad.
Sa oras na may pagbaha sa inyong lugar ay agad na magpunta sa pinaka-mataas na bahagi ng inyong bahay. Kung may lindol naman ay agad na magtago sa isang gamit sa bahay na mapoprotektahan kayo mula sa bumagbagsak na kagamitan o bahagi ng inyong bahay. Maari ring lumabas ng bahay na malayo sa kahit anumang bagay na maaring bumagsak sa inyo. Ngunit ang pinaka-mainam na gawin ay ang laging makinig sa mga anunsyo at babala ng awtoridad sa inyong lugar. At agad na lumikas kung kinakailangan.
Source: Protect Your Home
Photo: Facebook
BASAHIN: 12-days-old na sanggol napuno ng kagat ng daga sa mukha sa gitna ng bagyo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!