Pagkaing matatamis, bakit nga ba bawal sa buntis?

Narito ang mga mahahalagang kaalaman na dapat malaman ng buntis lalo na sa mga kinahihiligan niyang pagkaing matatamis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit bawal ang matamis sa buntis? Ito ang isa sa laging itinatanong ng mga babaeng nagdadalang-tao na mahilig mag-crave sa iba’t ibang pagkain. Pero bakit nga ba bawal ang matamis sa buntis? May masamang epekto ba ang pagkain ng matamis sa pagdadalang-tao?

Bakit bawal ang matamis sa buntis?

Kapag nagbubuntis ang isang babae, mas tumatakaw siya kumpara sa dati. Sabi nga nila pagdating sa pagkain, ay kumakain siya para sa dalawa na at hindi para sa kaniya lang.

Nariyan nga na mahihilig siya sa maasim na pagkain, maaalat, pati na sa matatamis. Pero laging ipinapayo ng mga matatanda pati na ang mga eksperto na iwasan ng buntis ang labis na pagkain ng matatamis. Ito ang mga dahilan kung bakit bawal ang matamis sa buntis.

Bakit bawal ang matamis sa buntis?/Larawan mula sa Pexels

1. Ang labis na pagkain ng matamis ay iniuugnay sa mas mataas ng timbang ng buntis.

Ayon sa mga pag-aaral, ang obesity ay resulta ng labis na intake ng calories sa katawan na nagiging taba. Ang calories ay madalas na nakukuha sa pagkaing matataba at matatamis.

Base sa isang survey, ang mga babaeng buntis ay kumakain ng matatamis na pagkain ng higit sa mga babaeng hindi buntis.

Madalas nga sa kinakain nila ay ang mga matatamis na inumin, cakes, cookies, juice drinks, smoothies at milk desserts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang isa nangungunang dahilan kung bakit maraming babae ang tumataba o nadagdagan ang timbang sa oras na sila ay nagdalang-tao.

2. Ang pagkain ng matamis ng buntis ay nakakapagpalala ng nararanasan niyang pregnancy symptoms.

Imbis na maibsan, ang nararanasang morning sickness, pagsusuka, heartburn at mood swings ng buntis ay maaaring mas lumala pa sa oras na siya ay kumain ng matatamis.

3. Ang matatamis na pagkain ay maaaring magdulot ng fatigue sa babaeng buntis.

Ang matatamis na pagkain ay nagtataglay ng sucrose na maaaring magdulot ng temporary spike sa blood sugar ng babaeng buntis o biglaang pagtaas ng kaniyang energy.

Pero ito ay maaari ring biglang bumaba na nagdudulot ng lethargy o pagkapagod sa babaeng nagdadalang-tao. Kaya naman imbis na i-energize nito ang isang buntis sa buong araw ay mas nagdudulot pa ito ng pagkapagod sa babaeng nagdadalang-tao.

Maliban pa, ang mga matatamis na pagkain ay nagtataglay ng empty calories at walang taglay na nutrients.

4. Maaaring magkaroon ng fatty liver ang buntis dahil sa pagkain ng matatamis.

Ang pagkain ng mga pagkaing may mataas na level ng fructose ng buntis ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon niya ng fatty liver syndrome.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay bibihirang kondisyon na nararanasan ng mga buntis. Ito ay delikado sapagkat hindi lang ito nakakasama sa buntis kung hindi pati narin sa dinadala niyang sanggol.

Bakit bawal ang matamis sa buntis?/Larawan mula sa Pexels

5. Ang labis na pagkain ng matamis ng buntis ay nagpapataas ng kaniyang glucose at insulin level. Ito ay maaaring mag-contribute sa pagkakaroon niya ng gestational diabetes.

Ang isa sa nangungunahang dahilan kung bakit bawal ang matamis sa buntis ay dahil sa peligrong maaring maidulot ng pagkakaroon ng gestational diabetes.

Kung may gestational diabetes ang isang buntis, ay may mga komplikasyon sa pagdadalang-tao siya na maaring maranasan.

Nangunguna na nga rito ang pagkakaroon ng malaking sanggol. Dahil ang extra sugar na kinakain ng buntis ay nag-crocross sa placenta at nagpapataas rin ng blood sugar level ng ipinagbubuntis niyang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagreresulta ito sa increased production ng insulin sa katawan ng sanggol na nagiging dahilan para mas lumaki ang sanggol. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na macrosomia.

Para sa babaeng buntis ang pagkakaroon ng malaking sanggol ay maaari ring magdulot ng peligro sa kaniya. Dahil siya ay maaaring ma-expose nito sa komplikasyon sa panganganak. Maliban ito sa malaking posibilidad ng panganganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery.

Ang kaniyang sanggol ay mataas din ang tiyansang makaranas ng birth complications. Nangunguna na nga rito ang premature birth, birth injuries, infection at fatal hypoglycemia o low blood sugar sa sanggol.

Ang blood sugar level ng buntis ay madalas namang bumabalik sa normal sa oras na siya ay nakapanganak na. Subalit may mga babae namang nauuwi sa type 2 diabetes ang gestational diabetes na kanilang naranasan.

Samantala, ang isang buntis ay maaring nakakaranas na ng gestational diabetes sa oras na siya ay nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas:

Sintomas ng gestational diabetes

  • Sugar sa kaniyang ihi.
  • Madalas na pagkauhaw.
  • Madalas na pag-ihi.
  • Pagkapagod o fatigue.
  • Nausea o pagduruwal.
  • Blurred vision o malabong paningin.
  • Vaginal, bladder at skin infections.

6. Mataas na risk na preclampsia.

Isa pang dahilan kung bakit bawal ang matamis sa buntis ay dahil sa peligro ng preeclampsia. Ang preeclampsia ay isang kumplikasyon sa pagbubuntis na nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mataas ng blood pressure ng babaeng nagdadalang-tao.

Ito ay madalas na nararanasan matapos ang ika-20th week ng pagbubuntis na kadalasang nakakaapekto rin sa iba pang bahagi ng katawan gaya ng atay at kidneys.

Kung hindi maaagapan ang kondisyon na ito ay maaring magdulot ng kapahamakan sa buhay ng ina at ng kaniyang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga buntis na mahilig sa matamis at may excessive gestational weight ang prone na makaranas ng komplikasyong ito.

Bakit bawal ang matamis sa buntis?/Larawan mula sa Pexels

Sintomas ng preeclampsia

Ang sintomas ng preeclampsia sa buntis ay ang sumusunod:

  • High blood pressure
  • Protein sa urine o ihi
  • Sakit ng ulo
  • Fatigue o labis na pagkapagod
  • Blurred vision
  • Pagsusuka
  • Pananakit sa upper right abdomen
  • Shortness of breath
  • Pag-ihi ng pakonti-konti

Kung nagdadalang-tao at nakaranas ng summoned ay agad na magpunta sa doktor upang malaman kung ito ay kaso na ng preeclampsia at maagapan.

7. Mas at risk sa metabolic syndrome, diabetes at seryosong sakit ang ipinagbubuntis na sanggol.

Hindi lang basta ang buntis ang apektado sa pagkain niya ng matamis. Ito ay maaring magdulot rin ng long term effect sa kalusugan ng kaniyang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil ang labis na pagkain ng matamis ng buntis ay nagproprogram sa pagkakaroon ng high risk ng metabolic syndrome at diabetes ng kaniyang baby. Ito rin ay maaaring maging dahilan para lumaking overweight o obese ang kaniyang sanggol.

Maliban dito, ang high-sugar diet ng buntis ay binabago ang blood vessel structure ng kanyang baby. Ito ay naglalagay naman sa kaniyang anak sa posisyon kung saan tumataas ang tiyansa nitong magkaroon ng heart disease sa kaniyang paglaki.

Ano ang mga pagkaing matatamis na dapat iwasan ng buntis?

Larawan mula sa Pexels

Dahil sa mga nabanggit na negatibong epekto at dahilan kung bakit bawal ang matamis sa buntis, ang sunod na tanong ngayon ay ano nga ba ang mga pagkaing matatamis na dapat iwasang kainin ng mga buntis?

Ayon sa mga eksperto, ang mga babaeng buntis ay dapat hindi humihigit sa 30g ng free sugars ang inintake araw-araw.

Ang free sugars ay nakukuha sa pagkaing matatamis tulad ng cakes, chocolates, milk tea, ice cream at iba pang pagkaing matatamis o may taglay na artificial sweeteners. Ito ang mga pagkaing dapat iwasan o bawasang kainin at inumin ng mga buntis.

Puwede pa rin namang kumain ng matatamis ang mga buntis, dapat lang ay piliin nila ang mas healthier options. Tulad ng mga prutas na matatamis o iba pang naturally sweet na pagkain gaya ng honey. Ang mga halimbawa ng prutas na matatamis na puwedeng gawing alternative ng buntis ay mangga, pinya at berries. Puwede rin nilang subukan ang mga dried versions nito na swak na pamalit sa mga candies at snacks.

Nasagot ba ang tanong mo kung bakit bawal ang matamis sa buntis? Para makasigurado ay mabuti paring magpacheck-up at komunsulta sa iyong doktor para masubaybayan ang iyong pagdadalang-tao.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.