Ano ba ang sintomas ng anemic na buntis?
Mga mommies! Bantayan ang pangangatawan habang nagbubuntis. Bagaman, magkakaiba ang pagbubuntis sa bawat isang indibidwal, may mga sintomas na akala mong normal lang. Ngunit, ang ilan sa mga sintomas na mararanasan ay pang anemic na buntis.
Normal lang ang mga eksternal, at ilang mga internal na pagbabago sa katawan ng buntis. Katulad na lamang ng pagtaas ng estrogen at progesterone levels ng katawan ng isang buntis.
Huwag mag-aalala. Iyan ang ating pag-uusapan sa article na ito. At, aalamin natin ang mga pag-iwas o mga gamot para sa anemic na buntis.
Talaan ng Nilalaman
Anemia sa buntis
Kapag ikaw ay nagbubuntis, maaari kang magdevelop ng anemia. Ang sitwasyon ng anemia sa buntis ay mahirap para sa kanya at sa baby.
Walang sapat na healthy red blood cells ang dugo ng isang anemic na buntis. Makakatulong sana ang red blood cells sa pagdadala ng oxygen sa mga tissue sa katawan at sa baby.
Sa pagbubuntis, nagpo-produce ang katawan ng buntis ng mas maraming volume ng dugo para sa paglaki ni baby sa tiyan. Minsan sa ibang pagbubuntis, wala o kulang ang iron at iba pang sustansiyang kailangan. Maaaring hindi ka makapaglabas ng maraming red blood cells na kailangan para sa production ng dugo kapag kulang sa iron.
Bagaman may ganitong kondisyon na maaaring maranasan ng isang buntis, normal pa rin ang pagkakaroon ng mild anemia habang nagdadalang-tao. Subalit maaaring magkaroon talaga ng anemia ang is ang buntis kung kulang siya sa nutrisyon.
Anemic na buntis
Ang sintomas ng anemic sa buntis ay maaaring maiba sa bawat nagbubuntis. Dagdag pa, nagkakaiba ang sintomas ng pagiging anemic na buntis batay sa mga sumusunod na tipo.
Sa iyong pagbubuntis, ginagamit ni baby ang red blood cells mo para sa growth and development. Lalo na kung umabot na sa tatlong buwan ang iyong pagbubuntis.
Kung may nakatabi kang red blood cells sa bone marrow bago mabuntis, magagamit ito bilang reserba ng iyong katawan. Kaya naman maaaring magkaroon ng iron deficiency ang hindi sapat na red blood cells sa katawan.
Importante ang vitamin B12 sa paglikha ng red blood cells at protina sa katawan. Ang pagkain ng itlog, pag-inom ng gatas, karne, at manok ay nakakatulong sa pagkakaroon ng vitamin B12 at makaiwas sa deficiency nito.
Ang mga strict vegetarian o hindi kumain ng mga nabanggit na pagkain ay kadalasang nagkakaroon ng vitamin B12 bilang at maaaring maging anemic ang buntis, at makaranas ng mga sintomas ng anemia.
Ang folate (folic acid) ay isang B vitamin na tumutulong sa pag-produce ng iron sa katawan at para sa cell growth. Kung wala kang sapat na folate sa iyong katawan habang nagbubuntis, maaari ka ring magkaroon ng iron deficiency.
Tumutulong din ang folate para makaiwas sa anomang risks ng birth deficiency sa baby. Ang mga birth deficiency na ito ay tulad ng brain defects at problema sa spinal cord.
Sintomas ng anemic na buntis
Narito ang mga sintomas ng isang anemic na buntis na kailangan mong malaman. Ito ay ang mga sumusunod:
- pamumutla ng balat, labi, kuko, palad, at ibaba ng talukap ng mata
- pagkaramdam ng pagkapagod
- sensation ng pagkahilo o parang umiikot ang paligid (vertigo)
- pagkahingal madalas
- mabilis na pagtibok ng puso (tachycardia)
- nahihirapan sa pag concentrate
Ang ilan sa mga sintomas ng anemic na buntis ay maaaring bunga rin ng iba pang health condition. Kapag nakaramdam ng mga sintomas na ito ng anemic na buntis, pumunta sa inyong health care provider para sa tamang diagnosis.
Gamot sa anemic na buntis
Bago bumili ng gamot na para sa anemic na buntis, tiyakin munang naikonsulta ito sa doktor at anemia sa buntis nga ang iyong kondisyon.
Ang treatment o gamot para sa anemic na buntis ay nakabatay sa sintomas, edad, at general health mo. Nakadepende rin ito kung gaano kalala ang iyong anemia.
Ang treatment para sa iron deficiency anemia bilang sintomas ng anemic na buntis ay pag-inom ng iron supplements. Ilan sa mga gamot na ito ng anemic na buntis ay pwedeng inumin sa takdang panahon o ‘di kaya ay ilang beses sa isang araw.
Dagdag pa, ang pag-inom ng citrus juice, tulad ng orange juice, ay makakatulong na ma-absorb ng katawan ang iron. Sa kabilang banda naman, ang pagsabay ng antacids sa iron supplement ay hindi makakatulong sa pag-absorb ng iron.
Tandaan din, na ang pag-inom ng iron supplement bilang gamot sa anemic na buntis ay maaaring magdulot ng sintomas na nausea at pag-itim o pagiging dark greenish ng iyong dumi. Nagdudulot din ito ng constipation.
Laging kumonsulta sa inyong doktor o OB-Gyne mga moms! Itanong ang sanhi ng mga sintomas ng anemic na buntis at ang mga dapat gawin para dito. Labanan ang iron deficiency at sintomas ng anemic na buntis sa inyong pregnancy.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!