Bakit mas matindi ang ubo kapag gabi? Ito ang sagot ng experts

Hirap ka bang makatulog dahil sa ubo? Narito ang mga dahilan kung bakit ka binabagabag ng sakit na ito at ang mga maari mong gawin para malunasan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit inuubo sa gabi? Hindi makatulog dahil sa ubo? Puwes, hindi na ngayon. Narito ang mga paraan na maaring gawin at dahilan kung bakit nga ba nauubo sa gabi ang isang tao.

Dahilan kung bakit hindi makatulog dahil sa ubo

Ayon kay Dr. Diondra Atoyebi, isang Georgia-based family medicine physician, ang pag-ubo sa gabi ay pangkaraniwan ng nararanasan ng marami sa atin.

Ito raw ay ang paraan ng katawan sa pag-respond sa irritants sa lalamunan o sa airway ng isang tao. Ito ay maaaring dahil sa alikabok o mucus sa lalamunan na dulot ng sipon.

Ang pag-ubo sa gabi ay dahil din daw sa iyong posisyon sa pagtulog. Ito ay ayon naman kay Dr. Kathleen Dass ng Michigan Allergy, Asthma and Immunology Center. Ito ay dahil kapag nakahiga ay nawawala ang effect ng gravity sa katawan na dahilan upang hindi mapanatiling clear ang airways ng isang tao.

Bakit inuubo sa gabi?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad nalang kapag ikaw ay may postnasal drip dahil sa sipon o trangkaso, ang paghiga ay nagtutulak sa mucus papunta sa iyong lalamunan na mag-iirritate dito at mag-aactivate ng iyong coughing reflex.

Bakit inuubo sa gabi?

Kung mayroon ka namang acid reflux o gastroesophageal reflux disease (GERD), ang pagkawala ng gravity ay nagiging dahilan din upang umakyat pabalik sa iyong esophagus ang acid na nagiging dahilan din ng iyong pag-ubo, paliwanag ni Dr. Dass.

Ang asthma, GERD at postnasal drip ang ilan sa dahilan ng pag-ubo sa gabi. Ngunit maari ring palalain ito ng environment na tinutulugan ng isang tao, dagdag ni Dr.Bass.

Ang hangin nga raw galing sa bukas na bintana sa gabi ay maaring mag-trigger ng asthma symptoms. Pati na rin ang allergic reactions ng katawan sa dust mites sa kutson o unan na tinutulugan ay isa ring nagpapalala ng pag-ubo sa gabi.

Ngunit kahit nga daw minsan ay nakakainis na ang pag-ubo sa gabi ay hindi naman daw masama ito. Isang paraan lang daw ito upang i-clear ang lalamunan at ang airways mula sa mga bumabagabag dito. Ayon naman ulit yan kay Dr.Atoyebi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit may mga paraan naman na maaaring gawin kapag hindi makatulog dahil sa ubo. Ang unang hakbang lang na dapat mong gawin ay alamin ang pinag-ugatan nito.

Bakit inuubo sa gabi? | Image from Freepik

Paano kapag lumalala na ang pag-ubo sa gabi? 

Ayon kay Dr. Elaina Rose sa Healthline, kadalasan namang umanong nawawala ang ubo ng mag-isa paglipas ng ilang mga araw. Subalit ang madalas na pag-ubo tuwing gabi ay maaaring sanhi ng isang seryosong kundisyon. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang sa mga ito ay ang bronchitis, pneumonia at COPD. Mahalagang magpakonsulta sa isang doktor kapag ang ubo ang lagpas tatlong linggo na at napapansing may plema ito. 

Mga dapat gawin kung hindi makatulog dahil inuubo sa gabi

1. Kung ang iyong pag-ubo ay dahil sa postnasal drainage o ang pagbuild-up ng mucus sa iyong ilong, ang pag-inom ng mga gamot para gamutin ang sipon o di kaya naman ay sinus infection na nagdudulot nito ay makakatulong para hindi ka na umubo at makatulog na ng maayos sa gabi, ayon kay Dr. Dass.

2. Kung ito naman ay dahil sa allergies, ang paggamit naman ng oral antihistamines o intranasal antihistamines ay makakatulong upang matigil ang pag-atake ng allergy na nagdudulot ng iyong pag-ubo.

3. Ang pag-inom naman ng cough expectorants gaya ng guaifenesin ay makakatulong para panipisin ang build-up ng mucus. Samantalang, ang cough suppressants naman gaya Dextromethorphan ay makakatulong para pigilan naman ang cough reflex mo.

4. Kung ang iyong pag-ubo naman ay dahil sa asthma o kilala sa tawag sa cough variant asthma, ay kailangan mo ng magpunta sa doktor upang ikaw ay maresetahan ng emergency inhaler tulad ng albuterol o pangaraw-araw na controller inhaler, ayon parin kay Dr.Bass.

5. Dagdag pa ni Dr. Dass, kung ang pag-ubo mo naman ay dahil sa GERD ay kailangan mong iwasan ang mga pagkain na nagtri-trigger dito. Ito ay ang mga pagkain gaya ng chocolates, citrus fruits, alcohol pati na ang mga tomato-based products.Maari ring magreseta ang iyong doktor ng proton pump inhibitor o PPI gaya ng omeprazole o H2-antagonist gaya ng famotidine para mabawasan ang acid sa iyong katawan. Ang GERD ay madalas na nagdudulot ng dry cough na mas lumalala sa gabi. Ilang sintomas ng GERD ay heartburn, maasim na panlasa sa bibig at hirap sa paglunok.

Bakit inuubo sa gabi? | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kung bigla ka na lang inuubo sa gabi at hindi na makatulog dahil dito, ang mga paraan naman na ito ang maari mong gawin:

  • Gumamit ng humidifier para madagdagan ang moisture sa hangin habang natutulog dahil ang pag-ubo ay maaring dulot ng dry air.
  • Ang pag-inom din ng mga over-the-counter na mga gamot para panandaliang magamot ang ubo ay maari mo ring gawin.
  • Ang pag-inom naman ng mga warm liquids ay maaring magpanipis ng mucus sa lalamunan para mas madaling makaubo at mawala ang mga irritants na nagdudulot nito.
  • Ayon sa isang pag-aaral ang pag-inom o pagkain ng honey bago matulog ay isang mabisang paraan rin para maibsan ang ubo tulad ng epekto ng dextromethorphan (Tussin Cough) o diphenhydramine (Benadryl).
  • Ang pagtulog din na bahagyang nakataas ang iyong dibdib gamit ang dagdag na unan ay makakatulong para hindi magkaroon ng build-up ng mucus sa iyong lalamunan.

Karamihan naman ng ubo ay nawawala din ng kusa. Ngunit, ayon kay Dr. Atoyebi, kung ang pag-ubo sa gabi ay nagpapahirap na sayo ng ilang linggo na ay kailangan mo ng magpunta at magpakonsulta sa doktor upang ito ay mabigyan na agad ng karapatang lunas.

Kailan dapat pumunta sa doktor? 

Kailan nga ba dapat mabahala at magpunta sa isang doktor upang magpatingin? Inilista namin ang ilang sintomas na kapag inuubo na dapat bigyan ng agarang pansin ng isang doktor. Ito ay ang mga sumusunod: 

  • May ubo na may kasamang lagnat na 38˚C pataas
  • Naninikip ang dibdib
  • Namamaga ang binti, ankles o kaya naman ay ang tiyan
  • Nahihirapang huminga
  • Nakakaranas ng wheezing

Ayon pa kay Dr. Rose,

“You also want to consult a doctor if your cough begins to interfere with your life, or consistently interrupts your sleep cycle.”

Kapag na-diagnose na patungkol sa kung anong karamdaman na mayroon ka, mahalagang sundin ang medication ng iyong doktor. Lalo na kapag iinom kayo ng antibiotic, dapat kumpletuhin ang pag-inom nito at dapat hindi rin ito dapat makaligtaan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa rito, payo ng mga eksperto ang pag-inom lagi ng tubig at pagkain ng masustansiyang pagkain. Sa gayon, mapapanatiling malusog ang pangangatawan, maganda rin umano ang regular na pag-eehersiyo sa kalusugan. 

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.