Napansin na bang ngumitin ang iyong baby habang natutulog? Iyong nilapitan para tignang maigi kung siya’y gising para lang tignan kung gising na ba siya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Baby Sleep Cycle: Bakit ngumingiti ang baby pag tulog?
- Mas maiging intindihin ang baby sleep cylce
- Pagngiti ni baby habang natutulog
- Dapat bang ikabahala kung ngumngiti si baby kapag tulog?
- Paano mo ba mapapangiti si baby?
Ngunit madalas ay sadyang pagngiti lamang ito ng baby habang tulog! Ngunit bakit ngumingiti ang baby pag tulog? May kinalaman ba ito sa kanyang sleep cycle? O nananaginip lamang sila ng masasayang bagay? Alamin natin ito dito!
Baby Sleep Cycle: Bakit ngumingiti ang baby pag tulog?
Bakit ngumingiti ang baby pag tulog? Normal ba ito? | Larawan mula sa Pixabay
Una sa lahat, alam mo bang pati matatanda ay ngumingiti habang tulog? Baka ikaw rin, habang hindi pa tuluyang tulog, ay biglang napansin na nakangiti ang iyong asawa habang tulog.
Walang malinaw na rason kung bakit ngumingiti ang baby pag tulog. Ngunit, may ilang teorya kung bakit niya ito ginagawa.
1. Natural na reflex
Ang mga baby ay nananaginip na kahit nasa sinapupunan pa lamang. Nagpapatuloy ito matapos silang ipanganak. Ngunit hindi laging dulot ng panaginip ang pagngiti. Minsan, ang pagngiti ay natural na reflex lamang sa REM cycle sa bahaging tinatawag na active sleep.
Sa uring ito ng pagtulog, ang mga baby ay gumagawa ng involuntary na paggalaw. Ilang sa mga ito ay nagdudulot ng pagngiti at pagtawa habang tulog.
Tip: Posible, ngunit bihira, na magka gelastic seizures ang mga sanggol na nagdudulot ng di mapigilang pagtawa. Bawat episode ay maaaring tumagal ng 10 hanggang 20 segundo, mula 10 taong gulang.
Kung madalas itong mangyari at nakakagising ng baby, na sinusundan ng bakanteng pagtingin, kausapin ang inyong pediatrician.
2. Sila ay nagpro-proseso ng impormasyon
Larawan mula sa Pixabay
Sa buong araw, lalo na sa mga unang buwan ng buhay, ang mga baby ay nakakaranas ng matarik na learning curve. Mula sa pagtuto magdilat ng mata, hanggang sa pagngiti, pag-iyak, at pag-alam kung paano gumagana ang kanilang katawan, lagi silang nagpro-proseso ng impormasyon.
Idagdag pa ang mga maliliwanag na ilaw at tugtig at iba’t ibang tanawin na nakikita, at maaari silang makaranas ng sensory overload. Ngunit kung oras nang matulog, ginagamit ito ng kanilang mga utak para magproseso ng impormasyon.
Isang paraan nito ay ang pagtawa o pag-iyak habang tulog. Sa mga mahahalagang buwan na ito ng kanilang development, sila rin ay natututo ng mga emosyon, na nagiging pagngiti o pag-iyak.
Tip: Subukang huwag silang gisingin kung ngumiti o tumawa sila habang tulog upang hindi makasagabal sa kanilang sleep cycle.
3. Naglalabas sila ng gas
Isa pa sa sinasabing potentsyal na dahilan kung bakit ngungumiti si baby ay dahil naglalabas siya ng gas o kaya naman dumudumi.
BASAHIN:
“Totoo bang kapag nakatuwad matulog si baby, gusto raw ng baby brother?”
6 parenting mistakes kaya hindi nasasanay si baby na matulog ‘pag gabi
HELP, ayaw magpababa ni baby! Anong puwedeng gawin ko?
Mas maiging intindihin ang baby sleep cylce
Larawan mula sa Pixabay
Ang mga baby ay may masmaikling sleep cycle kumpara sa matatanda. Kung hindi maalala nag iyong sleep cycle, ganito matulog ang matatanda.
Tumatagal ang ating sleep cycle nang tig-90 minuto bawat isa, bawat isa ay may 5 bahagi ng pagtulog. Ang unang 4 na bahagi ay non-rapid eye movement (NREM) sleep, habang ang ika-5 at ang rapid eye movement (REM) sleep.
Para sa mga baby, ang baby sleep cycle ay tumatagal lamang ng 30 hanggang 50 minuto. Unti unti itong humahaba habang sila ay tumatanda.
Tip: Bawat bata ay magkaka-iba. Kaya tandaan: ang ilang baby at bata ay madaling nakakatulog, habang ang iba ay mababaw ang tulog at maaaring nasa mababaw na sleep cycle nang 20 minuto bago lumalim ang pagtulog.
Naiintindihan na ba nang masmaigi ang baby sleep cycle? Kung nais maging masmaayos ang tulog ng baby, subukan ang mga baby sleeping tricks na ito. Samantala, huwag kalimutan kunan ang mga cute na panahon ng pagngiti ng iyong anak sa kanyang pagtulog!
Pagngiti ni baby habang natutulog
Wala naman talagang masasabing tiyak na kahulugan kung bakit ngumingiti si baby. Mapapansin sa paglipas ng mga araw o linggo na iyong baby ay ngumingiti kapag siyang naglalabas ng hangin o kaya naman dumudumi. Tugon kasi ito sa isang enjoyable feeling o ginhawa para sa kaniya.
May ilang pagkakataon din ang mga baby ay may sensory responses sa lasa o kaya naman sa amoy. Kaya naman may ilang pagkakataon din na napapangiti sila kapag may nalasan silang masarap o kaya naman may naamoy na mabango.
Habang tumatagal at nagiging pamilyar sa kapaligiran ang baby mong lumalaki mapapansin mo na ngumingiti siya. Halimbawa, kapag nakakita siya ng isang pamilyar na mukha.
Pero sa kabilang banda kapag ngumingiti si baby habang tulog ay hindi talaga mabigyan ng tiyak na paliwanag ito ng mga eksperto. Sapagkat wala tayong kakayahan na malaman kung nananaginip si baby, pwede na lamang tayong mag-assume na ang kanilang pagngiti habang natutulog ay isang reflex action, at kadalasan ito ay involuntary.
Dapat bang ikabahala kung ngumngiti si baby kapag tulog?
Iba talaga ang pakiramdam kapag nakikita natin si baby na ngumingiti habang natutulog. Pero sa ilang pagkakataon na ngumingiti si baby ay maaaring senyales na ito ng seryosong kundisyon.
Ang gelastic seizures ay isang napaka-rare na uri ng epilepsy. Ito ay isang kundisyon kung saan hindi nakokontrol ang laugther o pagtawa, o kaya naman pagngiti.
Sa ilang kaganapan, ang mga pamilyar na tunog katulad sa pagtawa na may kasamang tila pagngiti. Ang gelastic seizures ay maaari ring mag-feature ng flushing, rapid heartbeat, at altered breathing.
Hindi naman karaniwan ito at rare ito, nasa 1% lamang ng mga epileptic cases. Kahit na rare na ito at baka hindi naman ito maranasan ng iyong baby, pero ikaw ay nababahala pa rin magandang magpasuri sa isang espesyalista.
Paano mo ba mapapangiti si baby?
Habang nagiging pamilyar si baby sa kaniyang environment mas madali nang makita si baby na ngumingiti, lalo na kung nakakita nga siya ng mga pamilyar na bagay. O kaya naman napapangiti si baby kapag kakargahin mo siya.
Ang pagngiti ni baby ay isa ring paraan para masabi natin na ang kanilang senses ay nagwo-work ng maayos dahil mas nagiging conscious na sila sa kanilang kapaligiran.
Pero tandaan din na okay lang naman din kung hindi ganun kadalas mag-smile si baby kagaya ng gusto natin. Pero narito ang ilang tips para mapangiti natin si baby.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- I-engage si baby tuwing nagpapadede ka, binibihisan siya, at pinapaliguan siya.
- Basahan si baby.
- Katanhan si baby.
- Patawanin sila gamit ang iyong mukha, mag-funny faces.
- I-match ang reaction mo sa reaction ni baby, kapag ngumiti siya, ngumiti ka rin.
- Mag-react sa kanila ng may kasamang enthusiasm kapag ang iyong baby ay nag-giggles, sucks, burps o kaya naman kapag nag-respond sila ng positibo sa kanilang kapaligiran.
Sources:
WebMD, ResearchGate, VeryWellFamily
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.