6 months old na baby, puwede nang pabakunahan laban sa tigdas

6 months old na baby, puwede nang pabakunahan laban sa tigdas

Mula sa recommended na gulang na 9 months old sa mga baby para makatanggap ng bakuna sa tigdas, mga health organizations nagpahayag na puwede ng mabigyan ng bakuna ang mga 6 months old na baby laban sa sakit.

Ang unang dose ng bakuna sa tigdas o MMR vaccine ay ibinibigay sa mga sanggol na may gulang na 9 months old. Samantalang, ang pangalawang dose nito ay ibinibigay sa ikaapat hanggang ika-anim na taong gulang ng isang bata.

bakuna sa tigdas mas paiigtingin pa

Image from Flickr

Bakuna sa tigdas

Ngunit, dahil sa naitalang measles outbreak sa maraming lugar sa Pilipinas ay ipinapayo ng mga doktor na mabigyan ng mas maaga ang mga baby ng bakuna sa tigdas sa edad na 6 months old palang.

Ito ay ayon sa Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease of the Philippines upang maproteksyonan ang mahinang katawan ng mga baby mula sa nakakahawang sakit na ito.

Para naman sa mga batang nabigyan ng first dose ng MMR vaccines na isang taong gulang pababa ay maaring kumuha pa ng dagdag na dose nito na kailangan lang ang minimum na apat na linggong pagitan.

Ang mga bata naman na higit sa isang taong gulang, mga adults na walang history o hindi pa nagkakaroon ng tigdas, mga babaeng hindi nagdadalang-tao o mga nagpaplanong magdalang-tao sa susunod na buwan at ang walang allergic reactions sa measles vaccine ay pinapayuhang kumuha ng isang dose ng bakuna sa tigdas upang maproteksyonan laban sa sakit.

Ang second dose ng vaccine ay maari ding ibigay upang makumpleto ang 2-dose schedule.

Ang pahayag na ito ay ginawa ng dalawang organisasyon upang maiaddress ang patuloy na pagtaas ng kaso ng tigdas sa buong bansa na nagtala narin ng nakakabahalang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.

Ini-encourage din nila ang iba pang healthcare providers na maging responsable sa pag-eeducate o pagpapaalam sa mga pasyente ng kahalagahan ng pag-iwas sa sakit sa pamamagitan ng immunization o pagpapabakuna laban dito.

Dapat daw gawin ang lahat upang makumbinsi at maiparating sa lahat na ang mga bakuna na ibinibigay laban sa mga sakit ay ligtas at epektibo. At ito rin ang pangunahing paraan upang mapababa ang bilang ng mga namamatay at naaapektuhan ng mga nakakahawang sakit na ito.

Tigdas outbreak sa Pilipinas

Nakakabahala daw o alarming ang patuloy pang tumataas na bilang ng kaso ng tigdas sa buong Pilipinas. Dahilan upang magdeklara na ng outbreak ang Department of Health noong Miyerkules sa National Capital Region o NCR at Central Luzon. Sinundan naman agad din ito ng deklasyon sa mga lugar sa Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas noong Huwebes.

Ayon nga kay DOH Secretary Francisco Duque, tumaas ng 550% mula noong January 1 to February 6, 2019 ang bilang ng kaso ng tigdas kumpara sa parehong period noong nakaraang taon. Ang dahilan daw ng pagdeklara ng tigdas outbreak ay upang paalalahanan ang mga magulang na mas maging maingat at vigilant sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Ayon parin sa DOH, sa kasulukuyan ay naitala ang 441 cases ng kaso ng tigdas sa Metro Manila na may 5 reported deaths. Apat naman ang namatay dahil sa tigdas sa Central Luzon na may reported 192 cases ng sakit.

Mayroon namang 104 cases ng tigdas sa Western Visayas na kung saan tatlo na ang reported deaths. Isa naman ang patay sa Central Visayas dahil sa tigdas na mayroon ding 192 cases nito. Umabot naman sa 575 measles cases ang naitala sa Calabarzon na may siyam na bilang ng namatay dahil sa sakit.

Ayon parin kay Health Secretary Duque, tinatawagan niya ang mga magulang na hayaang makatanggap ng bakuna sa tigdas ang kanilang mga anak para maiwasan pa ang patuloy na paglaganap ng sakit. Nagbigay din siya ng warning tungkol sa bronchopneumonia na isang kumplikasyon ng tigdas na nakakamatay na hindi daw dapat ipagwalang-bahala ng mga magulang.

Dapat daw ay dalhin na agad ng mga magulang ang kanilang anak sa mga heatth centers upang mabigyan na ng immunization. Huwag na daw dapat maghintay na madapuan pa ng sakit ang kanilang anak, magkakumplikasyon at maging huli na ang lahat.

Dagdag pa ni Duque, ang nutritional support at oral rehydration ay ang mga dapat gawin upang madagdagan ang resistensya ng katawan laban sa sakit at upang mapalitan ang nawalang body fluid dahil sa pag-ubo, pagtatae at pagpapawis. Samantalang ang mga bakuna sa tigdas naman at vitamin A supplementation ng isang 9 month old na baby ang pinakamagandang defense laban sa tigdas.

Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit. Ito ay maipapasa sa pamamagitan ng pagkaka-expose sa bahing, ubo o close personal contact sa isang taong mayroon nito. Ang mga sintomas nito ay ang pag-ubo, runny nose, red eyes o conjunctivitis, lagnat at skin rashes na tumatagal ng higit sa tatlong araw.

Maliban naman sa bronchopneumonia ang iba pang kumplikasyon na maaring maidulot nito ay diarrhea, middle ear infection, encephalitis o pamamaga ng utak, malnutrition at blindness na maari ring mauwi sa kamatayan.

 

Sources: PPS, ABS-CBN News, Philstar

Basahin: 55 bata namatay sa NCR tigdas outbreak, ayon sa DOH

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner