Kung ikaw ay buntis, marahil ay nakatagpo ka na ng mga artikulo kung saan ay pinag-uusapan ang tungkol sa probiotics at pagbubuntis. Mayroon ng mga pag-aaral tungkol dito, na may ilang nagsasabing nakakabawas daw ito ng komplikasyon. Pwede nga ba ang yakult sa buntis?
Para tuluyan nang mawala ang pangamba at para masagot ang mga haka-haka. Alamin natin ang tunay na epekto ng pag-inom ng yakult o probiotics ng mga buntis.
Talaan ng Nilalaman
Para saan ang mga probiotics drink tulad ng Yakult?
Ang Yakult ay isang sikat na brand ng probiotic drink tulad ng Dutch Mill Delight at Go Long. Ito ay naglalaman ng mga probiotic o live bacteria at yeast na mabuti para sa iyo.
Lalo na sa iyong digestive system. Ito ay kadalasang tinatawag na “good” o “helpful” bacteria dahil nakakatulong ito na mapanatiling malusog ang iyong bituka.
Paano makakatulong ang pag-inom ng probiotics?
Narito ang ilan sa mga benepisyo ng pag-inom ng yakult o probiotic drinks:
- Kapag nawalan ka ng “good” bacteria sa iyong katawan, makakatulong ang mga probiotic na palitan ang mga ito. Halimbawa, kung ikaw ay uminom ng antiobiotics.
- Makakatulong ang mga ito na balansehin ang iyong “good” at “bad” bacteria upang panatilihing maayos ang paggana ng iyong katawan.
Yakult sa buntis: Dalawang types ng probiotics
Mayroong dalawang types o dalawang uri ng probitiotics, ito ay ang Lactobacillus at Bifidobacterium.
Ang Lactobacillus ay ang pinakakaraniwang probiotic. Ito ay kadalasang sangkap ng yogurt drinks at iba pang fermented na pagkain. Makakatulong ito sa paggamot ng diarrhea at maaari ding makatulong sa mga taong hindi makatunaw ng lactose.
Ang Bifidobacterium naman ay matatagpuan sa ilang dairy products. Maaari itong makatulong na mapawi ang mga sintomas ng irritable bowel syndrome (IBS) at ilan pang kondisyon.
Ligtas ba ang pag-inom ng Yakult o probiotics para sa mga buntis?
Bawal ba sa buntis ang yakult?
Kung ikaw ay napapatanong kung bawal ba ang yakult sa buntis, narito ang mga kailangan mong malaman.
Dahil ang probiotics ay good bacteria na nakakawala ng pamamaga sa katawan, maaaring makabawas ito sa risk ng pregnancy complications. Kaya naman ang sagot sa tanong mo kung pwede ba ang yakult sa buntis ay OO. Pwede ang yakult sa buntis!
Ang mga komplikasyon kasi na madalas nararanasan ng mga buntis ay naili-link sa inflammation o pamamaga sa katawan na siya namang target ng mga probiotic drinks.
Yakult pwede ba sa buntis? Pwedeng-pwede ang yakult sa buntis! Narito ang mga benepisyo sa buntis ng pag-inom ng yakult.
Paano nakakatulong ang pag-inom ng Yakult sa buntis?
- Nagpapabuti ng bowel movement.
- Binabawasan ang Heartburn at Acidity
- Pinapababa ang risk sa allergies
- Binabawasan ang Vaginal Infections
- Mas malakas na immunity
- Mas mababang panganib sa Pre-eclampsia at Gestational Diabetes habang nabubuntis
Mga pag-aaral na nagpapatunay na ligtas o pwede ang Yakult sa buntis
Ayon sa isang 2018 Norwegian na pag-aaral sa BMJ Open Medical Journal at isa pang pag-aaral na inilathala sa Journal of Allergy and Clinical Immunology noong 2015, nalaman na ang pag-inom ng probiotic milk habang buntis ay nakakabawas ng panganib ng buntis na magkaroon ng preeclampsia at ang panganib ng isang bata na magkaroon ng eczema pagkatapos ng kapanganakan.
Ang preeclampsia ay isang komplikasyon sa pagbubuntis na nailalarawan sa pamamagitan ng mataas na presyon ng dugo at mga palatandaan ng pinsala sa ibang organ system, kadalasan ang atay at bato.
Ito ay karaniwang nagsisimula pagkatapos ng 20 linggo ng pagbubuntis sa mga kababaihan na ang presyon ng dugo ay normal.
Sa isang artikulo naman mula sa Current Diabetes Reports noong 2014, ang mga probiotics sa obese at ang mga pasyenteng buntis na may diabetes ay bahagyang napababa ang insidente ng pagkakaroon ng gestational diabetes, preeclampsia (mataas na presyon ng dugo sa panahon ng pagbubuntis), at preterm delivery.
Noong 2015, inihayag ng International World Allergy Organization na — batay sa sapat na scientific evidence — maaaring mabawasan ang risk na magkaroon ng anak na may allergy ang isang buntis kung umiinom siya ng mga probiotic supplement sa panahon ng pagbubuntis at habang nagpapasuso.
Bagama’t iminumungkahi ng mga pag-aaral na ito na ang mga probiotic ay may ilang partikular na pakinabang sa panahon ng pagbubuntis, hindi pinapayuhan ang mga doktor na talagang magrekomenda ng mga probiotic drinks o supplements sa panahon ng pagbubuntis.
Walang sapat na katibayan upang magmungkahi ng mga suplementong probiotic na makikinabang ang karamihan sa mga pagbubuntis.
Gayunpaman, maraming mga pagkain na naglalaman ng mga probiotic ay mataas din sa mga sustansya na kailangan ng mga buntis. Kaya ang pagkain ng mga ito ay maaari pa ring humantong sa isang malusog na pagbubuntis. Kahit na ito ay hindi mula mismo sa mga probiotic na mayroon ito.
Kailan dapat uminom ng probiotic drink
Nakita rin sa pag-aaral na importante ang timing pagdating sa pagkonsumo ng probiotic drinks katulad ng Yakult at Delight.
Isa sa mga maaaring dahilan nito ay dahil nata-target ng nasabing inumin ang mga impeksyon bago pa ito mabuo sa katawan. Bagama’t hindi sinasabing gamot ang probiotic drink para sa kahit anumang komplikasyon, ito ay mainam na food supplement para sa buntis.
Ayon pa nga sa website ng Yakult, ang drink na ito ay dapat maging parte ng iyong daily diet. Ito rin kasi ay nakatutulong na mapanatiling healthy ang iyong digestive system. Pinaparami nito ang good bacteria sa small intestine ng tao.
Iba pang benepisyo ng yakult o probiotic sa buntis
Bukod sa nababawasan ang risk sa pregnancy complications, isa pang mabuting naidudulot ng Yakult sa buntis ay ang naiibsan nito ang ilan sa mga sakit na kadalasang nararamdaman ng isang buntis.
Kasama na dyan ang constipation, heartburn, acidity, bloating at diarrhea. Dahil nga trabaho nitong linisin ang small intestine, maiiwasan na ang mga sakit na ito kahit pa natural itong epekto ng pagbubuntis.
Bukod pa rito, nakakatulong din na pang-boost ng immune system ang mga probiotic drink. Sa panahon ngayon, wala ng mas mahalaga pa kundi palakasin ang iyong immune system. Kaya naman mahalagang alagaan ang iyong katawan at uminom ng mga safe at makabubuting inumin para sa iyo!
Mga dapat inumin ng buntis
Maliban sa healthy eating, ang isa pang laging ipinapaala ng doktor kapag nagdadalang-tao ay ang pag-inom ng vitamins para sa buntis dahil ito ay makakatulong sa paglaki ni baby at pagpapanatili ng magandang kalusugan ni Mommy.
Ang mga vitamins para sa buntis o prenatal vitamins ay nagtataglay ng iba’t ibang vitamins at minerals. Ilan sa mga ito ay ang folic acid, calcium, iron at iodine na mahalaga sa development ng isang lumalaking sanggol sa sinapupunan.
Sa paghahanap ng prenatal vitamins ay dapat siguraduhing taglay nito ang sumusunod:
- 400 micrograms (mcg) ng folic acid
- 400 IU ng vitamin D
- 200 to 300 milligrams (mg) ng calcium
- 7mg ng vitamin C
- 3mg ng thiamine
- 2mg ng riboflavin
- 20 mg ng niacin.
- 6 mcg ng vitamin B12.
- 10 mg ng vitamin E.
- 15 mg ng zinc.
- 17 mg ng iron.
- 150 micrograms ng iodine
Kung sakaling ang prenatal vitamins na iniinom ay nagdudulot ng pagkahilo ay maaring makipag-usap sa doktor para ito ay mapalitan ng vitamins na hiyang sa iyo.
Mga bawal na pagkain at inumin sa buntis
Syempre, kung mayroong mga inumin na makabubuti para sa mga buntis tulad ng probiotic drinks, mayroon ding mga inumin at pagkain na dapat iwasan kung ikaw ay buntis.
Isa sa mga pinakamahahalagang malaman ng mga buntis ay ang mga bawal at pwede para sa kanila. Importante ito para maiwasan ang ano mang makasasama sa kalusugan nila ni baby.
Narito ang mga inumin na dapat iwasan mo muna mommy, kung ikaw ay preggy:
Caffeine
Inirerekomenda ng mga doktor sa mga buntis na limitahan ang intake ng caffeine. Dapat ay mas mababa sa 200 milligrams kada araw lang ang caffeine na iyong makokonsumo kung ikaw ay buntis. Dahil dito, mahalagang limitahan o tuluyang iwasan muna ang pag-inom ng kape, tsaa, at cocoa.
Ayon sa Healthline, ang labis na pag-inom ng mga inuming may caffeine ay maaaring magdulot ng fetal growth restriction. Pinatataas din nito ang risk ng low birth weight sa iyong anak kapag ito ay isinilang na.
Ang batang may low birth weight at posibleng humantong sa pagkamatay ng sanggol o kaya naman ay magkaroon ng mataas na risk ng chronic diseases sa kaniyang pagtanda.
Kaya naman mahalagang bantayan ang mga iniinom mo habang ikaw ay buntis. Iwasan muna ang mga nabanggit na inumin pati na rin ang soda o softdrinks.
Unpasteurized milk at fruit juice
Mataas ang posibilidad na mayroong mga harmful bacteria ang raw milk at fruit juice na hindi pasteurized. Ilan sa mga bacteria na maaaring matagpuan dito ay ang Listeria, Salmonella, E. coli, at Campylobacter.
Ang mga bacteria na ito ay posibleng magdulot ng impeksyon sa iyo at sa iyong baby. Delikado ito at maaaring malagay sa peligro ang buhay ng iyong anak sa sinapupunan. Para maiwasan na maimpeksyon ng harmful bacterias, tiyaking uminom lamang ng pasteurized milk at fruit juice.
Alcohol
Pinapayuhan ang mga buntis na huwag uminom ng alak o ano mang alcoholic beverages habang nagbubuntis. Pinatataas kasi ng alcohol ang risk na ikaw ay makunan o mamatay ang bata sa loob ng iyong sinapupunan.
Ayon sa Healthline, kahit ang kaunting amount ng alcohol ay posibleng makaapekto nang negatibo sa brain development ng iyong baby.
Bukod pa rito, maaari rin itong magdulot ng tinatawag na fetal alcohol syndrome. Kapag nagkaroon ng ganitong kondisyon ang iyong anak posibleng makaranas siya ng facial deformities, heart defects, at intellectual disability. Huwag na huwag iinom ng kahit kaunting alak para matiyak ang kaligtasan ng iyong anak.
Samantala, narito naman ang ilang pagkain na dapat iwasan habang ikaw ay buntis:
- Hilaw o hindi gaanong luto na isda, karne, at itlog. Mahalagang tiyakin na maayos ang pagkakaluto ng mga pagkain para maiwasan na maimpeksyon ng harmful bacteria ang iyong baby.
- Mga lamang loob ng karne. Marami mang bitama ang makukuha sa lamang loob ng karne, hindi nirerekomenda na kumain ng maraming animal-based vitamin A lalo na sa first trimester ng pagbubuntis. Posible kasi itong magdulot ng congenital malformations at miscarriage. Limitahan lang ang pagkain ng mga ito.
- Hilaw na gulay at hindi hinugasang prutas. Tiyakin na lutuin din nang maayos ang mga gulay. Iwasan muna ang pagkain ng salad. Huwag na huwag din kakain ng prutas na hindi hinugasan. Tiyaking hugasan nang maigi ang mga gulay at prutas para maiwasang maimpeksyon ng mga harmful bacteria tulad ng salmonella.
- Iwasan muna ang pagkonsumo ng processed junk foods. Mas mabuting ang kainin ay mga pagkain o snack na mayaman sa protein at healthy fats. Pati na rin mga pagkaing may fiber-rich carbohydrates tulad ng whole grains, beans, at starchy vegetables.
Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.