Ano ang benepisyo ng semen sa kalusugan ng babae? Ayon sa mga pag-aaral ay marami at isa na nga dito ay ang mas gawin tayong happy. Maliban sa inyong iniisip, may mas malalim pang dahilan kung paano ito nangyayari.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang kaibahan ng sperm at semen ng lalaki?
- Ang mga benepisyo ng semen sa kalusugan ng babae.
Ano ang pinagkaiba ng semen at sperm?
Photo by Dainis Graveris on Unsplash
Bago ang lahat, kailangan muna nating maintidihan na ang semen at sperm ay magkaiba.
Ayon sa Healthline, ang semen ay ang creamy, slightly yellowish, greyish o white fluid na lumalabas o nagle-leak sa ari ng lalaki sa tuwing siya ay gumagawa ng sexual activity, mag-ejaculate man siya o hindi.
Ang semen ay nagtataglay ng sperm na kapag naipares sa egg cells ng isang babae ay nagiging simula ng pagbubuntis. Pero maliban sa sperm ang semen ay nagtataglay rin ng iba’t ibang components. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Protein
- Water
- Sugar (Fructose at glucose)
- Sodium
- Citrate
- Zinc
- Chloride
- Calcium
- Lactic Acid
- Magnesium
- Potassium
- Urea
Benepisyo ng semen sa kalusugan ng babae
Maraming benepisyong naibibigay ang semen sa kalusugan ng mga babae. Sa kabuuan, ito nga ay ang magbigay saya, hindi lang basta ligaya ayon sa mga pag-aaral. Ito ang mga paliwanag ng mga pag-aaral kung paano ito nangyayari.
Nakakabawas ito ng depression ng mga babae.
Ayon sa isang 2002 study na ginawa ng mga researchers mula sa State University of New York, ang mga babaeng nai-expose sa semen ay mababa ang tiyansang makaranas ng depression.
Ito ay kanilang natuklasan matapos tanungin sa pamamagitan ng isang survey ang 293 na mga babaeng estudyante tungkol sa kung gaano kadalas gumagamit ng condoms ang kanilang partner na lalaki sa tuwing sila ay nagtatalik.
Sunod, inassess ang kanilang happiness o kasayahang nararamdaman sa pamamagitan ng Beck Depression Inventory. Ang mga magkakaroon ng score na 17 ay sa nasabing inventory ay maituturing ng moderately depressed.
Natuklasan nga ng mga researcher na ang mga babae na may partner na hindi gumagamit ng condom ay naka-score ng average of 8 sa nasabing inventory.
Habang ang mga babaeng may partner na minsan lang gumagamit ng condom kapag nakikipagsex ay naka-score ng 10.5. Ang madalas na gumagamit ng condom naman ay naka-score ng 11.3. Naka-13.5 na score naman ang mga babaeng hindi nakikipagtalik.
Dagdag pa ng pag-aaral, mas mahaba ang interval o pagitan sa dalas ng pakikipagtalik mas nagiging depress ang isang babae. Mas nakakaranas din ng depressive symptoms at suicide attempts ang mga babaeng regular na gumagamit ng condom kapag nakikipagtalik.
Photo by We-Vibe WOW Tech on Unsplash
Nakakapag-elevate ito ng mood.
Maliban sa mismong sexual activity, ang semen ay nakakatulong din na mapaganda ang mood ng isang babae. Ang paliwanag ng siyensiya kung bakit ito nangyayari ay dahil sa nagtataglay ang semen ng mga natural antidepressant properties at mood elevating compounds. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Endorphins
- Estrogen
- Prolactin
- Estrone
- Oxytocin
- Prostaglandins
- Thyrotropin
- Serotonin
Nakakatulong ito na magbigay ng maayos na tulog sa mga babae.
Ayon parin sa mga pag-aaral, ang semen ay nakakatulong rin na malunasan ang insomnia at mabigyan ng maayos na tulog ang mga babae. Ito ay nangyayari kahit pa linunok o kaya naman ay pumasok ang semen sa katawan vaginally at humalo sa ating bloodstream.
Paliwanag ng mga eksperto, dahil ang semen ay nagtataglay ng melatonin. Ang kemikal na ito ay nakakatulong na ma-relax ang isang tao at makatulog.
Pero maliban dito, nakakatulong din umano na magkaroon ng maayos na tulog ang isang babae sa tuwing siya ay nakakaranas ng orgasm o climax sa pagtatalik.
Nababawasan din nito ang stress, worries at issues na kaniyang nararanasan. Dahil sa ang mga feelings na ito kahit paano ay nailalabas niya sa tuwing nakikipagtalik.
“When a female reaches orgasm, she gets a feeling of ‘enough and nothing more. Oxytocin is released and that leads to a feeling of intense well-being.
The pain stimulus is less and you feel better in every way. But all this happens only provided she reaches an orgasm and climax.”
Ito ang pahayag ng sexologist na si Dr Prakash Kothari.
Ito ay puno ng vitamins na makakabuti sa katawan.
Paliwanang ng siyensya, ang isang kutsaritang semen ay nagtataglay ng higit sa 200 proteins at maraming klase ng vitamins at minerals.
Kabilang na nga rito ang vitamin C, calcium, chlorine, citric acid, fructose, lactic acid, magnesium, nitrogen, phosphorus, potassium, sodium, vitamin B12 at zinc.
Kaya naman ang paglunok nito ay maituturing umanong parang multivitamins na healthy sa ating kalusugan.
Nakakababa ng blood pressure ang paglunok ng semen.
Base naman sa isang 2003 study, ang regular na paglunok ng semen ng lalaki ay nakakatulong para mapababa ang blood pressure ng mga babae.
Ito nga ay magagawa sa pamamagitan ng oral sex na iniiuugnay rin sa pagkakaroon ng mababang tiyansa ng isang babaeng buntis na makaranas ng preeclampsia.
Ang preeclampsia ay isang komplikasyon sa pagbubuntis na resulta ng pagkakaroon ng mataas na high blood pressure ng isang babae.
BASAHIN:
Safe ba at maaaring mabuntis kapag nakipag-sex after menstruation?
Ano nga ba ang lasa ng semilya ng mga lalake?
Wet dreams? 9 na panaginip tungkol sa pagtatalik at mga ibig sabihin nito
Paano makukuha ng babae ang benepisyo ng semen sa kalusugan
May iba’t ibang paraan kung paano makukuha ng isang babae ang benepisyo ng semen sa kalusugan. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng paglunok nito, pakikipagtalik vaginally o sa pamamagitan ng anal sex.
Pero payo ng mga eksperto, ang paglunok sa semen ay hindi nakakasigurong magbibigay ng lahat ng benepisyo nito. Sapagkat karamihan ng compounds na mayroon ang semen ay nasisira ng acid ng ating tiyan.
Ang sublingual o ang pagbabad nito sa iyong bunganga para ma-absorb ng ilalim ng dila ang isa sa mas maganda opsyon kaysa lunukin ito.
Pero pinaka-effective pa rin ang sa pamamagitan ng vaginal route. Bagamat mahalagang tandaan ng mga babae na ito ay maaaring magdulot ng pagbubuntis. Lalo na kung siya’y hindi gumagamit ng mga contraceptive methods tulad ng IUD, injectable o implant.
Kung hindi pa handa na magbuntis at hindi gumagamit ng mga nabanggit na contraceptive method ay mabuting gumamit ng condom sa pakikipagtalik. Dahil baka imbis na makabawas ng stress ay makapagdulot pa ng malalang stress ang hindi planadong pagbubuntis.
Photo by We-Vibe WOW Tech on Unsplash
Mga dapat tandaan para sa ligtas na pakikipagtalik
Stress din ang maaaring maidulot ng semen kung ito ay nagtataglay ng impeksyon na maililipat sa babae. Ito ay ang mga sexually transmitted infection na maaaring makuha kung makikipagtalik ng walang proteksyon sa isang lalaking nagtataglay ng sakit.
Ang ilan sa mga sexually transmitted infection na maaring makuha ng babae mula sa semen ng lalaki ay ang sumusunod:
- Chlamydia
- Gonorrhea
- Syphilis
- Herpes
- Human Papillomavirus
- HIV
- Trichomoniasis
Kahit na ba gumamit ng condom sa pagtatalik ay maaaring makuha pa rin ng isang babae ang mga sakit na ito kung siya ay makikipag-oral sex. Lalo na kung siya ay may sugat sa loob ng bibig o mayroong poor oral hygiene.
Kaya naman paalala ng mga eksperto, mabuting kilalanin o siguraduhing walang sakit ang taong iyong makakapares sa pakikipagtalik. Kung sakali mang hindi sigurado ay mabuting gumamit ng proteksyon sa tulong ng condom.
Para naman maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis ay gumamit ng hormonal contraceptive methods. Tulad ng IUD, injectable, pills at implant saka mag-enjoy sa mga benepisyo ng semen sa kalusugan ng mga babae na nabanggit.
Source:
New Scientist, Healthline, Times of India, The Asianparent PH