Ang “play" o laro ay tumutukoy sa brain-building activity. Nakatutulong ito sa halos lahat ng areas of development ng bata habang tumatanda. Kaya dapat hindi pinagbabawalan ang kids na maglaro.
With this list of our best educational kids toys in the Philippines, they learn while having fun. Mahalagang part ng kanilang pagkabata ang paglalaro. Kaya nga tutulungan namin kayong maghanap ng mga laruang beneficial sa learning stage ng inyong mga anak.
Talaan ng Nilalaman
Best educational toys for kids in the Philippines
Excited na ba kayong maregaluhan ang inyong mga anak? Narito na ang aming listahan para sa best educational kids toys in the Philippines! Mamili sa iba’t ibang toys for kids na perfect for boys and girls!
Brand | Category |
Toys r Us Jago Multi-Builder Blocks | Best for dexterity |
Toy Kingdom Tooky Toy Chunky Farm Puzzle | Best for problem-solving |
Combuy Activity Cube | Best for fine motor skills |
Retail Mnl Whac A Mole | Most budget friendly |
Tots and Kisses Eco Mini Tower | Best parents’ choice |
Toys R Us Jago Multi-Builder Blocks Review
Best for dexterity
Magiging fun talaga ang experience ni baby sa pagbuo ng different shapes with the Toys R Us Jago Multi-builder Blocks. This is because nae-encourage nitong mag-isip para sa iba’t ibang hugis at bagay na maaaring mabuo ng toy.
Maaari silang samahan na makapag Do-It-Yourself para mas interesting ang magagawa nila. Ang assorted block set na ito ay mayroong 400 pieces kaya marami ang maaaring mabuo ni baby.
Plastic ang material para magaan lang na nadadala ng maliliit na kamay ng iyong anak.
What we love about it:
- 400 pieces.
- Assorted block set.
- Do-It-Yourself shapes.
- It can be shared with the family.
Toy Kingdom Tooky Toy Chunky Farm Puzzle Review
Best for problem-solving
Matututunan ng iyong anak kung paano ilagay ang right piece sa right space dahil sa Toy Kingdom Tooky Toy Chunky Farm Puzzle. Hinahayaan kasi ng toy na mag-isip ang baby kung para saan ba eksakto ang bawat piece.
Aside from that, matututunan niya rin ang iba’t ibang colors, as well as types ng hayop. Mayroong 10 na piraso na pwedeng i-explore ni baby kung papaano i-fifit sa mga swak na espasyo. Made of wood na rin ang toy para siguradong durable.
What we love about it:
- Great for early learning.
- 10 pieces.
- Different colors.
- Different shapes.
Combuy Activity Cube Review
Best for fine motor skills
Maraming mae-explore si baby sa Combuy Activity Cube. For sure ay made-develop din ang music learning niya dahil sa instruments na mayroon ito.
Using the little piano, maaari niyang simulang i-discover ang different sounds and melodies. May little drum din ito na kasama which can teach cause and effect.
In addition, bright and cute ang colors para makuha nito ang atensyon ng bata. Soft na rin ang edges para hindi na masugatan ang delicate skin ng iyong anak.
What we love about it:
- With music.
- Little piano and little drum.
- Soft edges.
- Bright and cute colors.
Retail Mnl Whac A Mole – Educational Toys for Toddlers Review
Most budget friendly
Pasok sa iyong budget for toys ni baby ang Retail Mnl Whac A Mole educational toy. For sure pa na magkakaroon ng extra laughs ang iyong little one dahil exciting ito laruin with its surprises.
Pagka-whack ni baby sa bola ay gugulong ito sa kabilang side. Guaranteed enjoyable ang experience, matututo pa si baby ng cause and effect. Colorful na rin ang mga bola na binubuo ng primary colors.
Mayroon nang kasamang box, isang hammer and four balls ang product.
What we love about it:
- 4 colorful balls.
- With hammer.
- With box.
Tots and Kisses Eco Mini Tower Review
Best parents’ choice
Sa dami ng toys sa market, alam nating mahalaga ang opinyon ng kapwa mommies and daddies. Kaya nga ang TAP Awards 2023 “Parents’ Choice Kids Toys" ay ang Tots and Kisses Eco Mini Tower. Mukhang simple siya tignan pero napakaraming benefits nito sa iyong baby.
Ang rainbow color ng toy ay nakatutulong sa iyong baby sa color recognition. Habang bata pa lang unti-unti na siyang nafafamiliarize sa iba’t ibang kulay. Habang natatanggal din ito sa pagkakastack para si baby pa mismo ang magbuo.
Hindi mo na rin need magworry dahil safe na safe ito, gawa kasi ang toy sa food-grade silicone. 100% ligtas para sa bata dahil walang kakapit na odor. Pwedeng-pwede mo rin linisin ito gamit ang steam or UV sterilizer.
What we love about it:
- TAP Awards 2023 “Parent’s Choice Kids Toys"
- Stacking toys
- Made from food-grade silicone
- 100% non-toxic and safe for kids
Price Comparison Table
Talaga namang hindi maitatanggi na helpful ang toys sa kids. Maraming development sa bata ang naitutulong nito. Kaya nga sa listahan namin ng best educational kids toys, saan kaya ang swak sa inyong budget? Narito ang aming price comparison table:
Brand | Price |
Toys r Us Jago Multi-builder Blocks | Php 400.00 |
Toy Kingdom Tooky Toy Chunky Farm Puzzle | Php 270.00 – Php 359.00 |
Combuy Activity Cube | Php 459.00 |
Retail Mnl Whac A Mole | Php 98.00 |
Tots and Kisses Eco Mini Tower | Php 599.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Anu-ano ang benefits ng educational kids toys?
Nakaaaliw na mapanuod ang mga anak na nagsasaya at nag-eenjoy sa kanilang paglalaro. Mas nagiging masaya kasi sila dito at nao-occupy pa ang kanilang time. Alam niyo ba mommies and daddies kung ano pa ang nakakatuwa sa tuwing sila ay maglalaro?
Natututo rin sila! Lalo na kung ang mga laruang mayroon sila ay for educational purposes.
Ang educational toy ay tumutukoy sa mga laruang tumutulong sa mga bata upang matututo. Ginagawa ang toys na ito para talaga matulungan ang kids na lalong madevelop ang certain skills nila. Ang ilan sa mga maaaring skills na ma-develop nito ay:
Problem-solving
Dahil sa mga laruan maaaring mamulat ang bata sa real world at mapaunlad niya kung papaano sinosulusyunan ang mga bagay-bagay. May mga toys kasing hinahayaan silang mag-solve ng problem na kusa rin nilang mafifigure out.
Fine motor skills
Sa paglalaro ng bata, nae-engage rin ang kanilang physical body. May particular toys na ang purpose ay ma-develop ang small muscles nila para makagawa ng precise movements. Halimbawa na lang kung mapauunlad nila ang dexterity, ibig sabihin may skills sila sa mga gawaing involved ang kamay.
Creativity
Ang ilang laruan ay hinahayaan ang mga bata na bumuo ng mga bagay-bagay. Sa ganitong paraan natututunan nilang mag-explore with different shapes at colors na maaaring ma-develop into hobbies. Dito rin nagsisimulang malaman nila ang iba’t ibang talent nilang taglay.
Music learning
Ginagawa ang toys kadalasan na may kasamang musical features. Sa pamamagitan kasi nito ay nakukuha ang atensyon ng baby para mas maging interested silang laruin. Pwede nilang mapaunlad ang talent nila sa pagtugtog kung may mga ganito silang laruan.
Academic learning
Makakatulong din sa kanila ito sa iba’t ibang larangan ng academics. May mga laruan kasing may engagement sa numerical, alphabet at science. Ang toys na ito ang nagsisilbing first step nila sa learning dahil maaari na agad nilang marecognize ang letters at numbers.
How to choose the best educational kids’ toys
Lahat naman ng educational toys ay may benefit for your little one. Kailangan lang i-consider kung ano ang magma-maximize sa learning ng iyong anak para mas maging beneficial pa ito.
Para hindi na mahirapang mag-isip, inilista namin ang mga dapat tandaan when choosing the best educational toy for your little ones.
- Purpose – Para saan ang bibilhing toy? Ano ang partikular purpose nito? Dapat ay may kinalaman sa kung ano ang nais mong mapaunlad na area of learning ni baby. Kung nais ng toys na matutulungan si baby sa letters, maaaring bumili ng toys na mayroong alphabet.
- Quality – Gusto natin na pangmatagalan ang laruan. Check kung durable and safe ang materials na ginamit sa laruan. Ito ay para na rin magamit niya ang laruan for a long period of time or mapasa pa sa ibang mga kapatid in the future.
- Child’s interest – Hindi lahat ng laruan ay ikatutuwa ng iyong anak. Alam mo dapat kung ano ang kumukuha ng kanyang attention at interest para mas ma-enjoy niya ang experience.
- Price – Huwag bumili ng masyadong mahal. Pumili lang ng mga toys na may tamang presyo na aakma sa quality nito.