Best Fire Truck Toys Philippines Na Siguradong Magugustuhan Ng Iyong Kids

Timeless ang fire truck toy dahil sa kulay nito at maaring maituro nito sa anak. Heto ang best fire truck toys sa Philippines.

Popular favorite ng kids ang fire truck toys Philippines dahil sa attractive bright color, lights, at sirens nito. Isa ito sa mga timeless toys na maaaring ipasa from generation to generation sa ating pamilya.

Maganda ang fire truck toy para ma-develop ang coordination skills ng inyong kids at mapalawak ang kanilang imagination. Narito ang best fire truck toys sa Philippines para sa inyong chikiting.

Siguradong mabu-boost din ang energy ng kids sa paglalaro ng toy fire truck habang feel na feel nila ang pagiging hero na pumupuksa ng apoy at nagliligtas ng mga nasunugan. 

Helpful din ang fire truck toy kung nais niyong simulang i-introduce sa kanila ang iba’t ibang civic institutions.

Matuturuan din ang kids at mahihikayat na maging matapang, mabait, maunawain, at responsible dahil talagang inspiring ang mga fire fighters na heroes sa tunay na buhay.

 

Benefits ng paglalaro ng fire truck toys sa kids

Maraming benepisyo ang makukuha ng inyong kids sa paglalaro ng fire truck toy. The best ang laruan na ito sa pag-develop ng iba’t ibang skills ni baby.

Hand-eye coordination

Beneficial sa pag-develop ng hand-eye coordination skills ang paglalaro ng fire truck toy.

Matututunan ng kids kung paano gabayan ng kanilang mga mata ang kanilang mga kamay tuwing mayroong feature ng fire truck na kailangan nilang gamitin habang naglalaro.

Bilateral coordination

Tumutukoy ito sa kakayahang gamitin o pakilusin ang magkabilang bahagi ng katawan in a coordinated way.

Maari niyang ma-exercise ang kaniyang bilateral coordination skills sa pagtalon, pagtakbo, at pagsunod sa kaniyang toy fire truck habang nagpre-pretend play.

Imagination

Sa paglalaro ng fire truck toy siguradong ma-eenjoy ng inyong little fire fighters ang kanilang imaginative world.

Sa tunog ng sirena, screeching wheels, at water hose nito ay ma-iimagine niyang nasa totoong eksena siya ng pagpatay ng sunog.

Cognitive ability

Mahalagang unti-unting maituro natin sa ating kids ang iba’t ibang bagay sa mundo tulad ng mga civic institutions.

Sa paglalaro ng fire truck toy, mamumulat ang inyong kids kung ano ang ginagawa at ang halaga ng fire fighters sa mundo.

Responsibility

Dahil talagang inspirasyon sa atin ang mga fire fighters, matuturuan ang kids na maging responsible, magkaroon ng empathy, at tumulong sa kapwa.

 

Mga dapat tandaan sa pagpili ng fire truck toys Philippines

Kung titingin ka ng fire truck toy sa mga tindahan o online store mapapansin mong napakaraming variations ng laruang ito. Makabubuting alamin kung ano ang akmang fire truck toy para sa iyong anak.

Angkop sa edad

Mahalagang malaman kung angkop ba sa edad ng inyong anak ang bibilihing fire truck toy.

Kung toddler pa lang ang inyong anak, mas mabuting pumili ng fire truck toy na may feature na hindi komplikado para sa kaniyang edad.

Para naman sa older kids, pumili ng fire truck toy na hindi boring ang features.

Safety

Alamin kung saang material gawa ang fire truck toy at kung paano ito laruin upang matiyak na angkop sa inyong anak ang mapipiling laruan.

Features

Tingnan kung ano ang features ng pipiliing fire truck toy: ito ba ay umaandar, tumutunog, umiilaw, at kung paano ito laruin.

Alamin kung ito ba ang akma na fire truck toy para sa skills na nais niyong matutunan ng inyong kids.

 

5 Best fire truck toys Philippines for your kids

Narito ang ilan sa best fire truck toys in the Philippines na maaaring makatulong sa development ng inyong kids.

Best Fire Truck Toys for Your Kids
Electric Fire Truck
Best for developing motor skills
Bumili sa Shopee
Paw Patrol Rescue Fire Truck
Best for imaginative play
Bumili sa Shopee
Remote-Control Fire Truck
Best for learning to follow directions
Bumili sa Lazada
4 in 1 Rescue Fire Truck Toys
Best for cultivating fire protection consciousness
Bumili sa Lazada
LEGO City Fire Station
Best for introducing civic institutions
Bumili sa Shopee

 

Electric Fire Truck Review

Best for developing motor skills

Kayang umandar ng Electric Fire Truck toy na ito nang pa-forward, pa-backward, at pwede ring umikot ng 360 degrees sa kahit saang flat surface. Kapag nabunggo ito sa wall o ibang bagay ay automatic na magbabago ito ng direksyon.

Best para i-exercise ang motor skills ng inyong kids habang nakikitakbo siya sa Electric Fire Truck patungo sa scene ng sunog sa kaniyang imaginative world.

Made-develop ang bilateral coordination skills ng inyong anak sa paglalaro ng fire truck toy na ito na hindi lang umaandar bagkus ay umiilaw at tumutunog din.

Mga nagustuhan namin dito

  • Recommended age: 1 to 3 years old.
  • Safe: Gawa sa non-toxic plastic material na safe sa kids.
  •  Feature: May siren at beeping sound ito na magsisilbing alerto sa imaginative play ng kids na mayroong nagaganap na sunog. May multi-colored 3D lights din ito na makikita sa itaas at bintana ng fire truck toy. Aandar gamit ang tatlong AA batteries.

 

Paw Patrol Rescue Fire Truck Review

Best for imaginative play

Popular sa mga toddler ang Paw Patrol kaya mas magiging strong ang imagination ng kids sa fire truck toy na ito.

Lalo na at hindi lang fire truck ang kasama sa package kundi mga character figures ng Paw Patrol. Kumpleto ang cast sa kanilang imaginary world.

Mafi-feel talaga ng kids na totoong fire fighters sila sa pag pindot ng button upang i-launch ang pretend water cannons ng Paw Patrol Rescue Fire Truck.

Maaari din nilang i-extend ang ladder, i-roll out ang mini fire cart, at gamitin ang working claw arm.

Mga nagustuhan namin dito

  •  Recommended age: 3-6 years old.
  • Safe: Gawa sa PVC plastic material na safe sa mga bata. Inertial toy ang fire truck na ito kaya’t mas madalas na sa loob lang ng bahay o indoor maaaring laruin kaya tiyak na mababantayan ang kids.
  • Features: May 2 ft. extendable ladder, mini fire cart, light, sounds, 4 Paw Patrol character figure, 4 projectile launcher, 3 mini cars, 3 water guns, na perfect para sa action-packed mission ng kids sa kanilang pretend play.

 

Remote-Control Fire Truck Toys Philippines Review

Best for learning to follow directions

Siguradong hindi mabo-bored ang kids sa Remote-Control Fire Truck toy na ito na gawa ng local supplier in the Philippines.

Multi-functional ang fire truck toy na ito na maaaring paandarin nang pa-forward, backward, left, at right turn kaya best for kids upang matutunan ang tamang pagsunod sa direksyon.

Beneficial din ito sa pag-exercise ng motor and coordination skills ng inyong kids. Environment friendly ang AA lithium battery na gamit upang mapaandar ito. Pwedeng i-charge gamit ang USB charger.

Perfect gift ito para sa kids dahil sa realistic appearance ng toy fire truck. Nasa 13 inches ang sukat ng Remote-Control Fire Truck toy at may light at siren feature na may radio range na aabot hanggang 85 feet.

Mga nagustuhan naming dito

  • Recommended age: 6-7 years old.
  • Safe: Gawa sa durable at anti-collision plastic material at wear resistant rubber tires na safe sa mga bata. Siguraduhin lang na mabantayan ang kids sakaling laruin niya ang fire truck toy outdoor upang maiwasang maaksidente sa pagsunod dito.
  •  Features: May water tank ang fire truck toy na ito na kayang mag-spray ng large capacity ng tubig, nasa 3m spray distance, adjustable spray angle, at 360° rotating spout. May siren warning light at sound din ito na ma-eenjoy ng kids.

 

4 in 1 Rescue Fire Truck Toys Philippines Review

Best for cultivating fire protection consciousness

Kung gusto niyong unti-unting maging aware ang inyong kids sa fire protection at functions ng mga gamit ng firefighters, perfect toy ang 4-in-1 Rescue Fire Truck Toys.

Ang kada package ay mayroong apat na maliliit na fire truck toys na may iba’t ibang disenyo.

Best fire truck toys ito para iintroduce sa kids ang iba’t ibang uri ng fire trucks and engines at kung ano ang gamit nito sa pag-apula ng apoy.

Gawa ito ng local supplier sa Philippines. Simple lang ang disenyo at hindi komplikado ang features na best for toddlers dahil madali nilang maiintindihan kung paano laruin ang 4-in-1 Fire Truck Toys.

 Mga nagustuhan namin dito

  • Recommended age: 3 years old pataas.
  • Safe: Gawa sa durable at non-toxic plastic na safe sa kids. Wala rin itong sharp edges na maaaring makasakit sa kids habang naglalaro.
  • Features: Apat na iba’t ibang model ng fire truck ang laman ng bawat package; isang may extendable ladder, isang may water tank; isang may rescue cart, at isang may projectile launcher.

 

LEGO City Fire Station Review

Best for introducing civic institutions

Best ang fire truck toy na ito para sa mga LEGO lover. Ang ganitong uri ng fire truck toys ay super beneficial sa development ng kids.

Maaari itong makatulong sa pag-boost ng kanilang fine motor skills, teamwork, and communication skills, resilience at perseverance, problem-solving, at creative thinking.

Perfect din ang LEGO City Fire Station sa pag-introduce sa kanila sa iba’t ibang civic institutions; kung anong meron sa isang fire station at kung gaano kahalaga ang firefighters sa mundo.

Ang LEGO City Fire Station ay 3-level fire station na may office, relaxation room, scout tower, small waterside dock, separate garage na may large opening front door at landing pad para sa detachable scouting drone with spinning rotors at camera.

Mga nagustuhan namin dito

  •  Recommeded age: 6 years old pataas.
  • Safe: Gawa sa plastic material na safe sa kids. Iwasan lang palaruan sa mga batang hindi sakop ng recommended age dahil maaaring maisubo nila ang mga piraso ng fire truck toys na ito.
  •  Features: Kompletong modelo ng totoong fire station. May fire off-road vehicle din na may stud-shooting fire hose at working light and sound brick, water scooter, 4 mini firefighter figures, at fire station dog figure.

 

Price Comparison: Fire Truck Toys Philippines

Hanap niyo ba’y fire truck toy na angkop sa inyong kids at swak sa inyong budget? Narito ang price comparison ng best fire truck toys na mayroon sa Philippines.

Product Price
Electric Fire Truck  Php 240.00
Paw Patrol Rescue fire truck Php 3,088.00
Remote-Control Fire Truck Php 1,199.00
4 IN 1 Rescue Fire Truck Toys  Php 269.00
LEGO City Fire Station Php 5,600.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

 

Kung gusto naman ng mas level up na creative play para sa iyong anak, basahin: Playhouse For Sale Philippines: Best Para Sa Inyong Imaginative Kids

Sinulat ni

Jobelle Macayan