“Paano gumamit ng pills?” Isa ito sa madalas na naitatanong sa amin dito sa theAsianparent. Sa artikulong ito tatalakayin natin kung ano ang contraceptive method na available dito sa Pilipinas na maaari mong subukan. Narito ang iba’t ibang birth control method na maaaring gamitin.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang contraceptive? Iba’t ibang birth control method na maaaring gamitin
Programa ng pamahalaan ang Family Planning o ang pagtuturo ng iba’t ibang paraan ng birth. Prayoridad ng Department of Health (DOH) ang public health program na ito para mabigyan ng sapat na impormasyon tungkol sa reproductive health ang bawat pamilyang Pilipino.
Ito ay mahalaga upang makapili ng birth control method na maaaring gamitin para sa pamilya na aayon sa paniniwala at sitwasyon nila.
Ito ay para sa mga kababaihan at kalalakihan mula 15 hanggang 49 taong gulang—oo, kasama ang mga adolescents.
Ang Pilipinas ay may 24 births sa bawat 1,000 katao— 66th na pinakamataas sa 226 na bansa, ayon sa United Nations at Central Intelligence Agency.
Responsible Parenthood
May mga prinsipiyong basehan ng programang ito. Ang Responsible Parenthood ay mahalagang bahagi ng itinuturo ng programa ng DOH.
Ang ibig sabihin ay may karapatan at responsibilidad ang mga magulang na magdesisyon kung ilan ang gusto nilang anak. At kung paano nila matutugunan ang pangangailangan ng mga ito.
Kaya itinuturo din ang Birth Spacing (ideally ay nasa 3 taon ang pagitan ng bawat anak). Ito ay upang mabigyan ng pansin ang pangangalaga ng isang ina sa kaniyang kalusugan, at maka-recover muna siya sa bago magbuntis ulit.
Ang Responsible Parenting naman ay ang pagtuturo ng tamang paraan ng pagpapalaki at pagbibigay ng edukasyon sa mga bata para maging mabuting mga mamamayan.
At ang isa sa mahalagang prinsipyong pinanggagalingan ng programang Family Planning ay ang pagkakaroon ng Informed Choice ng mga magulang.
Ito’y para maitaguyod ng mag-asawa o mga magulang ang karapatan nilang magdesisyon kung ilan ang magiging anak, at kailan sila mag-aanak, at nagpapaalala na ang pagpaplano ng dami ng anak ay may direktang epekto sa kalidad ng pamumuhay ng kanilang buong pamilya.
Katuwang ng DOH ang mga LGUs, NGOs, at ang pribading sektor, kasama rin ang mga communities sa paghahatid ng programang Family Planning sa buong Pilipinas.
Ang paggamit ng contraceptive ang isang bagay din na dapat ikinukunsulta sa iyong OB GYN. Siya ang makakapagpaliwanag nito ng maigi. Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., ang budget para sa Family Planning Program, na para sa Women’s and Men’s Health Development Component ng Family Health and Responsible Parenting Program ay P2Billion.
Nakalaan ito para gastusin ng DOH para sa pambili ng mga contraceptives na maipapamahagi sa mga mahihirap at local health centers.
Birth control method na maaaring gamitin: Ano ang magandang contraceptive?
1. Condom
Gawa sa latex (kaya’t tinatawag ding “rubber” ng iba), plastic (polyurethane, nitrile, or polyisoprene), o lambskin na isinusuot sa ari ng lalaki sa oras ng pagtatalik para makolekta ang semen at mapigilan sa pagpasok sa vagina ng katalik.
Sa ganitong paraan hindi magkikita ang egg at sperm at hindi mabubuntis. Isa rin itong paraan para maiwasan ang pagkalat o pagkahawa sa STD, maliban kung lambskin condom ang gamit, dahil latex and plastic condoms lamang ang epektibo laban sa STD.
Mabibili ang iba’t ibang uri ng condom sa mga botika, groceries, at convenient stores sa halagang P25 hanggang P80. Sa mga lokal na Health Centers ay makakakuha naman ng libre.
Mayron na ring condom dispensers ang nilagay sa pamumuno ng Save the Children at grupong LoveYourself, para sa HIV awareness at safe sex.
Ang Safe Spaces project na ito ay naglagay ng hanggang 30 condom dispensers sa kalakhang Maynila. Ito ay plano nilang paabutin ng 150 locations ngayong taon. May mobile app na na magsasabi kung saan makikita ang dispensers para mapuntahan ng mangangailangan.
Nasa 98% lamang ang effectivity ng condoms, kung gagamitin ng tama. May mga nabubutas din at may mga babaeng allergci dito kaya’t ito ang nagiging problema sa paggamit nito.
Ano ang contraceptive: Paraan sa paggamit ng pills
Paano gamitin ang pills? Ang birth control pills ang pangalawa sa pinaka-killaang contraceptive, kasunod ng condom. Ito ay gamot na may hormones na iniinom araw araw, sa parehong oras, sa loob ng 21 days.
May mga banig ng pills na 28 ang laman, paro ang 7 dito ay duds o walang bisa, pero ginagamit para lang masanay ang babae sa pag-inom nito.
Kapag kasi nakaligtaan mo ang pag-inom, maaaring mabuntis kung nakipagtalik. Kaya’t dapat ay hindi ito makakalimutan, lalo kung aktibo sa sex at ayaw mabuntis. Ang hormones na taglay nito ang pumipigil sa ovulation.
Tulad ng injection, pinapakapal din nito ang mucus sa cervix. Ginagamit din ito para ma-regulate ang hormones, sa kaso ng Polycystic Ovary Syndrome (PCOS).
May doctor’s prescription din ang pagkuha nito, at mabibili sa mga botika. May mga OB GYN na nagbibigay ng libreng sample para mahanap ang uri ng pill na babagay sa katawan o sistema ng babae. Mayroon ding mga binibigay na libre sa ibang health centers.
May mga nahihilo at sumasakit ang ulo, at nakakaramdam ng sore breasts. Maaari ring magkaroon ng venous thromboembolism (VTE) o blood clots sa ugat.
Pati na deep vein thrombosis o DVT at pulmonary embolism o PE na sanhi ng blood clots. Pinapayo ng mga doktor na huwag uminom ng birth control pills ang mga may varicose veins,mga hypertensive o diabetic.
Ang presyo ng bawat banig ay mula P45 hanggang P944.30. Mahalagang malaman kung paano gamitin ang pills para maging safe ang kalusugan ng babae.
Ano ang IUD (Intrauterine Device)?
Isang maliit na device gawa sa flexible plastic na ipinapasok sa uterus para hindi mabuntis. May 2 uri nito: Ang non-hormonal type na balot sa copper, at may spermicide, at maaaring epektibo hanggang 10 taon.
Ang hormonal IUD o hormone-secreting IUD (tulad ng Mirena) ay gumagamit ng hormone na progestin para mapigilang pagbubuntis, at epektibo hanggang 5 taon. Nasa 99% ang effectivity nito, ayon sa mga tala, o 1 sa bawat 100 kababaihan ang hindi nabubuntis sa paggamit ng IUD.
Ang hormone-secreting IUD ay maaaring maging sanhi ng irregular bleeding sa unang 3 buwan pagkalagay nito. Ang copper IUD ay maaaring maging sanhi ng malakas na pagdurugo kapag may buwanang dalaw. May mga naitala ang DOH na hanggang 30% ng mga gumagamit ng IUD ang hindi nadadatnan ng mensturation nang maglagay ng IUD.
Ang IUD ay nangangailangan ng doctor’s prescription at ang isang propesyonal na trained health service provider lamang ang maaaring maglagay sa isang babae.
Ang Copper IUD ay nasa P10,000 hanggang P15,000, at ang Mirena ay nasa P15,000 hanggang P20,000, bukod pa sa insertion fee. Sa mga health centers, ang copper IUD ay libre, pati ang pagpapalagay nito.
Ano ang Depo-Provera, o injection?
Ang birth control injection na depot medroxyprogesterone acetate (DMPA) ay iniiniksyon tuwing maka-3 buwan. May taglay itong hormone na progestin, na pumipigil sa ovulation kaya’t hindi mabubuntis ang isang babae. Pinapakapal rin nito ang cervical mucus para hindi makapasok ang sperm. Ligtas ito para sa mga nagpapasusong ina.
Ang pagpapainiksyon nito ay nangangailangan din ng prescription ng doktor. Maaaring magpa-injection sa mga pribadong clinic, at libre rin ito sa mga health center.
Nasa 99% ang effectivity nito, basta huwag kalimutan ang pagpapaturok maka-3 buwan. Ang Depotrust injection ay nasa P120 (di pa kasama ang administration/injection fee).
May mga nagsabi na nagpapagana itong kumain kaya’t bumibigat ang timbang ng babae. Sanhi din ito ng malakas na kabuwanang dalaw para sa iba, Ang ibang posibleng side effects ay pagkahilo, pagsakit ng ulo, at breast tenderness.
Ayon sa Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012, ang mga kababaihan, lalo ang mga mahihirap ay kailangang may access sa reproductive health information at services: “recognizes the right of Filipinos to decide freely and responsibly on their desired number and spacing of children.” Nasa 6 milyong babae sa Pilipinas—kasama ang 2 milyong mahihirap—ang ngayon ay makakakuha na ng libreng contraception. Ayon sa programang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
DOH.gov.ph, World Health Organization, Association of Reproductive Health Professionals, Likhaan Center for Women’s Health
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.