Bungang Araw: Ano ang gamot at bakit nagkakaroon nito?

lead image

Alamin kung paano malulunasan ang makakating bungang araw sa pamamagitan ng mga lunas na matatagpuan at magagawa sa loob lang ng inyong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ubod ng kati at kung minsan pa ay mahapdi ang maliliit na kulay pulang bilog na tumutubo sa katawan. Ito ang kadalasang makikita mo sa taong mayroong bungang araw. Ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon nito? Ano-ano ang natural na gamot para rito na available sa loob ng bahay? Paano nga ba mawala ang bungang araw? Ang lahat ng iyan, bibigyan natin ng kasagutan.

Ano ang kahulugan ng bungang araw?

Bungang Araw: Ano ang gamot at bakit nagkakaroon nito?

Madalas na nakakairita sa pakiramdam ang pagkakaroon ng bungang araw, ano ba ang mabisang gamot para dito? | Image from Healthgrades

Napapansin mo ba na sa tuwing papalapit ang summer ay kaliwa’t kanan ang nagkakaroon ng bungang araw? Ito ay dahil ang bungang araw ay isang kondisyon sa balat na madalas nating nararanasan sa tuwing mainit ang panahon. Tinatawag din ang bungang araw sa english na prickly heat o sweat o heat rash.

Ilan sa maaaring sintomas ng pagkakaroon nito ay mga butlig sa balat na makikita mong namumuti o kaya naman namumula. Kung minsan, maliban sa makati na nga ito, mainit pa sa pakiramdam at mahapdi lalo kung nahahawakan.

Ang kondisyon sa balat na ito ay maaaring maranasan ng bata man o matanda. Mas madalas nga lang itong nararanasan ng mga bata dahil sa hindi pa ganap na nagde-develop ang kanilang sweat glands.

Ito ay maaring tumubo o lumabas sa kahit anong parte ng katawan. Pero mas madalas ang bungang araw sa mukha, leeg, balikat, singit, dibdib at ating likuran.

Kung sa tingin mo si baby ay may bungang araw sa mukha mas mainam na ipatingin siya sa doktor. Ayon kasi sa experts, mahalagang malaman kaagad kung heat rash ba talaga ito o kaya naman tigdas o measles na.

Mga uri ng bungang araw

Hindi lamang isa ang bungang araw, mayroon din itong iba’t ibang uri ayon sa Mayo Clinic. Matutukoy mo ang bawat isa sa kanila sa ipinapakitang sintomas.

Miliaria Crystallina

Ang unang uri ay tinatawag na miliaria crystallina. Ito ang itinuturing na pinaka-mild na uri ng bungang araw. Ang naapektuhan lang nito ay ang sweat ducts sa pinaka-itaas na layer ng balat.

Ito ay matutukoy sa pamamagitan ng mga mapuputing butlig na mayroong pawis sa loob nito. Ang uri ng bungang araw na ito ay karaniwang hindi makati o mahapdi. Mas madalas na umaapekto o nararanasan ito ng mga sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Miliana Rubra

Ang miliana rubra naman ang pangalawang uri ng bunganga araw na madalas na nararanasan ng mga bata at matanda. Naapektuhan nito ang ilalim ng balat.

Kaya naman ito ay madalas na makati o mahapdi at maaaring mamaga at magkaroon ng nana na tinatawag na miliaria pustulosa.

Miliaria Profunda

Ang ikatlong uri naman ay tinatawag na miliaria profunda na nakakaapekto sa dermis o pinakamalalim na layer ng balat. Bibihirang nararanasan ang uri ng bungang araw na ito. Ito’y nagdudulot din ng malalaki at mapupulang pantal sa balat.

Samantala, ayon naman sa health website na Healthline, ang mainit na panahon ang isa sa mga nag-tritrigger ng pagkakaroon ng bungang araw sa ating katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat sa tuwing mainit ang panahon, ang ating balat ay mas nagpapawis at naiinitan. Ang resulta nito ay nagbabara ang ating sweat ducts o daanan ng pawis. Hanggang sa ang pawis ay maiipon at magiging bungang araw.

Maliban sa mainit na panahon, ang pagsusuot ng mainit na kasuotan at matagal na pagkakahiga ay maari ring magdulot ng bungang araw sa ating katawan.

Bungang araw sa baby

Mas lapitin ng pagkakaroon ng bungang araw ang mga baby kaysa sa adult. | Image from WebMD

Samantala, pagdating sa mga nabanggit na dahilan, ay narito ang ilang pang rason kung bakitang baby ay mas prone sa bungang araw.

  • Sila ay may little control sa kanilang kapaligiran at hindi pa nila kayang alisin ang extra clothing o damit sa oras na sila ay naiinitan.
  • Wala rin sila pang kakayahan na umalis sa isang lugar na mainit o maalinsangan.
  • Hindi pa ganap na develop ang katawan nila at nahihirapan pa itong mag-regulate ng kanilang temperatura.
  • Mas marami rin silang skin folds o nakatuping bahagi ng balat na maaring pagsisikan ng init at pawis ng kanilang katawan.

Bungang araw symptoms

Para sa baby na mayroong bungang araw, narito ang ilan sa mga sintomas na mapapansin mo sa kanyang balat

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang araw bago mawala ang bungang araw

Dahil nga sa hindi komportableng pakiramdam na dala ng bungang araw, marami ang nagtatanong kung mabilis lang ba ito mawala.

Kapag nagsimula nang lumamig ang iyong katawan, maaaring mawala na ang bungang araw sa loob ng isang araw. 

Sa karaniwan, ang mga pantal sa init ay tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw. Ang mas matinding mga pantal sa init ay maaaring tumagal ng hanggang ilang linggo nang walang paggamot.

Kung mayroon kang matinding pantal sa init na hindi nawawala sa paggamot sa bahay, makipag-ugnayan sa iyong doktor. Ganito rin ang dapat gawin para sa mga baby. 

Ano ang pinaka mabisang gamot sa bungang araw

Ang bungang araw ay kusa namang nawawala lalo sa adults. Kung nais mong mas maginhawaan sa sintomas na dala na idinudulot nito, mayroong iba’t ibang paraan na maaaring subukan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa opinyon ng experts, narito ang mga natural na gamot sa bungang araw na maari ninyong gawin o makita sa loob lang ng inyong bahay.

Bungang araw remedy adults

Ito ang ilang remedies na maaaring i-try para magamot ang bunganga araw kahit sa loob lamang ng bahay. | Image from Surviving Mesothelioma

  1. Pag-aapply ng cold compress sa balat gamit ang ice pack o malamig na towel. Sa pamamagitan nito, maiibsan ang pamumula, pangangati at pamamaga ng balat.
  2. Pagligo sa malamig na tubig o shower. Makakatulong ang paggamit ng gentle exfoliant sa paliligo upang mabuksan ang nagbabarang pores ng balat.
  3. Gumamit ng electric fan o air conditioner sa bahay upang maibsan ang maalinsangan na pakiramdam.
  4. Magsuot ng maluluwag na kasuotan. Sa ganitong paraan hindi naiirita ang balat at mabilis na maiinitan. 
  5. Gumamit ng powder rito o tinatawag na prickly heat powder. Kung walang prickly heat powder, gumamit ng baby powder o baking soda. Payo ni Dr. Willie Ong, para maibsan ang nararamdamang kati dulot ng bungang araw ay maghalo ng 1 basong tubig at 1 kutsaritang baking powder. Saka magsawsaw ng tuwalya sa pinaghalong solution at ipahid sa katawan ng 10-15 minuto.
  6. Pag-aapply ng aloe vera sa balat na may bungang araw. Ito ay may inflammatory properties na nakakatulong na malunasan ang iritadong balat.
  7. Pag-apply ng calamine lotion sa apektadong parte ng katawan upang ito ay maginhawaan at maibsan ang pangangati.

Para naman sa mga baby, makakatulong din ang mga sumusunod na hakbang para sa remedy sa discomfort na dulot ng bungang araw.

Maaari mo ring sundin ang mga bagay na ito para magamot ang bungang araw kay baby. | Image from Freepik

  1. Ilipat sila sa mas cool o malamig na bahagi ng bahay sa oras na may mag-labasang rashes sa balat nila. Ito ay para maiwasan pa ang patuloy na pagtubo sa katawan. 
  2. Siguraduhing cool at dry ang kanilang balat. Palaging i-check kung hindi ba sila natutuyuan ng pawis. 
  3. Punasan ng towel o hugasan ng cool water ang apektadong balat ng sanggol. Siguraduhing maayos itong patutuyuin at lalabhan.
  4. Regular ding linisan ang mga skin folds ng sanggol para masigurong walang naiipon ditong pawis na nakakapagpalala pa ng rashes sa kaniyang balat. Madalas sa mga parteng ito tumutubo ang ilan sa mga pangangati. 
  5. Kung mainit ay hayaan na munang nakahubad ang sanggol. Dito mas kailangan nila ng hangin sa balat para hindi sila matuyuan ng pawis.
  6. Siguraduhing well-hydrated si baby. Padedein siya kung nais niya. Kung maari naman siyang uminom na ng tubig ay painumin siya lagi nito.
  7. Huwag basta gumamit ng rash creams kay baby kung hindi inirerekumenda ng doktor.

Ano ang mga mabibiling gamot at treatment sa bungang araw

Para naman sa malalaking bata at sa adults, may mga gamot at treatment sa bungang araw ang maaring mabili sa botika o drugstore na malapit sa inyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga pwedeng treatment ay tulad ng over-the-counter antihistamine na hydroxyzine at diphenhydramine para maibsan ang pangangati. Mas mabuti lang na inumin ito sa gabi dahil sa ito ay maaring magdulot ng pagkaantok.

Maaari ring mag-apply ng hydrocortisone cream sa balat 1-2 beses sa isang araw. Makakatulong rin ito upang maibsan ang pangangati sa balat. Isa ito na inirerekumendang gamot para sa rashes ng mga sanggol at bata.

Gawgaw bilang remedy para sa heat rash ni baby

Narinig mo na ba na ginagawang gamot ang gawgaw sa heat rash?

Ginagamit ang gawgaw o corn starch batay sa tradisyon ng mga nakakatanda bilang remedy sa bungang araw. Pinagiginhawa ng gawgaw ang nararamdamang pangangati ni baby sa mga bahaging may heat rash at naa-absorb nito ang sobrang pawis sa balat. Mag-apply lamang ng gawgaw sa mga apektadong area ng balat kapag nakakaramdam ng init si baby.

Maliban sa gawgaw, may iba pang home remedy na natural na maaaring gamitin. Ang mga ito ay oatmeal, baking soda, aloe vera, at Epsom salt.

Sa kabila nito, mas mainam pa rin naman na kumonsulta sa inyong doktor. Ito ay upang mas epektibo at safe na remedy ang maibigay niya sa iyo at sa baby.

Paano ito maiiwasan?

Dahil nga sa labis na pangangati at nakakairitang pakiramdam, marami ang ayaw magkaroon nito. Para maiwasang magkaroon nito sa iyong balat ay narito ang mga bagay na dapat tandaan:

  1. Huwag magtagal sa maiinit na lugar kung maaari.
  2. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na damit lalo na kung ito ay gawa sa telang makapal at mainit sa katawan tulad ng polyester.
  3. Huwag maglalagay ng malapot na lotion o oil sa iyong balat sa tuwing mainit ang panahon.
  4. Maligo araw-araw upang mapreskuhan.
  5. Iwasang matuyuan ng pawis.

Sa oras naman na makitang ang rashes sa katawan ay nag-nanana at nagdudulot ng lagnat sa taong may taglay nito ay oras na upang hingin ang payo ng doktor. Dahil maaaring ito’y palatandaan na ng impeksyon sa balat na dapat agad ng malunasan.

Ano ang pinagkaiba ng tigdas at bungang araw

May malaking pagkakaiba ang heat rash at tigdas o measles na parehong pwedeng mangyari kay baby. Ang isa ay bunga ng virus at ang isa naman ay bunga ng mainit na panahon. Mahalagang malaman kaagad kung ano ang kanilang pinagkaiba dahil labis na delikado ang measles para sa mga sanggol.

Pahayag ni Dr. Kramer ng Pediatric Specialists in Coral, Gables, ang measles rash ay “madalas na flat Erythematous rash na nagsisimulang tumubo sa mukha at kakalat sa buong katawan”.

Maaaring ang tumutubong rash sa mukha  ng baby ay hindi bungang araw kundi pwede ring tigdas. Kumonsulta agad sa doktor kung may ganitong kaso sa inyong baby.

Samantala, ang heat rash naman o bungang araw sa baby ay bunga ng na-blocked na sweat glands kaya hindi makalabas ang pawis at mag-evaporate sa surface ng balat.

Madalas rin daw na tumutubo ang heat rash sa mga parte ng katawan na nadadamitan (braso, likod, dibdib, leeg, hita, at iba pa). Nawawala ang bungang araw kapag lumamig na ang temperature sa bahay o sa paligid ng baby.

Ayon naman kay Dra. Barhoush ng New Jersey, magkaiba rin ang tigdas at heat rash sa mga sintomas at hitsura nito. Ang pagkakaroon ng tigdas o measles rash ay may sintomas ng lagnat, congestion, ubo, pamumula ng mata, at blue-white spots o Koplik spots sa loob ng bibig ni baby.

Samantala, ang heat rash ay isa lamang rash sa balat ng baby.

Ilang paalala

Nakakaworry naman talaga ang pagtubo ng kung anuman sa balat lalo na sa baby. Kapag paparating na ang summer season, tandaan na mauuso ang pagkakaroon ng bungang araw matanda ka man o bata. Sa ganitong panahon, mainam na maghanap na ng tamang remedy at treatment sa pinakamalapit na ospital o clinic sa inyo.

Para naman sa mommies at daddies, hindi masama na laging tignan at bantayan ang anomang tumutubo sa balat at katawan ni baby. Laging kumonsulta sa doktor at panatilihing ligtas at maingat para kay baby.

Kapag summer na, tandaan na uso ang pagkakaroon ng bungang araw. Kaya, maghanap ng tamang remedy at treatment sa pinakamalapit na ospital o clinic.

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores, Nathanielle Torre, at Angerica Villanueva

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.