X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dehydrated ba si baby? Ito ang mga senyales

5 min read

Sintomas ng dehydration sa baby: Narito ang mga baby dehydration symptoms na kailangan mong bantayan kay baby at ang mga dapat gawin upang malunasan ito.

Sintomas ng dehydration sa baby

Image from Freepik

Sintomas ng dehydration sa baby

Ayon sa mga health experts, ang mga baby ay susceptible o mas mataas ang tiyansa na makaranas ng dehydration o ang kawalan ng excessive amount ng tubig sa katawan. Ilan sa mga dahilan kung bakit ito nangayayari ay dahil sa mas mataas ang metabolic rate nila. Hindi pa nila kayang sabihin ang kanilang nararamdaman at hindi pa nila kayang i-hydrate ang kanilang sarili.

Kaya naman ayon sa World Health Organization o WHO, isa ang dehydration sa mga major causes ng morbidity at mortality sa mga baby at maliliit na bata sa buong mundo. Ito ay maari nilang maranasan kapag sila ay nagtatae o nagsusuka. Ang mga kondisyon na resulta ng acute gastroenteritis na dulot naman ng mga viral infections, bacteria at parasites.

Paalala ng mga health experts, upang maiwasang malagay sa peligrosong kondisyon ang mga baby ay dapat maiwasan o maagapan ang dehydration. At ang isa sa mga paraan upang maisagawa ito ay ang malaman ang sintomas ng dehydration sa baby at ang mga paraan kung paano ito agad na malulunasan.

Baby dehydration symptoms

Ayon sa CDC, ang ilan sa maagang palatandaan o sintomas ng dehydration sa baby at maliliit na bata ay ang sumusunod. Sa kaso ng moderate dehydration, ito ay maari pang malunasan sa bahay sa tulong ng mga instruksyon na ibibigay ng doktor.

  • Kawalan ng energy, pagiging antukin at irritable
  • Pag-ihi ng isa o dalawang beses lang sa isang araw.
  • Kulay dark yellow na ihi.
  • Discolored o tila maputlang kamay at mga paa.
  • Mabilis na tibol ng puso o paghinga.
Sintomas ng dehydration sa baby

Image from Freepik

Habang ang mga sumusunod na baby dehydration symptoms naman ay itinuturing ng severe at kinakailangan na ng urgent care o madala si baby sa emergency.

  • Naging madalang ang pag-ihi ni baby at nakakabasa lang siya ng 6 piraso pababa na diapers sa isang araw.
  • Tuyong bibig o dila.
  • Walang luha sa tuwing umiiyak.
  • Tuyong diapers kahit 3 oras na ang lumipas.
  • Nanlalalim na mata, pisngi at bunbunan.
  • Nanunuyong balat.

Maliban sa mga nabanggit na sintomas ng severe dehydration sa mga baby, dapat ay agad ding dalhin si baby sa doktor kung siya ay nagpapakita pa ng sumusunod na sintomas o palatandaan:

  • Si baby ay 3 months old pababa palang at may lagnat.
  • Hindi siya dumede o sumususo ng maayos hindi tulad ng dati.
  • Sumusuka matapos ang dalawang magkasunod na pagkain o pagdede.
  • Nagtatae ng higit na sa 8 oras.

Ano ang mga damit gawin upang maiwasan ang peligro ng dehydration?

Para sa mga kaso ng mga sanggol na nakakaranas ng sintomas ng mild o moderation dehydration, narito ang ipinapayong mga paraan ng American Academy of Pediatrics o AAP upang ito ay agad na malunasan.

  • Ipagpatuloy lang ang pagpapasuso o pagpapadede kay baby.
  • Iwasan ang pagbibigay ng mga inumin kay baby na may mataas na sugar content. Ito ay dahil maaring mas palalalain nito ang diarrhea o pagtatae na kaniyang nararanasan.
  • Kung kaya na ni baby na kumain ng solid foods ay bigyan siya nito sa maliliit lang na amounts.
  • Ilipat si baby sa malamig o cool na lugar sa inyong bahay upang maiwasan siyang mas magpawis.
  • Bigyan ng pedialyte o oral rehydration solution si baby ng ayon sa payo o rekumendasyon ng isang doktor.

Sa oras naman na nagpapakita ng malalang sintomas ng dehydration si baby ay dapat na siyang dalhin sa ospital. Ito ay upang mabigyan siya ng karapatang lunas na kaniyang kailangan. Sa ospital, ito ang maaring maging treatment ni baby.

  • I-momonitor ng doktor ang kaniyang fluid intake. Kaya naman kailangan parin siyang patuloy na pasusuin o padedehin.
  • Si baby ay kakabitan o bibigyan ng IV fluids upang mas mabilis na maibalik ang mga nawalang fluido tubig sa kaniyang katawan.
  • Bibigyan si baby na angkop na gamot sa kaniyang karamdaman.
Sintomas ng dehydration sa baby

Image from Freepik

Paano maiiwasan ang dehydration sa mga baby?

Para naman maiwasang makaranas ng dehydration si baby ay narito ang mga bagay o paraan na maaring gawin:

  • Siguraduhing nabibigyan ng sapat na fluid si baby. Isa sa palatandaan nito ay ang pagkakaroon ng higit sa 6 na basang diapers sa loob ng 24 oras.
  • Padedein o pasusuhin si baby kada tatlong oras. Kung siya ay natutulog, gisingin siya upang mapasuso.
  • I-pwesto si baby sa mga lugar sa inyong bahay na malamig o cool. Iwasan siyang ilagay o iwan sa mainit na kwarto. Dahil siya ay maaring mag-overheat o labis na magpawis.
  • Kaysa bigyan ng tubig mas mabuting bigyan si baby ng breastmilk o formula milk na nagtataglay ng nutrients na kaniyang kailangan.
  • Panatilihin at siguraduhing malinis ang mga gamit ni baby. Ito ay upang maiwasang malagyan ito ng germs na maaring magdulot ng pagtatae kay baby. Siguraduhin rin na malinis ang iyong mga kamay bago hawakan si baby. Pati na ang kaniyang mga gamit lalo na ang kaniyang mga dede.
  • Bumisita ng regular sa doktor ni baby. Ito ay upang ma-check ang kaniyang kalusugan at mabigyan siya ng immunization na kaniyang kailangan. Tulad nalang ng rotavirus vaccine na makakaiwas sa kaniyang makaranas ng malalang diarrhea.

 

Source:

Partner Stories
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

CDC,  MSD Manuals, NCBI

Basahin:

Mga sintomas na dapat ng dalhin sa ER ang iyong anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Dehydrated ba si baby? Ito ang mga senyales
Share:
  • 22 na sintomas ng dehydration sa bata at matanda at paano ito gamutin

    22 na sintomas ng dehydration sa bata at matanda at paano ito gamutin

  • Anong dapat gawin kapag dehydrated si baby?

    Anong dapat gawin kapag dehydrated si baby?

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 22 na sintomas ng dehydration sa bata at matanda at paano ito gamutin

    22 na sintomas ng dehydration sa bata at matanda at paano ito gamutin

  • Anong dapat gawin kapag dehydrated si baby?

    Anong dapat gawin kapag dehydrated si baby?

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.