Isa sa mga dahilan ng manas sa paa kahit hindi buntis ay pagkain ng maaalat na pagkain o kaya naman katandaan.
Ang pamamaga ng paa o manas sa paa ay kadalasang sanhi ng pagbubuntis, sanhi ito ng pangangailangan ng katawan ng labis na tubig at pagkakabuo ng mga dugo.
Kaya ang pamamanas ng paa kung hindi buntis ay tunay na nakakabahala sa ating katawan. Tignan sa artikulong ito ang posiblang dahilan ng kondisyong ito.
Manas ng paa
Maraming mga rason at dahilan kung bakit nakararanas ang isang tao ng pamamaga o manas na mga paa. Kadalasan ito ay mula sa mga minor injuries, na madali lamang lapatan ng lunas. Ang iba naman ay isa ng indikasyon ng malala at malubhang sakit na nangangaliangan ng atensyong medikal.
Ang pamamanas ng paa o foot swelling ay ang abnormal na pagsasama-sama ng mga likido sa bahagi ng katawan lalo na sa binti, bukong-bukong (ankle) at paa na siyang nagdudulot ng pamamaga.
Mayroong mga pamamanas na painless o walang nararamdaman na sakit, mayroon namang mga pamamanas na umaabot ang sakit sa bahagi ng katawan na malapit sa paa.
Nangyayari ang pamamanas kung ang katawan ay malaki ang kakulangan sa mga pagkaing may thiamine o Vitamin B-1. Nagiging dahilan ito ng pagka-paralisado ng mga nerves at muscles ng katawan na siyang magdudulot ng iba’t ibang komplikasyon.
Hindi dapat balewalain ang manas sa paa, maaaring sintomas na ito ng sakit sa puso o heart failure, liver failure at kidney disease. Mainam ang pagkonsulta sa doctor upang maisagawa ang mga diagnostic tests.
Manas sa buntis
Karaniwan, kapag nagbubuntis ang mga moms, hindi maiwasang makaranas ng pamamanas. Ang pamamanas o edema ay maaaring maranansan sa paa, bukong-bukong o ankle, at maging sa daliri.
Mainam na hindi iniinda ng mga moms na nagbubuntis ang nararamdaman nilang pamamanas ng paa. Bagaman natural lamang itong nangyayari, posible pa ring senyales ito ng ibang kondisyon at kumplikasyon sa katawan. Mas delikado kung iindahin lamang ang pamamanas na ito sa iyo bilang ina, at sa magiging baby mo.
Bahagi ng maselan na pagbubuntis ang manas sa buntis. Lalo na ang pamamanas ng paa. Bakit kaya nararanasan ang pamamanas na ito?
Dahilan ng manas sa buntis
May 3 pangunahing dahilan kung bakit mayroong manas sa buntis. Ito ang mga sumusunod:
- Sa pagbubuntis, mas nagpo-produce ng mas maraming dugo ang iyong katawan para sa baby sa sinapupunan mo.
- Habang lumalaki si baby sa iyong tiyan, naba-block ng uterus ang mga veins na nagpapabalik ng daloy ng dugo mula sa iyong hita patungong puso.
- Dahil sa hormones, numinipis ang walls ng iyong ugat o veins. Dito nahihirapang mag-function ng maayos ang iyong mga ugat.
Dahil sa mga nagaganap na ito, hindi imposbileng magkaroon ng manas sa buntis. Ang naiipon o at naiipit na dugo sa iyong binti ang nagiging sanhi ng manas sa paa.
Pamamanas ng paa ng buntis
Ang pamamanas ng paa o manas sa paa ay bahagi rin ng karaniwan at natural na nararanasan ng mga buntis. Pero, hindi ito nagdudulot ng katiwasayan sa pakiramdam ni mommy.
Dagdag pa, ang mga babaeng may maselan na pagbubuntis ay maaaring magkaroon ng biglaang pamamanas sa paa. Ang mabilis at biglaang pamamanas ng paa ay maaaring senyales ng pre-eclampsia, na kailangang i-monitor palagi.
Gamot sa manas sa paa
Ang malalang kaso ng manas sa paa ay nangangailangan ng gamot na makakatulong sa iyong katawan na maglabas ng sobrang tubig sa pamamagitan ng ihi.
Isa sa mga karaniwang gamot na ito sa manas sa paa o diuretics ay furosemide. Pero, dahil ikaw ay nagbubuntis habang may pamamanas ng paa, maaaring bigyan ka ng ibang option ng doktor para dito.
Home remedy para sa manas sa paa ng buntis
Ang mga home remedy ay hindi palaging gamot. Minsan, ang sanhi ng manas sa paa ay dulot ng ating lifestyle at eating habits. Lalo na sa maselan na pagbubuntis, may mga pagkain silang laging kinakain o paglilihi na pwedeng magdulot ng pamamanas ng paa.
Ito ang mga sumusunod na home remedy para sa manas sa paa:
-
Bawasan ang in-take ng sodium 0 maaalat na pagkain.
-
Dagdagan ang pagkain ng mga mayaman sa potassium.
- patatas na may balat pa
- kamote, na may balat din
- saging
- spinach o alugbati
- beans
- mga katas ng prutas tulad ng: prune, promagenate, orange, carrot, at passion fruit
- yogurt
- beets
- salmon
- lentils
- Bawasan ang pag-inom ng mga inuming may caffeine.
- Uminom ng maraming tubig.
- Itaas o i-elevate ang mga paa at ipahinga.
- Magsuot ng mga maluluwang at komportableng pananamit.
- Panatilihing malamig ang pakiramdam.
- Suotin ang mga waist-high na compression stockings.
- Subukang maglakad-lakad.
- Magsuot ng mga sapatos na may allowance at komportable sa iyo.
Larawan mula sa Shutterstock
Ilan sa dahilan ng edema o ang medikal na termino ng pamamanas at pamamaga ng paa,
- Overweight o obesity
- Matagal na pagtayo at pag-upo
- Older age o katandaan
- Kakulangan sa thiamine
- Labis na pagkain ng mga maaalat na pagkain.
- Maaaring magpalala ng kondisyon ang pagkonsumo sa mga pagkaing mataas ang lebel ng sodium.
- Pag-inom ng mga contraceptive pills, antidepressants o mga steroids. Ang ilang mga gamot, tulad ng mga blocker ng calcium-channel upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo, ay maaari ring maging sanhi ng pamamanas ng paa.
- Mga impeksyon. Habang tayo ay tumatanda ang ating balat ay numinipis. Dahil rito, mas madaling masugatan ang balat sa mga hiwa, na nagiging sanhi ng pamamaga ng lugar na malapit sa sugat. Ang isang hiwa sa paa ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng buong paa. Ang mga ingrown toenails na bumabaon sa balat ay maaari ring humantong sa mga sugat at pamamaga.
Sintomas at panganib na dulot ng manas ng paa
Iba at hindi magkaparehas ang sintomas ng pamamanas na nararanasan ng isang tao. Ito ay alinsunod pa rin sakanilang lifestyle o paraan ng pamumuhay. Ngunit iisa lamang ang kahahantungan ng panganib na dulot ng pamamanas ng paa kung hindi magagamot, ang kamatayan.
Narito ang mga sintomas nang mas lumalalang kondisyon dulot ng pamamanas ng paa,
- Hindi maigalaw o hirap sa paggalaw ng mga paa
- Hindi makalakad
- Labis na pamamaga ng mga paa
- Pangangalay at pamamanhid ng bahagi ng paa na manas
- Hirap sa paghinga
- Labis na pananakit ng apektadong bahagi
- Pagsusuka at pagkahilo
- Madalang na pag-ihi
Ilan lamang iyan sa mga senyales na ang pamamanas ng paa ay naaapektuhan ang organo ng katawan na dapat ay ipatingin at ipakonsulta sa mga eksperto o sa inyong mga doktor, dahil maaaring malaki na ang epektong nagagawa nito sa sirkulasyon ng dugo sa katawan.
Seryosong komplikasyon ng manas sa paa
Larawan mula sa Shutterstock
Mula sa mga sintomas na nakaaalarma ng pamamanas ng paa o ang edema, maaaring mayroong mga panganib na din sa loob ng ating katawan na hindi lamang agad na nalalaman na siyang mas lalong nagpapalala sa mga iniindang karamdaman dulot ng mga sintomas nito.
Alamin natin ang ilan sa mga komplikasyong ito na nangangailangan ng obserbasyon,
-
Blood clot o pamumuo ng dugo.
Bilang ang paglala at pagiging malubha ng manas sap aa ay magkakaroon ng problema sa sirkulasyon ng dugo, ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat sa paa ay nagkakabuhol-buhol at nagkakakumpol-kumpol na siyang nakasasagabal sa maayos na daloy at nagiging dahilan ng pamumuo ng mga dugo.
Mayroong solidong kumpol ng dugo ang blood clot na siyang maaaring mabuo sa mga ugat ng binti o paa. Kilala ito bilang deep vein thrombosis.
Ang sintomas na maaaring bantayan dito ay ang mainit na sensasyon, pamumula o pagbabago ng kulay apektadong bahagi o ang paa at lagnat.
-
Manas sa paa dahil diabetic.
Naaapektuhan ng diabetes ang iyong kakayahang kontrolin ang mga antas ng asukal sa iyong dugo. Ang mataas na antas ng sugar sa dugo ay maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo.
Ito’y maaaring humahantong sa mahinang sirkulasyon ng dugo. Maaaring maging sanhi ito ng pagtira ng dugo sa iyong ibabang binti, na nagiging sanhi ng pamamaga.
Kung mayroon kang sakit sa bato o hindi gumagana nang maayos ang iyong mga bato, maaaring mayroon kang masyadong maraming asin sa iyong dugo.
Ito ay nagiging sanhi ng iyong katawan upang mapanatili ang mga tubig at hindi makadaloy ng maayos sa katawan, na maaaring humantong sa pamamaga sa iyong mga paa at bukung-bukong.
Ang pamamaga sa iyong mga binti o paa ay isa sa mga karaniwang palatandaan ng heart failure. Ito ay kapag ang iyong puso ay hindi nagbobomba ng dugo tulad ng nararapat.
Kung ang iyong dugo ay hindi umaagos nang maayos sa tamang direksyon, maaari itong bumalik sa iyong mga binti at paa at maging sanhi ng pamamaga.
Sa pagpalya ng puso, maaaring hindi komportable ang paghiga ng patag, ang iyong puso ay maaaring tumibok ng mas mabilis o sa isang hindi pangkaraniwang ritmo, at maaaring mahirapan kang huminga.
Ang sintomas nito ay mapapansin sa hirap sa paghinga, pag-ubo ng kulay na pink at foamy na plema at mabilis na pagtibok ng puso.
Tandaan na alinman sa mga sintomas ang maramdaman o senyales na makita, kumuha agad ng tulong medikal at sumangguni sa doktor.
Home remedies o natural na remedyo sa manas sa paa
Sa uulitin, ang kondisyong nararamdaman sa katawan ay mula sa lifestyle o pamamaraan ng pamumuhay. Malaking factor ang way of living ng isang tao kabilang ang mga kinakain nito sa mga nararanasan at nararamdaman ng katawan.
Anumang karamdaman ay may lunas na kasama. Narito ang ilan sa mga home care o remedies na madaling makita, mahanap at mailapat kapag nakaranas ng pamamaga o manas na mga paa.
- Pagbabad ng mga paa sa maligamgam na tubig, subukan din ang cold compress
- I-ehersisyo ang iyong mga binti. Ito ay tumutulong sa pump fluid mula sa iyong mga binti pabalik sa iyong puso.
- Paglalakad ng isang oras o higit pa.
- Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa thiamin tulad ng brown rice, mani, gatas, tinapay na galing sa whole grain.
- Ilagay ang iyong mga binti sa mga unan upang itaas ang mga ito sa itaas ng iyong puso habang nakahiga.
Kailan dapat tawagan ang doktor?
Larawan mula sa Shutterstock
Magpatingin sa iyong doktor kung ang mga sintomas ay ang mga sumusunod:
- Ang iyong namamagang paa ay may “dimple” o lubog pagkatapos mo itong pindutin.
- Ang iyong balat sa namamagang bahagi ay mukhang nakaunat o basag.
- Mayroon kang sakit at pamamaga na hindi nawawala.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!