Can babies feel love? Ang mabilis na sagot, oo. Walang duda na mahal natin ang ating mga anak. Pero paano ba nila napapakita na mahal rin nila tayo?
Mababasa sa artikulong ito:
- Can babies feel love?
- Mga paraan na ipinapakita ni baby ang pagmamahal niya
Mula nang nalaman nating magkaka-anak na tayo, lahat o halos lahat ng ginagawa natin ay para masigurong magiging ligtas, malusog at masaya ang ating anak. Bawat sandaling mayroon tayo, nais nating iparamdam sa ating anak kung gaano natin sila kamahal.
Subalit ganito rin ba ang nararamdaman ni baby?
Minsan, dahil hindi pa siya nakakapagsalita at nakakagalaw, naiisip natin kung naiiintindihan kaya ng ating anak ang bawat bagay na ginagawa natin para sa kaniya?
Alam kaya niya na ikaw ang magulang niya? Higit sa lahat, mahal ka kaya niya?
Can babies feel love?
Ayon kay Lawrence Cohen, isang psychologist at author ng librong Playful Parenting, ang mga sanggol ay nakakaramdam ng pagmamahal o love.
Nagsisimula ito sa oras na siya ay nasa sinapupunan pa lamang, kung saan naririnig niya ang boses mo habang kinakausap at kinakantahan siya. At habang hinihimas mo ang iyong tiyan na kung saan nararamdaman niya ang haplos ng mga kamay mo.
Nakikilala niya rin ang iyong boses. Pati na ang tunog at tibok ng iyong puso. Mapapansin ito sa mga oras na gumagalaw siya o sumisipa sa loob ng tiyan mo. Isa na ito sa mga palatandaan na nararamdaman niya ang pagmamahal mo. Kaya naman hindi nakakapagtaka na mayroon kayong matinding koneksyon ni baby kahit hindi pa kayo nagkikita.
Pero hindi lang doon natatapos iyon. Nararamdaman rin ng sanggol ang pagmamahal mula sa mga taong nag-aalaga o kumakalinga sa kanila. Kaya naman hindi mahirap para sa mga sanggol na inampon na mapalapit sa kanilang adoptive parents.
Kapag naisilang na ang sanggol, mas madedevelop pa ang parent at child bonding ninyo. At habang lumalaki si baby, mas marami pa ang mga ibibigay niyang palatandaan sa’yo ng kaniyang pagmamahal.
Paano nagpapakita ng pagmamahal ang sanggol?
Bago ang kaniyang ika-8 na buwan, medyo limitado at hindi pa kapansin-pansin ang pagmamahal ng isang sanggol.
Hanggang sa magkaroon na siya ng stranger anxiety o separation anxiety, malalaman mong mahal ka pala ni baby kapag ibinigay mo siya sa iba at umiyak siya o hindi mapakalma. Pero malalagpasan rin ng iyong anak ang stage na ito.
Pagdating naman ng ika-9 na buwan, mapapansing nagiging mas expressive na ang iyong anak. Mapapansin ito kapag lumiwanag o lumaki ang mga mata niya kapag nakikita ka o isang pamilyar na tao pero malulungkot na kapag wala ang taong iyon sa paligid.
Pagdating ng 1-year old ni baby, natututo na sila ng magpakita ng apeksyon tulad ng paghalik. Una ay gagayahin lang niya ito nang walang dahilan. Pero kapag nakita niya na natutuwa ka kapag ginagawa niya ito, nalalaman niya na isa itong magandang paraan para magpakita ng pagmamahal, at gagawin niya ito nang mas madalas.
11 signs na mahal ka ng baby mo
Hindi man sila makapagsalita at limitado man ang mga galaw na alam nila, narito ang ilang paraan na ipinapakita sa’yo ni baby na love ka niya.
Natural, ikaw ang favorite person niya sa buong mundo.
“Within a few weeks, babies can recognize their caregiver and they prefer her to other people,” ayon kay Alison Gopnik, Ph.D., nagsulat ng librong The Philosophical Baby at psychology professor sa University of California, Berkeley.
Isang eksplanasyon rito ay nakikilala ni baby ang amoy mo. Isang pag-aaral ang isinagawa kung saan pinapili ang mga newborn sa pagitan ng dalawang breast pads, isa ay galing sa kaniyang ina. At napatunayan na alam ng sanggol ang amoy ng gatas ni Mommy dahil ito ang laging pinipili niya.
Gayundin, dahil nasanay na si baby na naririnig ang boses mo habang nasa sinapupunan pa lang siya, bumabagal ang heart rate niya at nare-relax siya kapag naririnig ang boses mo. Kaya naman kapag narinig ka niyang paparating, lilingon siya agad sa iyong direksyon kahit ibang tao pa ang kumakarga sa kanila.
Kahit iba ang may karga, ikaw pa rin ang tinitingnan niya. Bakit kaya? | Larawan mula sa Pixabay
Ganda mo raw kasi, Mommy.
Ang pagtitig sa’yo ni baby nang madalas at matagal ay senyales na gusto ka niya at gusto ka pa niyang makilala.
“Newborns don’t have very good eyesight,” sabi ni Pete Stavinoha, PhD, isang child neuropsychologist sa Houston, Texas. “But they will orient toward your face, and when you hold them, they can make out the form of your face and see your biggest features—eyes and nose and mouth.”
-
Binubuka ang bibig kapag malapit ka
Maraming pag-aaral nga ang nagpakita na nakikilala ng mga sanggol ang kanilang ina sa pamamagitan lang ng kanilang amoy. Kaya naman kapag naamoy nila ang iyong gatas, alam nila na ikaw ‘yon at ibubuka nila ang kanilang bibig na tila gusto nilang dumede.
Bilang magulang, napalaking bagay na makita ang ngiti ng ating mga anak. Ito ay parang sinag ng araw na nagbibigay-liwanag sa dilim ng problema o pagsubok na kinakaharap natin sa bahay. Pero para sa iyong baby, ito ay kanyang paraan na ipakita sayo ang pagmamahal niya.
Taliwas sa sinasabi ng iba na ang pagngiti ng sanggol ay gas o kabag lang, totoong ngiti na ang nakita mo kay baby pagdating niya ng 2 buwan. Tinatawag ito ng mga doktor na “social smile.” Maaring gawin ito ng sanggol para magpakita ng reaksyon o tingnan kung ano ang magiging reaksyon mo rito. Sa madaling salita, nakikipag-interact si baby sa’yo!
Matapos ang unang ngiti ng iyong sanggol, susubukan naman niyang makipag-usap sa’yo. Dahil hindi pa siya marunong magsalita, gagamitin lang niya ang anumang tunog na magagawa niya sa kaniyang bibig.
Parang nagkakaintindihan kayo na parang hindi, lalo na kapag sinabayan pa ng pagngiti ang pag-iingay ni baby. Pero isang paraan ito para iparating ni baby na gusto ka niyang kausap at gusto niyang nakikita kang tumatawa.
Pagdating ng 6 na buwan, mayroon nang kakayahan si baby na itaas ang kanilang kamay at magpakarga. Isa pala itong paraan para maipakita ni baby na pinagkakatiwalaan ka niya at mahal ka niya.
Minsan pa nga, kapag makikita ka ng iyong anak, mapapansin mo na nagtatatalon siya sa tuwa at nagiging mas maligalig. Hindi ba nakakakilig ang pakiramdam na iyon? Excited na excited si baby sa presensya mo.
Kaya naman kung wala ka namang ibang gagawin, bakit hindi mo siya kargahin? Muli, hindi maii-spoil ang iyong sanggol kung kakargahin mo siya.
BASAHIN:
“Hindi mo panghihinayangan na parati mong karga ang baby mo”
STUDY: Ito ang rason kung bakit dapat ine-encourage si baby na gumapang
Para sa mga first-time parent na may pangamba, hindi kayo nag-iisa
-
Nagiging demanding si baby.
Sa edad na 3 buwan ay magsisimula nang maging demanding ang baby mo. Ito rin ang panahon na kung saan komportable na siya sa mundong kanyang ginagalawan at mas dumadami na ang kanyang pangangailangan.
Alam niya na dahil mahal mo siya, ibibigay mo ang mga hinihingi niya. Kaya siya naman ay iiyak at hindi titigil hangga’t hindi mo naibibigay ang gusto niya.
Hindi mo dapat ikainis ito, dahil ito ang paraan ng iyong baby para ipakita na ikaw ay pinagkakatiwalaan niya. Paraan niya para sabihing gusto ka niyang makasama at mahal ka niya.
At huwag mag-alala, mommy at daddy. Imposibleng ma-spoil ang iyong anak sa ganitong edad. Marami lang talaga silang pangangailangan sa panahong ito at kailangan mo itong punan para masigurong lalaki sila nang may sense of security.
Gayundin, ang pag-iyak o pagpapakarga lang ang alam nilang paraan para makuha ang iyong atensyon sa ngayon.
-
Nagiging “pasaway” kapag kayo-kayo lang.
Panigurado maririnig mo sa ibang nag-aalaga sa kaniya na well-behaved ang iyong baby kapag wala ka. Pero nagsisimulang sumpungin o mag-tantrums kapag nandyan ka na.
Ito ay dahil gusto niyang mapansin mo siya. Gusto ni baby na makipaglaro ka sa kaniya, at gugustuhin niya na lagi mo siyang karga dahil kumportable siya sa’yo.
“You know you’ve done your job well if he can hold it together in public but saves his blowups for you,” ayon kay Elizabeth Short, Ph.D., professor ng psychology sa Case Western Reserve University. “He knows that you’re safe—he can act up and you’ll still love him.”
-
Hinahalikan o kinakagat ka niya.
Tulad ng iyong panggigigil sa kaniyang cute na mukha at mabangong amoy, ang mga halik at kagat rin ang paraan ni baby para maipakita sayo ang pagmamahal niya.
Ang mga gawing ito ay ginagaya niya rin sa’yo. Bagama’t ang bawat halik niya nga lang ay may kasama pang laway niya. Pero susundan naman ito ng hagikhik na palatandaan na masaya siyang iparamdam sa’yo ang pagmamahal niya at masaya siya dahil kapiling at kasama ka niya.
-
Binabalik-balikan ka niya ng tingin.
Habang lumalaki si baby ay natututunan niyang mag-explore ng kaniyang paligid. Lalo na kapag natuto na siyang gumapang. Pero kahit malayo man ang kanilang marating, babalik at babalik pa rin siya sa’yo. Minsan pa nga, lilingon siya sa’yo para masigurong nandiyan ka lang sa paligid niya.
Ito ay dahil ikaw ang comfort at safe zone ng iyong anak. At dahil tiwala silang hindi mo hahayaang may mapahamak sila, mas magkakaroon sila ng lakas ng loob na subukan ang mga bagong bagay.
Ito rin ang dahilan kung bakit sa’yo lumalapit si baby kapag nasaktan siya. O kaya naman kahit maliit na sugat lang ay parang nagda-drama siyang pupunta sa’yo – para maramdaman niya ang pagkakalinga mo.
-
Nagkakaroon siya ng separation anxiety.
Mula 9 na buwan hanggang 3-taong gulang, maaring mapansin ang matinding pag-iyak ni baby kapag umaalis ka (minsan pa nga, kahit pupunta ka lang sa CR). Tinatawag itong separation anxiety.
Senyales ito ng dalawang bagay. Una, ipinapakita nito na kilala ka na ng iyong anak. Pangalawa, nagkakaroon na sila ng konsepto ng object permanence – kung saan nalalaman nila na ang mga tao o bagay na nawawala sa kanilang paningin ay hindi naman basta-bastang naglalaho.
Kaya naman nakakaramdam si baby ng takot o pag-aalala kapag nawawala ka sa paningin niya. Dahil ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Pero labis ang saya naman kapag bumalik ka na.
Para mabawasan ang separation anxiety ni baby, lagi kang magpaalam sa kaniya kapag aalis ka, at ipaalala sa kaniya na saglit ka lang mawawala at babalik ka rin.
Love na love niyo si baby. Pero alam mo bang love na love ka rin niya?
Ang mga paraan na ito ay ang pagsasabi ng iyong baby ng “mahal kita” at nagpapasalamat siya na ikaw ang magulang niya.
Nasagot ba nito ang tanong mo na, “Can babies feel love?” Ikaw, paano ipinapakita ng iyong baby na mahal ka niya? Ipinapakita niya rin ba ang mga nabanggit na palatandaan? Ikuwento mo sa comments section!
Isinalin mula sa wikang Ingles at may pahintulot mula sa theAsianparent.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio
Source:
The Bump, Parents, BabyCenter
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!