Kahalagahan ng pag-gapang ng baby makakatulong sa kaniyang safety at development.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang kahalagahan ng pag-gapang ng baby sa kaniyang kaligtasan at development habang siya ay lumalaki.
- Mga paraan para ma-encourage ang isang sanggol na gumapang.
Ang kahalagahan ng pag-gapang ng baby
Ang pag-gapang ay isa sa mga milestones ng isang sanggol. Ito ay palatandaan ng kaniyang development pati na ang kaniyang pag-respond sa mundong kaniyang ginagalawan.
Madalas ang isang sanggol ay matutunang gumapang sa oras na sila ay mag-pito o siyam na buwang gulang na. Mayroon namang hindi na dumadaan sa crawling stage at deretso ng natututo na tumayo at mag-simulang humakbang.
Pero base sa isang pag-aaral, mas mabuting i-encourage ang sanggol na gumapang. Dahil ang pag-gapang ay may malaking role na ginagampanan hindi lang sa development niya kung hindi pati narin sa kaniyang safety o kaligtasan.
Partikular na sa biglaang pagkakahulog niya sa tubig na maaaring mauwi sa kaniyang pagkalunod.
Background photo created by pvproductions – www.freepik.com
Ayon sa pag-aaral, ang pag-gapang ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa isang sanggol. Tulad na lamang sa nakakatulong itong patibayin ang kaniyang mga braso at binti.
Paraan din ito para ma-develop ang kaniyang body strength, balance, at coordination na kakailanganin niya para matuto na maglakad.
Pero ayon sa isang bagong pag-aaral, ang pag-gapang ay nakakatulong din umano para matukoy ng isang sanggol ang mga safe at unsafe surfaces na nakakapa o nahahawakan niya.
Ang locomotion activity niyang ito ay nakakatulong para maiwasan siyang mahulog sa mga surfaces na pababa o maaari siyang magpagulong-gulong.
Pagsasagawa at findings ng pag-aaral
Ito ay natuklasan ng pag-aaral matapos obserbahan ng mga researchers mula sa University of Otago sa New Zealand ang behavior ng 25 na sanggol sa paligid ng isang tub na puno ng tubig. Bago tuluyang mahulog sa tub ay may pababang platform na maaring galawan o gapangan ng sanggol.
Sa ginawang pag-aaral, ang ilan sa sanggol ay nalaglag sa tub ng tubig. Habang ang iba naman ay nanatiling ligtas sa paligid nito.
Ayon sa lead author ng pag-aaral na si Dr. Carolina Burnay may isang bagay silang natuklasan o pagkakaibang nakita sa pagitan ng mga nalaglag na sanggol sa tubig at sa mga nanatiling ligtas sa paligid nito.
Ito ay ang amount o dalas ng kanilang pag-gapang na nakatulong para mapigilang malaglag sa tub na may tubig ang ilan sa mga sanggol.
Kaya naman base sa resulta ng kanilang naging pag-aaral, ayon kay Dr. Burnay napakahalaga ng pag-gapang sa mga sanggol. Dahil sa pamamagitan nito ay nai-explore nila ang kanilang paligid at sila ay natutulungan makaiwas sa kapahamakan.
Tulad nalang ng pagkalunod na madalas na nararanasan ng mga sanggol na nakakaligtaang minsan na bantayan.
“A very interesting result was that the amount of prior crawling experience they had informed their perception of the risk and behaviour even when they were already walking — hence it seems very helpful for babies to crawl and explore their environment.”
Ito ang pahayag ni Dr. Burnay na mula sa School of Physical Education, Sport and Exercise Sciences sa University of Otago.
Woman photo created by pch.vector – www.freepik.com
BASAHIN:
Paggapang ni baby: Isang guide ng mga magulang para sa major milestone na ito ng isang sanggol
3 dangers at risks kapag pinapagamit ng walker si baby
10 signs na hindi na normal ang kalikutan ng bata
Paano mai-encourage ang isang sanggol na gumapang?
Rekumendasyon ng ginawang pag-aaral, dapat ay i-encourage ang mga sanggol na gumapang para sila ay maging aware sa kanilang kapaligiran at para na rin sa kanilang kaligtasan. Paano ito magagawa? Narito ang ilang paraan na maaaring gawin.
-
Bigyan ng maraming oras ang sanggol na dumapa.
Ang pag-dapa ay nakakatulong para maihanda ang muscles sa leeg, likod at balikat ng sanggol sa kaniyang pag-gapang. Kaya naman makabubuti kung bibigyan siya ng maraming oras na nakadapa sa araw.
Pero pagdating sa gabi sa kaniyang pagtulog siya ay dapat nakatiyaya na. Dahil kung hindi ang pagtulog ng nakadapa ay maaaring makaapekto sa maayos niyang paghinga.
-
Magpush-ups sa harap ni baby.
Para mas ma-encourage si baby na gumalaw ay maging halimbawa sa kaniya. Magpush-ups sa harapan niya para ito ay kopyahin niya. Sa ganitong paraan ay mas napapraktis at napapalakas niya ang kaniyang mga braso at binti.
-
Turuan si baby sa tamang paggamit ng kaniyang mga kamay at tuhod.
Upang makagapang ay mahalaga na malaman ng isang sanggol kung paano gagamitin ang kaniyang mga kamay at tuhod. Para magawa ito ay ipakita ito sa kaniya, mas magiging effective nga kung gagawin ito sa saliw ng isang tugtog o musika na kaniyang mai-enjoy. Tulad na lamang ng kantang Row Row Your Boat na talaga namang na-ienjoy ng mga bata.
-
Gumamit ng mga makukulay na laruan na maaabot ng iyong mga anak.
Car photo created by rawpixel.com – www.freepik.com
Para mas ganahan siyang gumapang ay gumamit ng mga makukulay na laruan na maabot ng iyong anak. Ilagay ito sa puwesto na kailangan niya munang gapangin bago makuha.
O kaya naman sa mga lugar na kailangan niyang abutin na makakatulong para ma-encourage siyang gamitin ang mga kamay, braso at binti niya sa pag-abot ng kaniyang goal.
Source:
Science Daily, Pathways.Org, ECU
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!