6 celebrity baby names born in 2020 in the Philippines!
Bago matapos ang taon, kumustahin naman natin ang mga ipinanganak na baby ng famous celebrity dito sa Philippines ngayong 2020—abangan din ang kanilang unique names!
1. Thylane Katana Bolzico
Parents: Solenn Heussaff at Nico Bolzico
Celebrity baby names in Philippines | Image from Solenn Heussaff Instagram
Sa pagpasok ng 2020, agad na ipinakilala sa publiko ng aktres na si Solenn Heussaff at asawa nitong si Nico Bolzico ang kanilang first baby!
“01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana.”
-Solenn Heussaff
Si baby Thylane o mas kilala bilang baby Bolz ay ipinanganak ng eksaktong New year—January 1! Ngayon, talaga namang mapapansin na ang kaniyang kakulitan base sa mga Instagram post ni Mommy Solenn at Daddy Nico. Mag-iisang taon na si Thylane sa dadarating na January 1, 2021.
2. Dahlia Amélie Heussaff
Parents: Anne Curtis at Erwan Heussaff
Celebrity baby names in Philippines| Image from Anne Curtis Instagram
Noong March 2, actress-host na si Anne Curtis ang kaniyang first baby girl sa asawang si Erwan Heussaff na ngayon nga’y 9 months na.
“Never knew I could love someone so much…So much that it hurts in a good way… it’s an unexplainable kind of love. The kind I’ve never felt before. It’s so overwhelming and fills your heart to the brim with pure happiness.”
-Anne Curtis
Tila naman mini fairy si baby Dahlia sa mga suot nitong dress habang napapaligiran ng mga bulaklak!
BASAHIN:
LOOK: 21 Cute celebrity Halloween costumes 2020 ng anak ng mga sikat
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
Unpopular baby names: The names going extinct In 2020
3. Rodolfo Joaquin Diego III
Parents: Dianne Medina at Rodjun Cruz
Celebrity baby names in Philippines| Image from Dianne Medina Instagram
“My Answered Prayer my Baby Rodolfo Joaquin Diego III Thank you my Almighty Father” ito ang pambungad ni Dianne Medina sa kaniyang birth announcement noong nakaraang September 10. Tatlong buwan na ang nakalilipas ngunit kita mo na ang mabilis na paglaki ni baby Joaquin!
Isa itong malaking blessing para kina Mommy Dianne at Daddy Rodjun dahil ayon sa celebrity couple, matagal na nilang gustong bumuo ng pamilya. Ikinasal ang dalawa noong December 2019.
4. Amari Crawford
Parents: Coleen Garcia at Billy Crawford
Celebrity baby names in Philippines | Image from Billy Crawford Instagram
Noong nakaraang September 10, tagumpay na ipinanganak ng aktres na si Coleen Garcia ang kaniyang first baby sa asawang si Billy Crawford na si baby Amari. Matatandaang ang aktres ay sumailalim sa natural birth o kung tawagin ay water birth.
“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari .”
-Coleen Garcia
Halos dalawang buwan na ang nakalilipas at mapapansin mo ang pagka-cute ni baby Amari, na 3 month old na bukas!
Taong 2018 ikinasal ang aktres na si Coleen Garcia at Billy Crawford.
5. Moses Marc Q. Alcaraz
Parents: Lara Quigaman at Marco Alcaraz
Celebrity baby names in Philippines | Image from Lara Quigaman Instagram
Ipinanganak noong September 17 ang third child ng celebrity couple na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz.
“Thank You Jesus for another undeserved gift… my heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe. You truly are a good good God!”
-Lara Quigaman
Laking pasasalamat ng aktres dahil naging safe at successful ang kaniyang delivery kay baby Momo. Si baby Momo ay mag-3 months old na rin next week. Ang couple ay my dalawang anak nang lalaki na sina Noah at Tobias.
6. Giulia Fiorentina Alessandra
Parents: Assunta De Rossi at Jules Ledesma
Celebrity baby names in Philippines | Image from Assunta De Rossi Instagram
Matapos ang halos 20 taong pag-hihintay ay ganap na ngang mommy ang aktres na si Assunta de Rossi sa asawang si Jules Ledesma. Si baby Fiore ay maituturing nilang “miracle baby” dahil sa halos taon nilang pag-iintay para magkaanak.
“You give me hope.”
-Alessandra De Rossi
Bukod dito, ang “Giulia Fiorentina Alessandra” ay may malalim na kahulugan, ayon ito kay Mommy Assunta. Narito ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan:
GIULIA– Ang basa rito ay Julia. Dahilan kung bakit hindi letter ‘J’? Ayon kay Mommy Assunta, walang letter J sa Italian alphabet. Ang pangalan din na ito ay isang tribute para sa kaniyang paternal great-grandfather na si Don Julio.
FIORENTINA– Isa rin itong tribute mula sa kaniyang great-grandmother na si Doña Florentina aka lola Puring.
ALESSANDRA– Tribute ito mula sa kaniyang kapatid at lola na si Alejandra.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!