#WalangPasok | Class Suspension Jan 27, Lunes
Sinuspinde ang pasok sa ilang paaralan sa Maynila ngayong January 27, 2020, Lunes. Ito ay dahil sa banta ng nakamamatay na virus galing sa China, ang Coronavirus.
Kahit na wala pang kumpirmadong kaso ng Coronavirus dito sa bansa, ang ilang mga paaralan ay nagkansela pa rin ng pasok dahil dito. Ayon kay Health Secretary Fransisco Duque III, walang koneksyon ang DOH sa desisyong ito.
“I don’t what to say it’s a bad idea. They’re doing it, they have to have some reason, which up to this point, I’m not aware of these reasons, but I’m willing to listen,” dagdag into.
Photo from Unsplash
Mga schools na nagkansela ng pasok:
www.facebook.com/officialcksc/posts/2728307820571984
www.facebook.com/PaceAcademyPH/posts/10156614686605653
- Philippine Academy of Sakya
www.facebook.com/Philippineacademyofsakya/posts/10157847775369471
- Philippine Cultural College-Annex
www.facebook.com/pccnow/posts/1026147124425415
- Saint Jude Catholic School
www.facebook.com/saintjudecatholicschool/posts/10156676881931541
- St. Stephen’s High School
www.facebook.com/sshsofficial/posts/3683670105008857
- Hope Christian High School
www.facebook.com/Hope.Christian.High.School/posts/2615568905159483:0
www.facebook.com/unohighschool/posts/10162851054220430
Coronavirus
Photo from Unsplash
Dahil na rin sa mga mga pamilyang galing sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng Coronavirus (China, Macau, HK, Taiwan, Malaysia, Singapore, Vietnam, Thailand, USA, Australia, France, Nepal, Japan, South Korea, Canada) at sa mga lugar dito sa Pilipinas na mayroong turista galing Wuhan (Boracay, Cebu), nagdesisyon ang mga paaralan na ito na kanselahin ang mga klase. Magsasagawa umano muna sila ng dalawang linggong self-quarantine pagkatapos nilang makabalik ng Pilipinas. Ayon naman sa kanila, wala itong magiging epekto sa kanilang mga grado.
Pinabulaanan naman ng Manila City’s health officials ang balitang may isang Chinese national ang kumpirmadong may coronavirus sa Metropolitan Hospital sa Binondo. Ang 27-year old na pasyente ay kumpirmadong may lagnat at ubo lamang.
Unang nadiskubre ang Coronavirus sa bayan ng Wuhan sa China. Tinatayang nasa 2,700 katao ang infected at 80 naman sa mga ito ang namatay. Ayon sa World Health Organization, ang karaniwang sintomas nito ay lagnat, ubo, runny nose, masakit na lalamunan, mabagal at mahirap na paghinga. Sa ilang mga kaso nito, maaring makaranas ang pasyente ng severe acute respiratory infection, kidney failure, pneumonia at maaaring kamatayan.
Ayon din sa Health Minister ng China na is Ma Xiaowei, ang new coronavirus ay maaaring makahawa bago mo madiskubre ang mga sintomas nito.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng coronavirus na ito sa Asya at Estados Unidos, pinayuhan ng DOH ang lahat ng turistang pumunta sa Wuhan, China na kumonsulta agad sa doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas na nabanggit.
Photo from Unsplash
Dagdag impormasyon naman, ayon sa executive director ng WHO, wala pang natutukoy na lunas sa nakamamatay na coronavirus.
“There have been a number of compounds that have been used in the fight against coronavirus, but it is very important to recognize that there is no recognized effective therapeutic against coronaviruses. However, there are potential clinical trials that can be done with agents and that is what we are focused on right now — identifying other therapeutic agents and opportunities to test new drugs.”
-Michael Ryan, Executive Director
Source: ABS-CBN , CNN Philippines
Basahin: Coronavirus: Sakit mula China maaaring kumalat worldwide ayon sa WHO , Wala pang confirmed cases ng novel coronavirus sa Pilipinas, paglilinaw ng DOH, Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!