Corpse to human COVID-19 transmission possible ayon sa mga scientist. Mga humahawak sa mga bangkay ng COVID victims dapat ring mag-ingat at magsuot ng PPE.
Corpse to human COVID-19 transmission
Sa pamamagitan ng isang sulat sa Journal of Forensic and Legal Medicine naiulat ang unang corpse to human COVID-19 transmission. Ang sulat ay mula sa mga researchers na sina Won Sriwijitalai mula sa RVT Medical Center sa Bangkok, Thailand, at Viroj Wiwanitkit mula sa Hainan Medical University sa Haikou, China.
Ayon sa kanilang sulat, isang forensic practitioner na nagtratrabaho sa Bangkok. Thailand ang nag-positibo at nasawi dahil sa COVID-19.
Paliwanag nila bagamat maaring makuha o mahawa ang forensic practitioner sa taong infected ng sakit, ay hindi naman daw ito nagkaroon ng contact sa sinumang nag-positibo rito. Maliban nalang sa mga biological samples at bangkay ng mga nasawing biktima ng sakit na kanilang pinag-aaralan.
“Although patients may get the infection from workplace exposure or through spreading in the community, at the period of the occurrence of this case, the patients in Thailand are mostly imported cases and recording of local spreading in the community is limited. There is low chance of forensic medicine professionals coming into contact with infected patients, but they can have contact with biological samples and corpses.”
Ito ang isang pahayag mula sa sulat ng mga researchers.
Suhestisyon ng mga researchers
Kaya naman suhestisyon nila, tulad ng mga hospital frontliners dapat ring magsuot protective devices ang mga forensic professionals.
“Nevertheless, infection control and universal precautions are necessary. Forensic professionals have to wear protective devices including a protective suit, gloves, goggles, cap and mask. The disinfection procedure used in operation rooms might be applied in pathology/forensic units too.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng mga researchers.
Pahayag ng mga health experts
Ang pahayag na ito ng mga researchers ay sinuportahan naman ng mga health experts.
Ayon kay Angelique Corthals, hindi lang mga medical examiners ang dapat mag-ingat. Kung hindi pati mga morgue technicians at mga nag-tratrabaho sa funeral homes na humahawak sa mga bangkay ng COVID-19 patients. Si Corthals ay isang professor of pathology sa John Jay College of Criminal Justice sa New York City.
Ganito rin ang paniniwala ni health policy expert Summer Johnson McGee ng University of New Haven sa Connecticut. Para sa kaniya, lahat ng nai-expose sa mga COVID-19 patients na buhay man o patay ay dapat magsuot ng personal protective equipment. Dahil hindi lang ang mga hospital frontliners na gumagamot sa buhay na pasyente ang at risk na mahawa sa sakit. Kung hindi pati narin ang mga taong nangangalaga sa mga bangkay ng COVID-19 victims.
“We need to take care of the people who take care of the dead”, pahayag ni McGee.
Maaari bang mahawa ng covid-19 sa patay?
Samantala, ayon sa isang guideline na inilabas ng Public Health England possible ang corpse to human COVID-19 transmission. Ito ay sa pamamagitaan ng dalawang paraan na kanilang natuklasan sa pamamagitan ng pag-aaral na ginawa ng kanilang Rare and Imported Pathogens Laboratory.
Ang dalawang paraan na ito ay ang sumusunod:
- Una sa pamamagitan ng potential droplet generation mula sa artificial air movement sa isang kwarto habang binibigyan ng initial care ang bangkay ng pasyenteng namatay dahil sa sakit.
- Pangalawa, sa pamamagitan ng post-mortem examination na kung saan gumagamit ng power tools na at risk sa aerosol generation.
Dahil base sa nauna ng ginawang pag-aaral tungkol sa sakit, natuklasang maaring tumagal ang virus ng mula 48 hanggang 72 oras sa environmental surfaces na nasa room air condition. Mas tumatagal pa nga raw ang virus sa mga lugar na malamig o may refrigeration condition.
Paalala sa mga kaanak ng nasawing COVID-19 patient
Ayon pa nga rin sa guideline na ginawa ng Public Health England, maliban sa pag-iingat ng mga nag-aayos at nag-aalaga ng mga bangkay ng COVID-19 patient, dapat ring mag-ingat ang mga nag-dadalamhati o pamilya na naiwan ng nasawi. Lalo na ang nagkaroon ng contact sa bangkay ng nasawing COVID-19 patient. Upang maiwasan ang posibleng transmission, narito ang ilang paalaala na dapat nilang gawin at sundin:
- Lumayo sa bangkay ng COVID-19 patient ng hindi bababa sa 2 metro. Mas mabuti kung ang bangkay ay nakahiwalay sa ibang kwarto.
- Limitahan ang bilang ng taong nakikiramay at dapat mayroon dalawang metrong distansya sa bawat isa sa kanila. Mas mabuting tanging mga miyembro ng pamilya lang ang magpupunta sa lamay at libing.
- Iwasan narin muna ang face-to-face contact o kahit anumang physical contact tulad ng pagyayakapan sa lamay at libing. Puwera nalang kung kayo ay nakatira sa iisang bahay.
- Agad na linisin at i-disinfect ang lugar na kung saan ginanap ang lamay. Pati na ang mga gamit at surfaces para masiguradong mapatay ang mga germs at virus na maaring dumikit rito.
- Mag-self isolate sa loob ng dalawang linggo matapos ma-expose sa bangkay ng COVID-19 patient.
- Ugaliin parin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. At i-praktis ang proper hygiene sa pag-ubo at pag-atsing.
Paano nahahawa sa Covid-19
Dahil ayon sa mga eksperto ang COVID-19 o coronavirus disease ay naihahawa sa pamamagitan ng droplets na naikakalat sa dalawang paraan. Una, sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo. Pangalawa, sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay na nakapitan ng virus. O maidikit ito sa mukha na kung saan maaring pumasok ang virus sa mata, ilong at bibig.
Base nga sa isang pag-aaral, ang coronavirus ay maaring mabuhay sa mga inanimate surfaces tulad ng metal, glass, o plastic ng hanggang 9 na araw. Kaya naman maliban sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan, dapat ring panatilihing malinis ang iyong kapaligiran.
Source:
Business Insider, Science Direct, Buzzfeed, Public Health England, The Asianparent PH
Basahin:
Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!