Isinusulong sa House of Representatives ang panukalang batas hingil sa pag-implementa ng curfew hours para sa minors sa Pilipinas.
Mababasa sa artikulong ito:
- Curfew hours isinusulong para sa kaligtasan ng minors
- Anu-ano ang mga nakasaad sa House Bill No. 1016
Curfew hours isinusulong para sa kaligtasan ng minors
Isang bill ang isinusulong ngayon sa Kamara tungkol sa pag i-implementa ng curfew hours sa mga kabataang 17 taon pababa. Ipinasa ito ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera-Dy sa unang sesyon ng 19th Congress.
Kung maipasa ang House Bill 1016 ng 19th Congress, magkakaroon ng curfew hours sa Pilipinas mula 10 pm hanggang 5:00 am.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Jeshootscom
Ayon kay Herrera-Dy, layunin ng panukalang batas ng curfew sa Pilipinas na ilayo ang mga kabataan sa kapahamakan. Bukod pa ito sa layuning mapanatili ang public order at safety upang maiwasan ang pagtaas ng kriminalidad.
Paliwanag sa panukalang batas, ang mga kabataang nasa edad 17 taon pababa ay vulnerable umano sa pang-aabuso. Ang pang-aabuso na ito ay maaaring humantong sa exploitation, drug addiction, at paggawa ng krimen.
Ayon sa 1987 Constitution, kinikilala ng estado ang gampanin ng mga kabataan sa nation building. Kaya naman kailangang protektahan ng pamahalaan ang physical, spiritual, intellectual, at social well-being ng mga kabataan.
Kaugnay nito, isinusulong ang curfew sa Pilipinas dahil sa tumataas na kaso ng mga batang nawawala sa loob ng 24 oras at mga kabataang inaabuso ng mga sindikato. Kabilang na rin dito ang mga kabataang nasasangkot sa mga krimen tulad ng abduction, rape, abuse, pagnanakaw, at pagpatay.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Sergio Souza
Sa batas sa curfew sa Pilipinas, ipagbabawal ang paglabas sa gabi ng mga batang wala pang 18 taong gulang. Gayundin naman ang pagtambay at paggagala ng mga kabataan sa loob ng curfew hours.
Ipinagbabawal sa curfew hours sa Pilipinas ang pagpayag ng mga magulang na lumabas ang kanilang mga anak sa loob ng nasabing oras.
Sinu-sino ba ang mga exempted sa batas?
Sakop ng National Curfew Act o House Bill 1019 ang mga kabataang nasa edad 17 taon pababa. Subalit mayroong ilan na exempted sa batas ng curfew sa Pilipinas.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Cottonbro
- Kapag kasama ng bata ang kaniyang magulang sa oras ng curfew hours
- Mga minor na papunta o pauwi mula sa party, graduation ceremony, religious mass, o iba pang curricular activities ng mga bata sa paaralan at komunidad. Kailangan lamang magpakita ng patunay.
- Kapag nagtatrabaho ang menor de edad. Ngunit kailangan ding may patunay na aprubado ito ng Department of Labor and Employment.
- Kung may emergency ang minor.
- Mga kabataang ginabi ng uwi mula sa paaralan. Kailangang magpakita ng patunay na gabi ang kanilang uwian o kaya naman ay kung siya ay working student.
Kapag nahuli ang bata sa curfew hours sa Pilipinas, ito ang kailangang gawin ng mga law enforcers:
- Ipaliwanag sa kaniya sa wikang nauunawaan niya kung bakit siya hinuli at ano ang naging kasalanan sa batas.
- Abisuhan ang bata ng kaniyang constitutional rights kabilang dito ang pagpapakilala sa sarili.
- Iwasang gumamit ng masasakit na salita o murahin ang bata.
- Huwag gagawa ng ano mang pang-aabusong sekswal sa mga kabataang nahuli dahil sa curfew.
- Iwasang ipakita o gamitin sa bata ang baril, posas, weapon, o ano mang instrument ng force o restraint. Maliban na lamang kung ginawa na ang lahat ng menthods of control at hindi pa rin nahuli nang payapa ang batang lumabag sa curfew hours.
- Ibase lamang ang parusa sa kasalanang nagawa
- Iwasan ang violence at unnecessary force
- Kaugnay ng Section 8 ng batas, kailangang alamin ang edad ng bata
- Matapos ang walong oras buhat ng mahuli ay agad na i-turn over sa Department of Social Welfare and Development o iba pang accredited na non-government organization ang bata. Ipapaliwanag ng DSWD sa mga magulang at sa kabataang nahuli ang kaparusahan sa kanilang paglabag sa curfew hours sa Pilipinas.
- Agad na dalhin ang bata sa proper medical and health officer para sa masusing physical at mental examination. Kailangang panatilihing confidential ang resulta ng exam.
- Kung kinakailangang ikulong ang bata, siguraduhing nakahiwalay ito sa opposite sex at sa mga adult na preso.
- I-record kung ginamitan ba ng posas ang bata nang hulihin at ang dahilan kung bakit gumamit ng instrumento. Ganoon din ang detalye ng pagbibigay alam sa mga magulang, DSWD at Public Attorneys Office ng pagkakahuli sa bata.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Ericson Fernandes
Anu-ano ang mga kaparusahan?
1st offense
- Dadalhin ang bata sa barangay hall o pinakamalapit na police station
- Sasailalim ang bata sa counseling ng Barangay Council for the Protection of Children bago i-turn over sa magulang o guardian.
- Susunduin ang magulang ng bata para kuhain ang kanilang anak sa barangay hall. Bago i-turn over ang bata, bibigyan ng warning ang magulang o guardian sa mga posibleng kaparusahan kapag naulit nang naulit ang paglabag sa curfew hours.
- Kailangang magbayad ng Php 2000 ng magulang o guardian ng batang lumabag sa curfew hours o kaya naman ay mag-community service sa loob ng 48 hours.
2nd offense
- Kailangang um-attend ng bata at ng magulang sa dalawang magkasunod na regular sessions ng counselling ng BCPC.
- Required na mag-render ng 72 hours ng community service ang magulang o guardian ng batang lumabag sa curfew hours. O kaya naman ay magmulta ng Php 3000
3rd offense o higit pa
- Kailangang i-turn over ang bata sa DSWD para sa angkop na counseling at proper disposition.
- Pagbabayarin ang magulang o guardian ng multang Php 5000
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!